Game#7 (Rain Monteclaro)

286 15 0
                                    

Game#7 (Rain Monteclaro)

Cyrile Criela Point of View

Natapos na kami ngayon magspin the bottle. Grabe pala yung story nila Thea at Mei noh? Nakakalerki! Pero aaminin ko sainyo ha! Nakakarelate ako sa bestfriend thingy story ni Mei. Basta!

*Boogsh*

Bigla akong nabangga sa isang malaking pader. Ang tigas! Sakit nun ah! Teka lang may tanong ako sainyo. May pader bang mabango? OMG! Hindi kaya nagpabango yung pader?! Hala! Gumagalaw yung pader!

"Aamuyin mo nalang ba ako?" Nagsasalita siya! Nagsasalita siya!!

"Nagsasalita ka?" tanong ko. Medyo kinikilabutan na nga ako eh!

"Huh? Pwede bang hindi ako nagsasalita?"

"Wala namang pader na nagsasalita eh" Unti unti kong inangat yung ulo ko at nakita ko ang isang lalaking gwapo, hunk tapos matangkad.

"Mukha ba akong pader miss?" Iritang tanong niya.

"Hala! Diba sa pader ako tumama?" Bakit ganun?

"Excuse me nga dyan miss" Tumabi ako ng konti tapos dumaan siya. Grabe naman yun! Ang sungit niya *pout* Gwapo pa naman sana.

"Cyrile!" Narinig kong tawag ni Mei kaya agad siyang nilapitan. Kasama niya din pala si Thea.

"Hi Mei! Hi Thea!" Bati ko.

"Hello Cyrile!" Bati naman ni Thea.

"Diba magkaklase tayo sa next subject? Sabay ka na samin" sambit ni Thea. Oo nga pala noh! Magkaklase kami!

"Yesh! Tara na!"

***

"Cyrile! Kilala mo ba yung transferee?" tanong sakin ng kaklase kong si Pia.

"Uhh.. Hindi eh" Meron bang transferee dito? Hmmm...

"Nako Cyrile! Ang gwapo niya tapos balita namin model pa siya kyaaaaaahh" Kinikilig niyang sambit. Eh? Sino yun? Wala talaga akong alam..

"Eh? Talaga?!"

"Oo! Classmate nga natin siya eh.. Speaking of. Andyan na siya Kyaaaah!!" Agad akong napalingon sa lalaking papasok ng pintuan.

'Uwaaah! Ang pogi ni Rain!'

'Kaklase natin siya!'

'OMG he's so hot! Model na model nga!'

"Mr. Monteclaro sitdown next to Ms. Criela"

Let's Play A Love Game [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon