Sorry kung natagalan :)
enjoy guys :)
------------------------------------------------------------------------------
Nagpatuloy ang mga araw at bumalik na nga ang lahat sa dati. Maki seems not to notice me anymore. Mas ok na siguro to – yung balik ako sa pagiging invisible at hindi nag eexist sa mundo niya. But still, I can't help it.Sa tuwing may pagkakataon, di ko maiwasang tumingin sa kanya kahit panakaw lang and I admit, sya na nga ata ang pinakagwapong lalaking nakita ko.
During our class kung saan ay magkaklase kami, as our teacher was discussing something on the board, nagsimula nanaman akong magday dream. Im currently drowning with the thoughts of my perfect love story with Him.
At sa di sinasadyang pagkakataon, hindi ko napansin na napatitig pala ako kay Maki at nagulat na lang ako ng lumingon siyapara lang makita akong nakatitig sa kanya. My initial reaction was to bow down and face to other place than to his. And so I did pero ng subukan kong tumingin muli sa direksyon niya, my heart just dropped. I saw him laughing a little while still looking at me. UGH. Nakakahiya – but I admit, those smile makes my heart beat fast. It also seems that I cant breath normally.
Our attention was caught when our advicer announced na magkakaroon kami ng activity na kailangang gawin in pair. Ganito yung mga iniiwasan ko eh. Yung mag karoon ng mga activity na kailangang gawin in pair dahil for sure, no one would want to be paired with a faggot like me.
Nagsimula nang magpair yung teacher namin at halos lahat na sila ay may ka pair.
"Ma'am, can I do it alone?" well, wala naman siguro masama kung subukan kong magtanong. But it turned out to be a bad choice to do so.
"Im sorry mister but I require you to do this with a pair. And now if you have any problem with my rules, you are free to leave my class."
Ok.
Natahimik nalang ako.
Maki was partnered with Ella. Yung babaeng halata namang may gusto sa kanya. I don't like her. Maarte, malandi pero pasweet at pacute.
I was waiting for my name to be called at nung tinawag na ako, nagulat ako sa kung sino yung naging kapartner ko, it was Homer. Siya lang naman yung number one na babaero dito sa class. Feeling gwapo at mayabang. I just hope na matapos na ang lahat ng ito. Hindi ko man sinasadya pero napatignin ako kay Maki and I saw him staring at me. Hindi naman ako assumero pero im sure na nakita ko siyang tumingin sa akin.
Our class ended. Hindi nagklase yung last teacher namin. I was fixing my things at naghanda na rin ako para umalis when all of a sudden naramdaman ko nalang na may umakbay sakin. It was actually a sudden blow dahil nabitawan ko lahat ng gamit ko. Hindi ko napansin kung sino yung umakbay sa akin until makuha ko na ulit lahat ng gamit ko. And when I look up to see if kung sino yung umakbay sa akin – it was Homer. And he was grinning at me.
"What?" Ang agad kong naitanong kasabay ng pag yuko ko.
"Finish our project as fast as you can ok? Dapat maayos at mataas ang grade na makuha natin." Ang bruskong pagkakasabi niya sa akin.
"Pero diba by pair yun? Tutulungan mo naman ako gumawa diba?"
Oooppss. Mukhang mali yata ang mga salitang ginamit ko. He grabbed me by my collar.
"Eh kung ayaw kitang tulungan, may magagawa ka bang bakla ka. Ha?"
Hindi na ako sumagot. Instead, umiwas ako ng tingin. Aaminin ko ng mga oras na yun ay takot na takot ako. I was afraid with what Homer can do to me. Kaya naman sa halip na kontrahin ko pa sya ay hindi na lang ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Midnight Secrets [BxB]
Lãng mạnDati mula sa malayo, doon kita nakikita. Doon ko napapagmasdan yung ginagawa mo. Katulad nila, pinangarap ko din na mapalapit sayo. Ano nga kaya pakiramdam pag ikaw na yung kasama ko? Ano kaya yung amoy ng pabango mo? Ano kaya paborito mong pagkain...