Meet Sky Athena Avegail Dee Santiago
Sky's PoV;
Uwaaa....
Ano ba yan ang ingay??-nasabi ko na lang sa sarili ko
Hoy Athena!!! Gumising ka na mamaya malate ka pa sa pag-aasikaso mo ng papeles paalis sa Korea!!-pagbubunganga sakin ng nanay ko
Ang aga-aga nagbubunganga!!
Kaya naman bumangon na ako at nag-ayos na at baka mamaya nanjan na din ang nestfriend ko na kasama ko sa Korea!!
Oo nga pala nagpakilala na ba ako??
(A/n:Hindi pa, kung hindi ka pa bubungangaan ng nanay mo hindi ka pa magigising!! -_-)
Oo na Author unnie!! Magpapakilala na!!
(A/n:Oo na bilisan mo na!!)
BTS
So ako nga pala Sky Athena Avegail Dee Santiago oh diba ang haba kasi naman si mama ang nag-isip niyan 22 years old na ako!! May 4 akong kapatid dalawa sa kanila ang pinahabilin lang at yung dalawa ay talagang kapatid ko kambal sila si Mark jay at Allysanna yung pinaampon at si Dwith at Dwayne na kambal
Hoy babaita!! Bumababa ka na jan malalate na tayo!!-sabi ng Bestfriend ko
Ay oo nga pala nalimutan ko aalis na pala kami kaya bumababa na ako at bihis na naman ako isang t-shirt na black na nakapantalon at nakasapatos ng puti
Meet may bestfriend Joanna Julie Son
Kaya siya pupunta dun sa Korea ay dahil sa mga business nila dun pati dun siya titira!! At may mga kaibigan dib siya dun na mga model!! Oh edi sila na
Hay naku!! Ang bagal-bagal mo talaga Sky avah!! Kung ganyan ka baka masesante ka sa trabaho mo!!-sermon niya sakin
Ayan nga ang tawagniya sakin Sky Avah
Oo na!! Tara na!!-sabi ko sa kanya at nagpaalam na kay Mama at sa mga kapatid ko
Pumunta na kami at inayos na ang mga papeles
3:00 o'clock kami natapos at pumunta na ako sa park kasama si Joanna para sana kami makapagaliw
Ngunit pumunta siguro ako dito para masaktan at matapos na ang samin
Ng Boyfriend ko
Oo nga pala si Chris Louie Cha ang boyfriend ko na nakikita ko kung gaano sila kasweet
Tinawagan ko si Chris
Calling Chris..
Sinagot niya
Alam mo Louie parang nanonood ako ng live na k-drama
(Oh anung nangyayari??-tanong niya)
Alam mo magkahawak kamay sila tapos yung isang kamay ni Boy nakaakbay sa Girl tapos bigla silang nagkiss tapos biglang nagsusubuan ng ice cream alam mo nakakainggit sila sobrang sweet!!-sabi ko
Nakaupo kami sa bench ni Julie na malayo kina Louie at ito kanina pa ako iyak ng iyak samantalang si Julie hinahagod yung likod ko
(San ka nanunood?? Para naman masamahan kita!!-sagot niya)
Sa paborito nating park!! Alam mo bang ang sweet-sweet ninyo tapos ako namang itong umiiyak *sniff* tapos yung bestfriend ko ang humahagod ng likod ko para mapagaan ang nararamdaman ko!!-sabi ko sa kabilang linya
Dineretso ko na para wala ng paligoy-ligoy dahil alam kong dun din ang hantong namin
Lumingon siya sa likod at nagulat siya ng makita ako nakita ko sa mukha niya na gusto niyang magpaliwang
Kaya naman inunahan ko na siya
Sana maging masaya ka na ha!! Wag mo siyang sasaktan katulad ko at sana mahalin mo siya ng tapat at walang kahati!! MALAYA KA NA!!-pagkasabi ko nun ay umuwi na ako
Inihatid ako ni Julie saamin at dumiretso na ako sa kwarto ko at naglock
Tinatawag pa ako ni Mama pero hindi ko na nilingon dahil maiiyak na naman ako
Siguro naman ipapaliwanag na yun ni Julie kay Mama dahil inihatid niya ako hanggang loob ng bahay
Umiyak lang ako ng umiyak magdamag
Bigla na lang akong nakatanggap ako ng text
From:Lou-Lou
To:Avah
Avah mag-usap tayo!!Avah magpapaliwanag ako!!
Avah mahal na mahal kita!!!
Avah kung yan na talaga ang desisyon mo sige Malaya ka na din!!
Lalo pa akong napaiyak dahil sa mga nabasa ko
Nang magalas dose na ay tumigil na ang mata ko siguro napagod na kaya naman maya-maya ay nakatulog na ako.
Makalipas ang isang buwan....
Ngayon ako aalis ng bansa kasama si Julie
Mag-iingat ka dun ha!! Pagnandun ka na tumawag ka kaagad ha at Anak huwag mong kalimutang magdasal at Anak---
Opo ma!! Alam ko na kanina niyo pa yan pinapaalala simula sa bahay at ngayon dito sa airport
Oh siya sige na umalis na kayo baka mamaya maiwan pa kayo ng eroplano-sabi ni Mama
Kaya niyakap ko siya sa huling sandali at pati ang mga kapatid ko
Mark alagaan mo sila ha para sakin at pagiigihin mo ang pag-aaral ha!!-sabi ko sa kanya at niyakap siya
Pati kayo ha mag-aaral ng mabuti!!-sabi ko pa sa iba kong kapatid
Opo ate!!-sabay-sabay nilang sabi
Kaya naman niyakap ko na sila sa huling pagkakataon at pumasok na para sa aming pag-alis
Ilang oras din ang byahe namin at nakarating kami sa Korea at masasabi ko lang ay..
Ang ganda naman dito Julie!!-sabi ko sa kanya habang nasa sasakyan niya kami
Oo naman!! Syempre!!-sagot niya
Maya-maya ay nakarating kami sa bahay na tutuluyan muna namin at tinawagan ko sina mama
Nagkamustahan at nagkaiyakan pa pero masaya ako dahil maayos sila
Pagkatapos ay humiga na ako at natulog
Binigyan naman niya ako ng kwarto dito sa bahay nya at dun na daw ako magdorm
Inisip ko muna ang magiging kapalaran ko sa bansang ito at nakatulog na.