Meeting my Parents
Sky Avah's PoV;
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ni Julie nagpapahinga
Nag-iisip kung anung gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon
Napabalikwas naman ako at napagulo ng buhok
Bigla namang tumunog ang laptop na ibinigay sakin ni Julie binuksan ko at nakita kong nagvivideo call sakin si Nanay
Waaahhhh..... Anung gagawin ko??
Napatakbo na lang ako sa baba
Nakita ko sila sa sala at pumunta sa kanila
At hingal na hingal ako humarap sa kanila
Hoy babaita!! Bakit ka tumakbo ha?? Paano kung nalaglag ang bata??-sermon ni Chenna unnie sakin
Kasi.....
Kasi ano??-tanong naman ni Vianne unnie
Ah eh!! Wala!! Sige akyat na ukit ako!!-sabi ko
At tumakbo ulit
Hoy babaita!! Sabing wag tumakbo eh!!-suway ni Julie
Pero hindi ko sila pinakinggan at naglock ulit sa kwarto ko
Anung gagawin ko??-sabi ko sa sarili ko at napaubub na lang ako sa tuhod ko na nakasandal sa likod ng pinto
Bigla namang bumukas ang pinto kaya natumba ako sa sahig
Aray!!-daing ko at inalalayan ako ni Alien
ALIEN!!
Iyan kasi sa susunod mag-ingat ka!! Ayokong mawala ang anak natin!!-sabi ni Alien at tinignan ang siko ko
Pinaupo na ako sa dulo ng kama at kinuha ang First Aid kit sa baba
Bumalik ulit siya at ginamot ang siko ko
Aww..!!-daing ko
Wag kang malikot!!-sabi niya kaya hindi ako naglikot at nilagyan niya na ng band aid
Ayan tapos na!!-sabi niya ng nakangiti at nakatingin sakin
Kaya napatitig na lang din ako
Ang pogi pala niya
Naudlot na lang ang pagmomoment namin ng bigla na lang tumunog yung laptop kaya napayuko na lang ako
Bakit ayaw mo sagutin??-tanong niya sakin
Natatakot ako!!-sagot ko
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
Nandito ako at sincere ako sa sinabi kong pananagutan kita dahil ayaw ko ding lumaki ang batang nasa sinapupunan mo na walang amang kinikilala at gusto ko ding maranasang mag-anak!!-sabi niya
Pumunta siya doon sa lamesa at umupo at binuksan ang laptop at sinagot ang video call kaya pumunta na rin ako
Hello po Mam!!-sabi niya
Hello din ijo!!! Si Athena!!-tanong ni nanay
Nandito po sa tabi ko!! Dee!!-tawag niya sakin
He-llo Na-y-sabi ko
Nga pala sina Mark Jay at Allysana kinuha na sila dahil nanjan na yung mga magulang nila!! For Good na yun!!-sabi ni Nanay
Ah ganun po ba!!! Hindi man lang ako nakapagpaalam!!-sabi ko
Ah!! Anak si Dwith kasi nasa hospital!!-sabi ni Nanay
Ano?? Nay anung nangyari?? Bakit siya nasa hospital?? Anung sakit?? Bakit??-sunod-sunod kong tanong
Kalma lang Dee!!-sabi ng katabi ko pero hindi ko siya pinakinggan
Anak!! Nadengue kasi siya at sa ngayon si Dwayne naman nilalagnat na apat na araw na!!-sabi ni Nanay
Nay nadala niyo na po ba sila??-tanong ko
Oo ang kaso malaki lang ang babayaran natin!!-sabi ni Nanay
Wag niyo pong isipin ang bayarin basta gumaling lang sila!!-sabi ko
Nga pala anak!! wag na muna nating iisipin!! Nga pala sino yang katabi mo?? Boyfriend mo ba??-tanong ni Nanay
Nay!!-sigaw ko
Nagtatanong lang anak!!-sabi ni Nanay
Nga po pala ako po si Kurt Alexander Vee Kim Fiancee po niya!!!-sabi nitong katabi ko
Anak!! Bat di mo sinabi sakin??-sabi ni Nanay
Nay biglaan lang po ito!!-sabi ko
Ano?? Paano?? Bakit??-sunod-sunod na tanong ni Nanay
Nay ganito kasi yan....
At naikwento na namin kay Nanay
Ah ganun ba!! Kamusta naman ang pagbubuntis mo anak??-tanong ni Nanay
Ok naman po!!-sagot ko naman
Anak Vee!! Batayan mo si Athena ha wag mong pababayaan!! Alagaan mo siya para sakin dahil wala ako jan!! Atsaka tawagin mo na akong Nanay ha dahil magiging pamilya din naman tayo!! At mahalin mo din siya ha!!-bilin ni Nanay
Opo Mam este Nanay!! Ako na pong bahala sa kanya!! Atsaka po salamat sa basbas!!-sabi nitong katabi ko
Walang anuman yun anak!!-sabi ni Nanay
O siya paalam na at pupuntahan ko pa ang mga kapatid mo wala kasing nagbabantay sakanila talagang pumunta lang ako para kumuha ng gamit at iupdate sayo yung kalagayan ng kambal!! O siya paalam!!-sabi ni Nanay
Nay bilhin niyo lang ang lahat ng kailangan at ako na ang bahala sa pambayad at sana gumaling na sila!! Paalam din Nay!! Mag-ingat po kayo at Mahal na Mahal ko po kayo!!-sabi ko
Mahal na Mahal din kita Anak!! O siya paalam na Athena at Vee!!-sabi ni Nanay
Pinatay na ni Nanay ang laptop!! Kaya pumunta na ako sa higaan ko at doon na ako napaiyak ng patalikod sa kanya
Ah Sky!! Kain na tayo!! Wala ka pa kasing kain ng hapunan!!-sabi ni Alex
Ayaw ko wala akong gana!!-sagot ko
Pero--- hindi ko na siya pinatapos at sinagot ko na siya
Please kailangan ko lang makapag-isa!!-sabi ko
Ok!!-at umalis na siya
Napahinga na lang ako at unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko
Sana maging maayos ang lahat