Chapter 2: The Missing?

12 1 0
                                    

Crishta's POV

Ang tagal naman bumalik ni Aleia.

"Emman, sundan ko lang si Aleia ha. Antagal kasi eh."

"Samahan na kita. Mukha naman kasing wala kong makakasundo sa mga tao dito."

Tumango lang ako.

Hayys. Aleia, ayos ka lang ba?

Sir Chris's POV

"Grabe. Nag-iba na talaga ang ugali ng section A." sabi ko sa may-ari ng school.

"Sinabe mo pa. They've changed a lot. Mula sa dating mga maamong tupa, ngayon, mga demonyo na sila."

Tumango lang ako.

"They've bullied a lot of students. Marami na din silang mga tinakot na teachers. And, for me, that is enough. Siguro kailangan ko na nating kumilos at makialam."

Crishta's POV

Kanina pa namin pilit binubuksan ang pinto pero ayaw talaga.

"Eh kung kinukuha niyo kaya yung spare key sa office." nakataas ang kilay na sabi ni Amethyst.

Di ko naisip yun ah. Aish! Ang tanga-tanga ko talaga.

"Aba! Kung pwede dalian niyo. I need to retouch right now."

Nagkatinginan kami ni Emman at tinanguan ko siya. Dali-dali siyang tumakbo paalis.

"Di ba ikaw yung nerd na pinagtanggol ni Aleia?" tanong nung babaeng napakakapal ng make-up. Sa pagkakatanda ko, siya si Macey.

Tumango lang ako.

"Seriously, wala ka bang dila ha? Pag di ka pa sumagot ng maayos, mawawalan ka talaga ng dila." pananakot niya saken. As if naman matatakot ako sa kanya.

"Oo ako nga. Eh ano naman ngayon? sabi ko sa kanya. Sanay na ko sa ganito. Dati pa lang, binubully na ko eh.

"Aba! Ang lakas ng loob mong angasan ako ah." naiinis na sabi ni Macey.

"You're asking a question and nung sinagot ko ng maayos yung tanong mo, sasabihan mo ko na inaangasan kita." sabi ko sa kanya at inirapan siya.

Di porket nerd ako, di na ko pwedeng di magtaray. Lalo na ngayong, di ako mapakali dahil sa lintek na pinto na to.

"Argh! Di pa tayo tapos! Tandaan mo yan!" at inirapan niya ko.

"Tapos na ba kayo? After so many years, makakapagretouch na ko. Alam mo Mr. Whoever are you, lalake ka ba talaga? Ang bagal mo eh." halatang inip na inip na sabi ni Amethyst.

Di ko napansin na nandito na pala si Emman. Hinde niya na lang pinansin si Amethyst at inabot saken ang susi.

"Psh! Ang tagal. Akin na nga yan. Ako na magbubukas." sabi ni Amethyst at binunggo ako at kinuha ang susi.

Pagkabukas na pagkabukas ni Amethyst ay napasigaw kaming lahat. Isang itim na pusa ang nakasabit sa dulong cubicle. Lawit ang dila, nakabukas ang mga mata at may hiwa sa may bandang tiyan kaya lumabas ang laman-loob nito at nagkalat sa sahig. Andame ding dugo sa sahig. Nakakasuka.

At hinde na nga napigilan pa ng grupo nila Amethyst at umalis. Siguradong sa ibang CR sila pupunta. Tinakpan ko ang ilong dahil sa sobrang sangsang ng amoy. Nakita kong ganun din ang ginawa ni Emman. Pumasok kami sa loob at may nakita kaming note. Agad naming yun kinuha at tinago.

Maya-maya pa ay pumunta na din dito ang mga teachers at iba pang estudyante. Yung iba napasuka. Yung iba nagsisisigaw. Okay. OA na sila.

Agad kaming pumunta sa opisina ni Sir Chris.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon