Chapter 1: First Day Hell?!

10 0 0
                                    

Aleia's POV

Pasukan na naman. Ang daming palakad-lakad na mga estudyante.

Papunta na ko ngayon sa room ko. Honesty. Ang cream section. ^_^

Malapit na ko sa room namin ng makita kong may binubully na naman si Amethyst at ang grupo niya.

"First day na first day nambubully ka na agad? Yan tuloy. Ang aga-aga pa lang mukha ka ng losyang." pang-aasar ko sa kanya.

"Kaya nga eh noh Aleia. Ang aga-aga may pakialamera agad. Bitch please. Nagmamagaling ka na naman. Tss. Halika na nga kayo girls." sabi niya at inirapan ako at umalis.

Hayss. Hanggang ngayon di pa din siya nagbabago. Sabagay, hanggang ngayon ba naman di pa ba ko nasanay sa kanya. Mga tao nga naman. Maging sikat lang nagkakasungay na.

Lumapit ako dun sa babae. Mukha siyang nerd. Pero something's weird about her. I just can feel it. Sana mabait naman siya.

"Miss, okay ka lang?"

Tumango lang siya.

"Halika, sabay na tayo."

Tumango lang siya ulet.

Ano ba naman tong babaeng to. Wala ata tong dila eh. Puro tango lang.

"Ngayon lang kita nakita dito sa Fameville Academy. Transferee ka?"

"Yup. Galing sa Starbrain Acacdemy."

"Ahh. Galing ka pala sa kalaban. Hahaha. XD"

Ngumiti lang ito.

"Nga pala. Ano name mo?"

"Crishta Natividad."

"Ahh. By the way Crishta, I'm Aleia. Aleia Madrigal." pagkasabi ko nun ay ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis.

Huminto siya.

"Yeah. I know. Halika na, pasok na tayo?"

Di ko namalayan nasa tapat na pala kami ng room.

Kita pa lang dito sa may pintuan ang nakasulat sa board na winewelcome kami. Ang init naman ng pagtanggap ng adviser namin kung sino man siya.

"Nga pala. How did you know me?" pagtatanong ko sa kanya habang naghahanap kami ng mauupuan.

"You're famous." sabi niya at umupo sa harap sa may gitna.

Tumango lang ako.

Inikot ng paningin ko ang buong classroom. As usual, kami na naman ang mga section A. Ang pinakamayayaman, pinakasikat, pinakamatatalino, at syempre ang mga magaganda't gwapo.

Bumuntong hininga lang ako.

"Hi loser." sabi saken ni Macey. Isa sa mga miyembro ng grupo ni Amethyst.

"Akala ko di ka na makakasali sa section A. Coz you're a pathetic loser now." dagdag pa ni Ritchell.

"Enough girls. She's not worth of our time." pagpapatigil ni Amethyst.

"Because like what you've said a while ago she's not famous anymore." pagkasabi niya nun ay tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at inirapan.

Napatungo na lang ako.

Yung mga nasa room tumatawa lang sila.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Si Crishta. She's giving me a genuine smile. Sana nga totoo.

"Ah. Eh. Girls, okay lang ba kung umupo ako dito?"

Pag-angat ko ng ulo ay isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko. *Q*

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon