Mahal naman kita, mahal ka ba niya?
Hindi naman di ba?
Andito ako karamay mo tuwing iniiyakan mo siya.
Siya ba nasaan? Di ba may kasamang iba?
Bakit siya pa, kung andito naman ako?
Bakit siya pa na laging iwas sayo?
Bakit siya pa ang minahal mo, eh andito naman ako na ikaw lang ang gusto.
Hay, ang unfair talaga ng mundo. Kung sino pa ang gusto mo, palaging may ibang gusto.
Ano ba ang kailangan kong gawin para maging masaya?
Iwasan ka? Kalimutan ka? Maghanap ng iba?
Kaya ko naman sana, pero kasi di ko talaga kayang iwan ka.
Iwan ka habang iniiyakan siya.
Ikaw pa na naging buhay ko, ikaw na pinili ang ibang tao.
Ikaw na mahal na mahal ko, pero iba ang gusto.
Ikaw na laging una sa priority ko, pero ako ba kahit sandali lang naisip mo?
Siya na gusto mo ang mahal mo, siya na mahal mo pero may ibang gusto.
Ang sakit lang di ba?
Kung sino pa ginusto mo, meron namang ibang gusto.
Bakit ba kasi tumitibok ang puso sa taong kahit kailan hindi mapapasayo?
Para ano? Para pasakitan ka? Paiyakan ka? Para magtanda ka?
Pero nagtanda ka nga ba? Hindi naman di ba?
Kasi kahit anong gawin ko. Kahit ako ang narito para sayo. Kahit ako ang karamay mo. Kahit ikaw ang gusto ko.
Hinding hindi ako magiging siya, na mahal na mahal mo.
YOU ARE READING
For Him
PoetryFor Him, who made my world bright For Him, who make me see things differently For Him, who open my heart For Him, whom I'm too shy to say "Hey A. . . I think I'm falling for you, but I know that you love her, that's why I'll say this here. . . Where...