Blazing Ice: Four

0 0 0
                                    

"I supposed I'll be up to nothing in the end. You'll leave and will never be back."


BLAZING ICE: Four

Jendi

Pinagmamasdan ko ang malalaking butil ng ulan na bumabagsak mula pa kanina. Nasa loob lamang ako ng aking kwarto, nakaupo sa may binatana habang nakapangalumbaba. Gusto kong makita si Ice pero hindi pwede dahil hiniram muna ni mama ang libro. Hindi ko alam kung bakit, baka may titignan lang siya.

Kumuha ako ng isang aklat para magbasa ngunit bigla akong natigil sa pagbuklat nang bigla kong mapagtantong hindi ko na pala naipagpapatuloy ang pagbabasa sa 'Snow In Summer' dahil lagi akong sumasama kay Ice papasok doon o kung kaya naman ay tumatakas kami papunta sa labas.

Napailing nalang ako at naupo na sa harap ng study table ko't nagbasa na.

Hindi ko pa nga pala nababanggit kina mama ang tungkol sa bagay na 'yun. Hindi ko rin kasi alam kung paano sasabihin o saan magsisimula. Di bale na, sasabihin ko naman talaga sa kanila 'yun. Siguro kung pagkakataon na mismo ang magkusa.

Napatigil ako sa pagbabasa nang mapansin ko ang larawang nakaframe. 'Yung binigay samin ni Ms.Genny.

Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman 'yun inilagay sa frame. Ang alam ko ay inipit ko 'yun sa librong 'Snow In Summer'. Si Ice siguro ang nagframe nito.

"Tok Tok!"

May kumakatok, si mama ata. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Mama." Ani ko habang niluluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Ito na 'yung book mo. May tinignan lang ako diyan, nak." Ngumiti siya at ibinalik na nga sakin ang libro. "I have to go." Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na para pumunta sa trabaho niya.

Sumampa ako sa kama at binuklat ang aklat. Bigla 'yung nagliwanag at nahigop ako papasok.

***

Naimulat ko ang aking mata. Hindi na ako nagtaka nang masilayan ko ang pamilyar na lugar. Pero ngayon ay nagsisilaglagan ang mga lantang dahon. Siguro'y fall ngayon kaya ganoon.

Bumangon ako at nagsimula nang maglakad. Asan kaya si Ice? Dapat susulpot na lang siya basta sa tabi ko.

Hindi ko na alam kung nasaang parte na ako sa lugar na 'to. Hanggang sa matanaw ko na ang bungad ng bahay ni Ice. Baka nasa loob siya. Tumuloy na ako papasok.

"Fiction guy?" Tawag ko habng naglalakad papasok, nagpalinga-linga din ako sa loob para hanapin siya.

"Fiction guy? Asan ka?"

Napuntahan ko na lahat ng bahagi nitong bahay pero wala parin akong makitang Ice sa paligid. Asan na ba 'yun? "Fiction guy!"

Lumabas akong muli at nagpatuloy sa paghahanap sa kaniya. Ito na ba 'yung araw na mawawala na siya sa buhay ko?

Parang hindi ko ata kaya. Naiiyak na ako habang patuloy ko siyang tinatawag at hinahanap.

"Ice naman, nasaan ka na ba?"

Hanggang sa makarating ako sa burol na madalas naming puntahan. Nakahinga ako ng maluwag nang masilayan ko siya doon sa lilim ng puno at nakaupo sa nakausling ugat niyon. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Napagod ako doon ah.

Tumabi ako sa kaniya at tumingin sa mukha niya. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong napakablangko ng mukha niya. Sanay naman na ako sa ganoong ekspresyon ng mukha niya kaya lang parang mas lalong naging blangko kesa sa dati at kapansin-pansin din ang pamumutla ng labi niya na dati-rati'y kulay rosas.

Blazing Ice (Snow In Summer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon