Chapter 6

26 3 0
                                    

Halos isang buwan na ang nakakalipas simula noong kumain kami ni kyle ng sabay, mas lalo kaming naging close ni kyle,i mean kami nina harvie, tine, at kyle.

Kasi naman halos araw araw kaming magkakasama, feeling ko tropa na kaming apat, masaya silang kasama laging may gimik, kalokohan, at iba pa.

Kasalukuyan akong nag-da-drive patungong school.

Nang makarating ako lumabas na ako ng kotse ko, at pumasok na sa gate ng school. Marami na akong nakikilala dito at mga nagiging ka- close. Naglakad na ako papuntang classroom, ng makarating ako pumasok na  ako, napansin kong ang ingay ng mga kaklase ko. Parang excited sila sa pinaguusapan nila... ano kaya yon?

Naglakad ako patungo kay tin, syempre magkatabi kami ehhh

"Ano pinag- uusapan nila?" Tanong ko sa kanya

"Nandyan ka na pala!" gulat na sabi nya

"Ay hindi, hindi ako to" maarte kong sabi

"Taray,ano may dalaw?" Pambaklang sabi nya

"Sumagot ka nalang" sabi ko

"Sabi kasi nila may iaanounce daw si ms. Kaya hinuhulaan nila kung ano ba yon" paliwanag nya

Akala ko naman kung ano

Ng malaman kong wala naman palang saysay ang pinaguusapan nila, umupo nalang ako at nakinig sa mga pinag- uusapan nila

"Yieh! Siguro intramurals"

"Hindi next month pa yun"

"Ehhh ano?"

"Alam ko na pageant!"

"Pageant? Oo nga no!"

"Di ba nung isang taon nanalo si Cristine"

Si tine? Di naman mapag kakaila maganda naman talaga si Tine, let me describe her: maganda buhok nya, mahaba, makinis ang balat, kissable lips, mahaba ang pilik-mata, may perfect curves ang katawan nya, matangkad. In short MAGANDA! Talaga!

Nakinig pa ako ng usapan hanggang sa may narinig akong nagbukas ng pinto, ng tingnan ko kung sino teacher pala namin

Naglakad sya papunta sa lamesa at pinatong ang bag nya

"Good morning class~" magandang sabi nya

"Ms. Ano po iaannounce nyo?"

"Ms. Intramurals ba?"

"Luh? Oo nga sana intramurals!"

"Hindi pageant yun!"

"Oo nga pageant!"

"Si cristine ulit!"

"Class calm down~" maganda pa ring sabi nya "wala diyan"

"Hahh!" Reklamo ng nakakarami sa amin

"Akala ko iyon na sayang!"

"Class" sabi ng teacher namin "Sa kauna- unahang pagkakataon, magkakaron ng ibat ibang singing competition dito, magkakalaban ang iba't ibang school" paliwanag nya "Sa school natin pipili ng dalawang estudyante para mag duet sila" paliwanag pa nya

"Ay! Sayang!"

"Singing contest! Baduy!"

"Uy di kaya! Ganda kaya non"

"YES!"

"Students! Please cooperate" sabi sa amin ng teacher namin. Biglang may nag vibrate sa cellphone ng teacher namin, mukhang may nag text. Kinuha ito ng teacher namin at binasa may gumuhit na ngiti sa labi nya.

Searching For Her Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon