CHAPTER EIGHT

4.9K 112 1
                                    


KANINA pa naiinis si David. Parang gusto niyang pagsisihan na isinama pa niya si Lolita sa VIP opening ng isang international brand na isa rin sa mga sponsors niya. Maya't maya kasi na may lumalapit ditong mga lalaki para magpakilala. Lalo pang nadadagan ang inis niya sa tuwing kakausapin naman ng dalaga ang mga ito saka ngingitian.

He admits that she was quite a looker tonight. Maging siya ay hindi makapaniwala ng makita niya itong lumabas ng kwarto nito. Her simple red dress complimented her creamy white skin, showed her curves and her to die for legs. Simple lamang ang ayos nito ngunit talagang nakakagaw ito ng atensiyon.

Alam niyang maganda ang dalaga ngunit hindi niya inaasahang may igaganda pa pala ito. Mukha itong diyosa na nakikisalo sa mga mortal. Maybe it was the confidence and the way she carried herself which made her much prettier in his eyes. He was glad that she was finally smiling again.

What the fuck! Hindi niya mapigilang mapamura sa kanyang isip ng makitang hawak ni Kevin si Lolita sa braso at malapit na malapit ang mukha nito sa isa't isa. Mukhang may ibinulong si Kevin kay Lolita naging dahilan kung bakit napangiti ang huli. Kasama rin kasi si Kevin sa event dahil ito ang kumukuha ng litrato para sa kanya.

Iyon mas nagpapangitngit ng kanyang damdamin. Kanina pa kasi amgkasama ang dalawa at tila hindi mapaghiwalay. Hindi naman niya magawang lapitan ang dalawa dahil nasa gitna siya kung saan kasalukuyan silang iniinterview ng mga inimbitahang press at kasama din niya si Kim.

Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Ngayong kasama na niya si Kim, tila hindi naman siya masaya. Kim had her arms wounded on his ngunit hindi niya maramdaman ang dating kaligayahang hatid niyon sa kanya. And that feeling is as out of place as the irritation he was feeling while looking at Lolita ang Kevin.

"Dave," narinig niyang tawag ni Kim sa kanya kaya nilingon niya ito. "Let's have a photo taken at the photo booth."

Kim's face was so close to his, her breath was fanning his face. Ngunit wala siyang maramdaman na kahit ano. The warmth was just normal compared to the electricity he was feeling when he held Lolita in his arms. What the heck is happening to me?

Tumango siya at iginaya si Kim papunta sa photobooth. He was somehow hoping that the old electric feeling whenever he was with Kim would come back and the he should also quit stealing glances at Lolita.

LIHIM na napaismid si Lolita ng makita niyang malapit na malapit ang mukha ni David at ni Kim sa isa't isa. She was supposed to feel glad because David was finally moving on from his torpe days but instead, she was feeling jealous—ultra jealous, in fact.

Nasa VIP opening sila ng isang sponsor ni David at isinama siya nito. Mabuti na nga lang din at nandoon si Kevin dahil kung hindi ay baka ma-out of place siya doon dahil kailangang makipaginteract ni David sa press na naroroon. Idagdag pang nandoon din si Kim, chance nito iyon para makaporma sa dalaga, kaya hindi na talaga siya nito naasikaso.

She was eating a yummy food courtesy of the buffet but she couldn't even appreciate it. There seemed to be a constant bitter taste in her mouth as she kept an eye on David.

She wanted to sigh. Kahit naman alam niyang may gusto si David na iba noong una palang, hindi niya maiwasang magselos kahit ayaw niya. She was just a woman in love afterall. Jealousy would strike no matter how much she doesn't want to feel it.

"You like him, don't you?"

Bigla siyang napatuwid sa kanyang pagkakatayo ng marinig niya ang ibinulong ni Kevin. "Ha?"

Ang Pag-ibig ni Lolita [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon