Part 2

4 2 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw naging Masaya ang dalawa. Nagkaroon narin ng raket si Aries sa umaga para lang maibigay ang lahat kay Luna. Pero hindi napapansin ni Aries na nawawalan na sya ng oras at panahon sa iniibig.

James: Ok ka lang ba?

Luna: Oo okay lang ako.

James: Yung totoo? Napapansin ko parang lagi kang malungkot nitong mga nakaraang araw.

Luna: Si Aries kasi.

James: O Bakit?

Luna: Wala na syang oras sakin, puro nalang trabaho ang nasa isip nya.

James: Intindihin mo nalang sya para sa inyo rin naman yung ginagawa nya.

Luna: Ilang beses ko pa bas yang kelangang intindihan, ako ba inintindi nya? kung anong kelangan ko? (habang umiiyak), sya lang nman ang kelangan ko.

James: (Niyakap si Luna) Tahan na.

Si James ay laging nalalapitan ni Luna sa oras na wala si Aries sa tabi nya at sa pamamagitan nito nahulog ang loob ni Luna kay James at sa hindi inaasahan ay may nangyari sa kanila.

______________

Sa kanilang hapunan..

James: Kain na Luna, sabay lagay ng pagkain sa kanyang pinggan.

Aries: (Napatitig sa ginawa ni James)

Luna: (Nakakadalawang subo palang ay napatakbo na sya sa lababo at nagsuka)

Aries: Ayos ka lang ba? (Sabay hagod sa likod)

Luna: Okay lang ako, kumain ka na dun.

Katulong: Hija na ito na ang manga mo at alamang.

Luna: Salamat po Ate, sabay subo ng mangang hilaw na hilaw, at saglit lang ay naubos na ito.

Aries: (Nagtataka at napaisip sa nakita) Hindi kaya buntis sya?

Aries: (Sa isip) Malabong mangyari yon dahil napakatagal na nung huli kaming magtabi sa pagtulog.

Nang matapos na ang hapunan ay natulog na ang dalawa at umalis na si Aries para sa kanyang duty na baon ang mga katanungan sa isip.

_________

Kinaumagahan ay ginising si James ng isang malakas na sigaw na nagmula sa CR.

James: Ano yun?(sabay takbo)

James: Anong nangyari? (Nakita si Luna na nakasalampak sa sahig at puro dugo.)

Luna: Yung.. Baby ko! (Umiiyak)

James: Tara dadalahin kita sa ospital.
(Inalalayan sa pagtayo si Luna)

______________________

Sa Ospital…

James: Dok, kamusta po?

Doktor: Ayos na sya, dulot lang ng matinding pag-iisip kaya sya dinugo.

James: Yung bata po kamusta?

Doktor: Stable na ang kalagayan nya, kaya pakibantayan nalang sya ng maayos at wag mo na syang pag-iisipin pa ng kung ano, hindi yon makakabuti para sa bata.

James: Opo Dok, salamat po.

Doktor: Sige

Matapos magpacheeck-up ay umuwi na silang dalawa.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso na agad si Luna sa kuwarto at nagkulong lang sya dun ng maghapon hanggang gabi.

Bakit Hindi Mo Nadinig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon