Kabanata 3

39 0 0
                                    

Tiktilaok! Tiktilaok!

Pag mulat ng mata ko ay agad tumambad sakin ang araw. Nilibot ko ang paningin ko at nanlumong nandito pa din ako. Umasa pa din ako na panaginip lang ang lahat pero hindi pala talaga. Nakita ko ang sinulat ko kahapon. Detalyado kong sinulat sa notebook ko kung anong nangyari kahapon, at sa tingin ko ay ipagpapatuloy ko ang pagsulat kung anong mangyayari sakin dito. Naisipan kong gagawa ako ng kwento hango sa mangyayari sakin dito. Hilig ko din naman mag sulat eh. Sa katunayan ay marami na nga akong naisulat na mga poems at fanfiction tungkol sa mga favorite kong k-pop boygroup eh hahaha. In fairness ngayon pa lang ako gagawa ng kwento na ako ang bida. Nakaka excite din pala kahit papano, saka kailangan ko ng pruweba no para pag nakabalik ako sa amin ay detalyado kong maeexplain ang lahat. Panigurado ma tetelevise ako international! Isang babae nakabalik ng nakaraan!

Marami akong gustong sabihin kay ate Maya mamaya. Sana naman ay maintindihan nya ko. Ibinalik ko sa bag ko yung notebook at nagunat-unat bago lumabas ng kwarto. Ito pala yung dating tambakan ng mga gamit. Buti na lang daw at inayos nila ito para sa mga magiging bisita na gustong makitulog. Unfortunately ako 'yon.

"Magandang umaga Luisa, mag agahan ka na tamang tama ay kaluluto ko lamang"

"Magandang umaga rin ate Maya" bati ko din

"Nasan pala ang mga chikiting mo? Pati na din si kuya Atong"

"Ang mga anak ba namin ang tinutukoy mo? Hayun nandun sila sa ilog sa may likod ng kubo kasama ng kanilang ama upang maligo." natutuwang sabi nya.

Lagi na lang nakangiti si ate Maya. Napaka masiyahin at parang laging walang problema sa buhay. Buti pa sya, sana ganyan din ako kasaya at ka positive sa buhay.

"Mamaya ay ipapakilala kita sa mga anak ko. Hindi ako nag karoon ng pagkakataon upang maipakilala sila sa iyo dahil sa dami ng inasikaso ko kahapon ngunit mamaya ay makikita mo din sila. Tiyak kong masisiyahan sila" sabi pa niya

"Excited--nananabik din akong makilala sila hehe" mag sasanay na talaga akong magsalita ng malalim upang hindi nila mahalata ang pag kakaiba ng aking istilo sa pananalita. Wow lalim!

Lumabas siya ng kubo at sa tingin ko ay pupuntahan ang mga 'to. Makasunod na nga din

Lumabas na din ako ng kubo at naglakad papunta sa likod. Nandun silang buong pamilya malapit sa ilog. Masaya silang naglalaro sa ilog at nagtatawanan. Kung titignan sa edad na 18 years old ay dapat nagsasaya ka muna para sa sarili mo YOLO kumbaga. You Only Live Once kaya sulitin mo na. Kaso sa nakikita ko nakamit na nila yung kasiyahan na 'yon, hindi man bilang teenager kundi bilang isang magulang.

Uso naman kasi sa sinaunang panahon ang mag anak ng marami eh. Ang alam ko nga yaman ang turing sa mga anak. Kaya pag marami kang anak mayaman kayo. Mayaman sa pamilya naks!

"Andyan ka na pala Luisa, ipapakilala na kita dito sa mga anak ko, halika dito"

"Mga anak, eto si ate Luisa ninyo, dito muna sya sa atin tititra at magpapakabait kayo sa kaniya. Nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ni ate Maya habang kinakausap ang mga bata

"Opo inay. Ate laro tayo" sabi nung isang batang babae sabay hila sa kamay ko.

"Siya si Nina palayaw niya, at siya ang panganay sa limang magkakapatid."

"Eto naman si Isabelle ang pangalawa, abe naman ang tawag sa kaniya"

"Etong pangatlo ay si Nene na kakasimula pa lang maglakad"

"Pangapat si Husto na kaka isang taon lang"

"At ang bunso na si Pidia" sabi niya sa buhat niyang sanggol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirasol (HISTORICAL FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon