Game#2 (Opposites)

385 24 10
                                    

Game#2 (Opposites)

Mei Sanguis Point of View

Yung ate ko hindi nanaman sumabay sakin sa pag-uwe. May practice nanaman sila ng volleyball. So, nagdecide akong pumunta ng bookstore para bumili ng If I stay na libro.

So, nakarating na ako sa bookstore. Hinanap ko kaagad yung libro at nakita kong nag-iisa nalang yun. Hay.. Kinuha ko siya kaso nga lang nagulat ako ng may humablot din nito.

"Uhh kuya nauna po ako"

"Nauna ako sayo" sagot niya.

"Excuse me? Mas nauna ako sayo"

"Nauna nga sabi ako sayo eh"

"Hoy kuya kita mong hawak hawak ko diba?" Nakakainis! Hindi ba siya gentleman?!

"Hawak ko din diba? Sige na miss ibigay mo na sakin ito kailangan ko lang sa kapatid ko" Pakiusap niya.

"Eh kailangan ko nga din ito eh" Bigla kong hinablot yung libro pero hawak hawak niya pa rin yung kabilang dulo.

"You know I hate books pero kailangan ko to para sa kapatid ko" Bigla niya din hinila yung libro.

"Ayaw mo naman pala sa libro eh. Edi ibigay mo na sakin to"

"Nakakaintindi ka ba miss? Sa kapatid ko nga sabi eh"

"Akin na sabi eh!"

"Ako nauna dito"

"Nauna nga ako!"

"Ma'am/Sir may stock pa po iyang libro" singit ng isang saleslady. Bigla kong binitawan yung libro at padabog na sinundan yung saleslady.

Nakakainis yung lalaking yun! Sinasabi na nga ba at wala ng gentleman ngayon eh. Nakakabadtrip. Pagkabili na pagkabili ko nung libro ay agad akong umuwi sa bahay. 

"Hi princess bad mood?" salubong ni Daddy.

"Yeah dad definitely!" I just rolled my eyes.

"Don't be"

"Hay Dad. Sige akyat muna ako"

***

"Alam mo Mei hindi naman siya ganun dati eh"

Nakikinig lang ako ngayon sa drama ni Cyrile -___-" Hay, may naaalala lang ako sa storya niya.

"Ganyan naman ang mga lalaki eh.. Puro salita pero nganga na sa gawa"

"Hindi naman lahat" Napalingon ako sa likuran ko. Si Jiro pala.

Let's Play A Love Game [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon