Kabanata 1

72 2 0
                                    

3 years old daw ako ng maabutan ko pa ang lola ko sa tuhod. Naaalala ko ang masayahin nyang muka kahit na may katandaan na sya. Sa edad na 103 years old ay napaka maaalalahanin at mapagmahal pa rin si lola apo. (pronounce as Ah-po) Kahit na nagiisa na lang sya sa buhay at namayapa na ang kaniyang asawa ay nandyan pa din sya para sa mga anak kahit na may kani-kaniya na ring pamilya at sari-sariling apo ang mga ito. Isa sa mga alaala ko sa kanya dati ay pagbibiro nya sa akin na sa kanya na lang daw ang bag ko dahil pang "kikay" daw ito. Bata pa lang kasi ako ay makikitaan mo na ko ng arte sa pananamit kaya lagi niya din akong binibiro. Lagi pa siyang may sinasabi sa akin noon at kahit malabo man sa memorya ko ang mga sinabi ni lola apo ay tumatak ito sa isip ko hanggang ngayon. Naaalala kong bago kami umalis nun pauwi ng Maynila ay sinabi nya ulit sa akin ang paulit-ulit niyang sinasabi "Magingat ka sa iyong paglalakbay apo." Nakakapagtaka man at wala man akong maintindihan ay ngumiti ako sa kanya at nag mano para mag paalam na. Kung titignan ay napaka amo ng muka nya at tila ba dalaga pa din ang kaniyang puso. Nakakalungkot man pero ilang araw lang matapos namin bumisita doon ay namatay sya sa sobrang katandaan. Hindi namin sya naabutan ng buhay at iyak ng iyak ang mga anak at apo nya ng datnan namin. Ako naman na musmos pa lang at walang muang ay nagtataka dahil umiiyak ang mommy ko pati na din ang lola ko.

"Mommy bat ka iyak?" tanong ko sa kaniya

"Dahil nasa heaven na si lola apo, ipag pray mo sya" sagot naman ni mommy sakin

Nag pray ako ng mga oras na iyon. Nag pray ako na sana hindi na sila umiyak at na sana masaya si lola apo sa trip nya papuntang heaven. Pagkatapos nun busy na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero ang nakita ko lang ay busy sila sa pagaayos ng bahay. Ang daming bulaklak at ilaw akong nakita at dahil busy nga sila dun ay umalis ako at pumunta sa likod ng bahay.

May ilog sa likod ng bahay at may kubo din, kila lola din daw yung kubo at sabi nila bahay daw nila yun dati. Ngayon ay malaki na ang bahay nila at sementado na pero hindi pa din nila inalis ang kubo sa likod dahil may mga memories daw sila dun habang lumalaki.

Naglaro lang ako sa lupa. Nagsulat ng kung anu-ano at nagtapon ng bato sa ilog. Wala naman kasi akong kalaro dahil wala akong kapatid. Hindi ko din naman close ang mga pinsan ko dahil sa Manila ako lumaki at sila naman ay dito sa Pampanga. Babalik na sana ako sa loob pero may naapakan akong matigas na bagay sa paanan ko. Nakaupo na kasi ako sa puno at nagpapalilim. Nakausli ito na parang kahoy kaya na curious ako. Hinukay ko yung lupa gamit ang kamay ko at kinuha yung bagay na 'yun. Isang kahon, maliit na baul. Binuksan ko ito at nakakita ng isang lumang libro. Pagka bukas ko nun ay may nakaipit na luma at lantang sunflower. May mga nakasulat dun pero hindi ko maintindihan dahil di naman ako marunong magbasa ng mga panahon na iyon.

Narinig ko na lang na tinawag ako ni mommy at mabilis kong inilagay ulit sa dati ang baul.

Kataka-takang sa murang edad ay naaalala ko ang mga pangyayaring 'yon, ewan ko ba, siguro ay dahil may mga litrato akong nakikita na nakakapag bigay sakin ng nostalgic feels kaya parang malinaw sakin ang lahat. Pictures nung araw na 'yon na nakikita ko sa mga albums sa bahay sa Manila. Bakit ko nga din ba biglang naaalala ang mga bagay na 'yon? Siguro kasi ay nandito na ulit kami sa Pampanga. Ilang taon na rin halos simula ng huli kong punta dito. Ang huli ay yung namayapa na si lola apo. 3 years old daw ako nun sabi nila at 18 naman na ko ngayon. Ang bilis talaga ng panahon, sabi nga ng matatanda.

Nandito kami sa Pampanga para bumisita at maki fiesta. Pista kasi ng San Luis at gusto din nila mommy na maranasan uli ang fiesta dito. Maingay at masaya ang mga tao dito. Ang daming nagsasayawan at kantahan. May mga palaro din at ang daming tindang lobo at laruan. Typical fiesta na makikita mo sa Pilipinas.

"Ate tawag ka dun sa baba mag bless ka daw sa ninang mo nandun kami sa tapat " sabi ni Grace, kapatid ko. Sabi nila pag may umaalis ay may dumadating. Yun daw ang nangyari ng mawala si lola apo dahil dumating naman si Grace. Buntis pala si mommy nun at hindi nya alam.

Mirasol (HISTORICAL FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon