Transformed Inside Out
(Prologue)
.
"Eeew! She's so ugly"
"Kadiri ang pimples!"
"Yuck!"
"Ang pangit!"
Yan ang kadalasang naririnig ng isang babae sa kanyang mga classmates. Ganyan ang binabati nila sa kanya araw-araw kapag dadaan siya sa mga grupo ng mga mapanghusgang mga babae. She used to be treated like this since she was a freshman.
"Pare, padating na ang napakagandang bride mo oh?" sabi ng isang lalakeng may hindi katangkaran pero gwapo. Nakatingin siya sa babaeng naglalakad sa tapat ng kanilang classroom.
"Saan? Saan?" tanong naman ng kanyang kasama na kanina ay busy sa pagtetext pero ngayon ay palingon-lingon na hinahanap ang sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Yun oh." turo naman nito sa corridor kung saan naglalakad ang dalaga.
Pagkakita naman ng binata sa babae ay napatawa siya ng malakas sabay sabing, "Mamamatay ako ng maaga dyan tol. Sayo nalang. Geh." Tumatawa ang dalawang lalake habang tinitignan ang dalaga sa labas.
Hindi nila alam na naririnig ng dalaga ang kanilang pinag-uusapan. Bahagyang napayuko ang dalaga at pinagpatuloy ang kanyang paglalakad patungo sa kanyang classroom.
Nakaramdam siya ng sakit sa bawat pangungutya na ginagawa ng mga tao sa paligid niya. Pero binalewala lang niya ito. Mapabababe o lalake wala siyang takas sa kanilang mga panghuhusga.
Siya si Hanna Mae "Honey" Tolledo, isang 17 year-old Senior High school student in KC Academy. At a tender age, she stands 5"4 in height. Madali siyang mapansin because of how tall she is. She's a petite young lady who has a long, black, and curly fuzzy hair. She has a lovely blue eyes that draws her purity and innocence, she wears reading eye glasses, pero mapagkakamalan mo siyang parating galit sa mundo dahil sa magkadugtong nitong mga eye brows. Maputi si Honey. At dahil sa maputi nitong kutis ay madaling makita ang napakaraming naglalakihang pimples sa mukha. Maputi ang mga ngipin ng dalaga pero natatabunan lang ito ng kanyang braces na kulay blue that matches the color of her eyes.
No boyfriend since birth ang dalaga. At dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng ka in relationship ay pinatulan niya ang alok ng kanyang bestfriend.
Kung ano yun? Tara na! Subaybayan natin ang kanyang kwento.
BINABASA MO ANG
Transformed Inside Out
Teen FictionSi Honey, isang high school student branded as an "ugly-neird" in their campus, desperate to have a relationship because of her not having one since birth. Will fate permitted her to have her first boyfriend? Or not?