Wala Akong Karapatan

24 1 0
                                    

Wala akong karapatang manghinayang, dahil sa ating dalawa ako ang lumisan at hindi ka ipinaglaban.

Ngayon masaya ka na sa kanya, ang gusto ko lang sana ay iyong mapakinggan.

Mapakinggan aking mga rason kung bakit kita tinalikuran. Pero makikinig ka ba?

May karapatan pa ba akong habulin ka, ngayon pa na masaya ka na.

Pero gusto ko lang naman sana na mawala itong bigat na aking nararamdaman, tuwing nakikita kita pero hindi ka man lang sumusulyap kahit ako ay nasa iyong harapan na.

Alam kong wala akong karapatang masaktan pero sana naisip mo na ako rin naman ay nawalan.

Hindi ko naman ginusto na ikaw ay bitawan, pero maraming bagay sa ating dalawa ay hadlang.

Una sa lahat, mahal mo ba kong talaga? O baka nabubulagan ka lang dahil kapangalan ko ang mahal mong nawala sayo pagkatapos ng pasukan.

Nabubulagan ka lang ba dahil ako ang iyong nasa harapan habang siya ay hindi mo man lang masulyapan?

Sana naisip mo na sa pinakita mong pagpapahalaga sa isang tulad ko nahulog ako sayo at hindi mo man lang sinalo.

Nahulog ako sa mga mata mong kumikislap habang magkaharap tayo, ngiti mong maliwanag kapag kausap mo ko.

Pero sana naman naiintindihan mo kung bakit ako lumayo, lumalayo kapag ika'y lumalapit na sa tabi ko.

Sana naiintindihan mo kung bakit mas pinapansin ko pa ang ibang tao kesa sayo.

Natatakot kasi ako, natatakot na mahulog sayo ng diretso.

Alam mo ba kung bakit hindi kita masyadong binibigyang pansin?

Pakiramdam ko kasi maririnig mo ang bilis ng tibok ng puso ko kapag ikaw na ay nakatingin.

Pero hindi pala talaga mapipigilan ang puso, kasi kahit anong pigil ko nahulog ako sayo ng walang pakundangan, walang preno.

Pero huli na di ba? Kasi nga bumalik ka na sa kanya.  

Bumalik ka sa taong iniwan ka pero bumalik at muli ay kinuha ka niya.

Paano na ko? Paano na ang puso kong umaasa sayo?

Puso kong nagmamahal sayo?

Paano na ang katagang , 'Mahal kita sana pati ako ay gusto mo.'

Paano na ang mga paliwanag na gusto kong sabihin sa iyo?

Paano na ang mensahe na gusto kong ipahatid sayo?

Mensahe na naglalaman ng totoong nararamdaman at hinaing ko.

Kahit napadalhan na kita ng isang mensahe, hindi pa rin sapat iyon kasi ngayon ako ay sising-sisi.

Sising-sisi sa katangahang ginawa ko na pagtalikod at pag-alis.

Bakit ba ang bilis kong bumitaw?

Bakit ang bilis kong magdesisyon na bitawan ka?

Dahilan kung bakit ngayon ako ay lumuluhang mag-isa.

Kung pwede ko lang sana ibalik, ibalik ang araw na ako pa ang kasama mo.

Ibabalik ko ang oras na ikaw ay akin pa. Ibabalik ko ang araw na ako pa ang mahal mo, sinta.

Ibabalik ko ang araw at pagkakataong pwede kitang makausap at makasama.

Ibabalik ko ang panahon na matatawag kong akin ka pa, kasi ngayon kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik pa.

Kahit anong gawin ko hindi ko na magagawang bawiin ka pa sa kanya.

Kahit anong gawin ko hindi ko kayang makita kang kasama siya, kasi mahal kita kahit ngayon ay parte na lang ako nang nakaraan mo, sinta.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For HimWhere stories live. Discover now