Prologue

7 0 0
                                    

Hingal na hingal ako paggising ko.

Tumingin ako sa paligid. Puti lang ang kulay sa loob ng silid. Marami ding nakakabit sakin na wires. Nasa hospital ako.

Sinubukan kong umupo medyo nahirapan ako pero tiniis ko. Nanunuyot na yung lalamunan ko sa totoo lang. Napatingin ako sa side table. Buti na lang may tubig dito. Agad ko itong ininom. Paglapag ko ng baso, napatingin ako sa salamin sa gilid ko.

Bakit mahaba na ang buhok ko?

Hanggang tagiliran ko na ito. Natatandaan ko hanggang balikat lang yung buhok ko ah? Gano ba ako katagal natulog?

Dahan dahang bumukas yung pinto naalarma agad ako, hinanda ko yung sarili ko sa posibleng mangyari. May pumasok na nurse. Agad akong nakahinga. Kinalma ko ang sarili ko. Unti unting umangat yung tingin nya sakin. Napatigil sya ng mga 5 seconds bago natauhan. Agad siyang lumabas ng silid. Pagbalik nya may kasama na syang doctor. Agad akong inasikaso ng doctor.

Pagkatapo akong tanggalan ng kung ano ano, maliban sa dextrose. Pinapahinga na nila ako. Tinanong ko kung gano ako katagal na comatose sabi nung doctorone year and three months. Like what the f? Ganun ba kalala yung natamo ko kaya pati katawan ko sumuko na?

Biglang may pumasok sa kwarto, isang lalake na hindi familiar sakin. matangkad at gwapo siya. Pero mas gwapo si warren. Tapos tan yung skin color nya. Nanatili akong poker face. Alam kong gwapo sya pero hindi sya si warren. Mas gwapo si warren hmp.

"Finally, you're awake." Sya

"Who are you? Why are you here? Where's warren?" Sunod sunod kong tanong

"I saw you half dead in the edge of the cliff a year ago, you should thank me for saving you and being handsome " sya

what a conceited jerk.

"Thanks"

"By the way what's your name?" Sya

"Red"

Red riding hoodWhere stories live. Discover now