Crazy-Looking Girl

2 0 0
                                    

Chapter 1: Bakit?

"Baliw ka talaga Mel! Hahahaha!" Sabi ni Justin habang tawa mg tawa dahil sa joke ko.

Ano bang nakakatawa sa "Sino ang superhero na mukhang pwet? E di si BUTTman" at tawa ng tawa ang mga tao sa paligid ko?? Naiirita ako sa mga jokes na sinasabi ko, pero BAKIT sinasabi ko pa rin ito??

Ako si Meline Shane Griger. Isang fourth year student dito sa Glim Academy. Masayahin at ang CLOWN ng klase. Paano ba naman, hindi ako nag-aayos ng sarili ko at lagi ako ang nagpapatawa sa klase namin. Wala akong tunay na kaibigan. Mga PEKE SILANG LAHAT, kunwari'y natutuwa sa jokes ko pero sa likod ko ay sinisiraan na ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Nandidito ako sa rooftop, NAG-IISIP ISIP. Nakakainis naman kasi si Dad, PURO PERA LANG ANG INAATUPAG.. Bakit ba kailangan ko pang pakasalan yung anak ng business partner niya?!?! NAKAKASURA lang..

Bakit pa ba ako nagbabait baitan sa harap ng maraming tao?? Wala rin namang magbabago. BALIW NA ATA TALAGA AKO...

"AHHHHHH!! NAKAKASAWA NA!!" Sigaw ko ng paulit ulit hanggang humiga na ako at tinakpan ang mga mata ko.

"Ang alin?"

"Ay Kabayo!! Justin ikaw lang pala." Napatayo ako sa gulat. Grabe! "Muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo!"

"Bakit ba kasi sigaw ka ng sigaw diyan?" Tanong niya sa akin.

"Ahm, wala lang. ^_^" Sabay ngiti ko.

Ganito naman ako e, ngingiti na parang okay lang ang lahat, na para bang ang AYOS lang ako.

"Alam mo, feel ko na may tinatago ka." Sabay tingin sa akin. Dahil doon pinagpawisan ako ng malamig.... Kinakabahan ako. Baka malaman nila na PEKE ako, na nakikisama lang ako kaya ako ganito.

"Hahaha! Wala naman! ^_^" kasama ang PEKE kong ngiti

"Okay,sabi mo eh" sabi nya

"Sumuko karin sa pangungulit ahahahaha" kasabay ang PEKE kong tawa

At dito na nagsisimula ang NAKAKABWISIT na buhay kong ito.....


(A/N: Ako po ito,di po ito copy.Dati kong name yung nasa cover ng book. Kaya akin itong book ko.Anyways,panget ba book ko? Comment lang para may mabago ako.Yun lang po)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy-Looking GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon