Story 1

4 0 0
                                    

TUWANG-TUWA si Mary nung makuha niya ang ikatlong padala ng kaniyang ina sa buwan ngayon. Masaya siyang umiwi sa kanilang bahay na may ngiti sa mga labi. Kada buwan ay nagpapadala ng pera ang kaniyang ina para sa pang araw-araw na gastusin nila at pambaon ng kaniyang kapatid.

Mag-iisang taon pa lang ang ina niya sa ibang bansa. Nagtatrabaho ito nilang domestic helper ng isang pamilya. Kada buwan ay nagpapadala ang kanilang ina dahil buwanan rin kung ito sa sumahod sa trabaho. Gusto man nilang makasama ang ina pero kailangan nitong magtrabaho upang mapunan ang pangangailangan nilang pamilya at lalo na nilang dalawang magkapatid. Halos araw-araw naman nila itong nakakausap dahil na rin sa tulong ng mga makabagon teknolohiya tulad ng tawag o video call. Mabuti na lamang at mabuti ang amo ng kaniyang ina kaya kahit sa oras ng trabaho nito ay nakakapag-usap sila. May mga araw lang talaga na hindi ito nakakatawag dahil na rin siguro sa dami ng mga gawain o lumabas ang mga amo niya at kasama ito. Miss na miss na niya ang kaniyang ina pero wala silang magawa dahil kailangan nitong magtrabo sa ibang bansa upang maging sapat sa kanilang pang araw-araw.

Hindi maalis sa bibig ni Mary ang ngiti niya hanggang sa makauwi siya sa kanilang tahanan. Walang siyang taong nadadnan sa kanilang bahay bukod sa kaniyang nakababatang kapatid na si Jun. Padilim na rin at marahil kakauwi pa lamang nito galing sa eskwelahan.

"Nakita mo ba si Itay?" Tanong nito kay Jun na naglalaro ng kaniyang laruang sasakyan habang nakaupo sa sahig. Kaagad naman na umiling ang bata.

Nagtaka si Mary. Alam niyang hindi palalabas ang kaniyang ama. Saan kaya nagpunta si Itay? Nitong mga nakaraang linggo tila yata palaging lumalabas ang kaniyang ama.

Napalingon siya sa pintuan ng kanilang bahay nung may pumasok dito. Ang kanilang ama.

Lulugo-lugo ito kung pumasok at kapansin-pansin na parang may mali dito kaya kaagad na lumapit si Mary sa kaniyang ama. "'Tay, ayos ka lang ba? San ho kayo nanggaling?" Inalalayan nya pa ito upang makaupo sa isang upuan. "Sandali lang ho, kukuha lang po ako ng tubig," Aniya pagkatapos ay pumunta sa kanilang kusina para kumuha ng tubig.

Pagbalik niya ay nadatnan niya ang kaniyang ama na hawak ang bag na dala niya kanina na nailapag sa lamesa. Tila may hinahanap naman na kung ano ang kaniyang ama rito. Lumapit si Mary at tinanong ang kaniyang ama, "'Tay, ano hong hinahanap niyo sa bag ko?" Tanong niya rito at akmang kukuhanin niya ang bag nang iiwas ito nang kaniyang ama. "'Tay..." Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng ama niya ngayon.

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang dapat gawin kaya pinagmasdan niya na lamang ang ama habang kinakalikot nito ang bag niya. Ilang linggo na mula nung matanggal ang kaniyang ama sa pinagtatrabahuan nito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit dahil walang nabanggit sa kanila ang kaniyang ama kung ano ang dahilan. Hindi na rin siya nag-abalang tanungin pa ito kung bakit. Sa ilang linggo na wala itong hanap-buhay ay malaki na kaagad ang ipinayat nito. Hindi niya alam kung bakit madalas wala itong ganang kumain.

Nanlaki ang mga mata ni Mary nang makita niya na hawak na ng kaniyang ama ang pera na ipinadala ng kaniyang ina. "'Tay, akin na po 'yan!" Akmang aagawin niya ito pero mabilis na naibulsa ng kaniyang ama ito. "'Tay," Pagtawag niya rito.

"Hihiramin ko muna 'to, Anak, ibabalik ko na lang," Saad ng kaniyang ama sabay tumalikod ito para lumabas pero pinigilan nya ito. Hinawakan niya sa braso ang ama para mapahinto sa paglalakad.

"'Tay, ano ka ba? Saan nyo ho ba dadalhin 'yan?" Tanong ni Mary sa kaniyang ama.

Pero tila walang pakialam ang ama sa kaniyang anak dahil iniwasiwas nito ang kamay dahilan para matanggal ang pagkakahawak ni Mary dito. Napabitaw si Mary sa ama at napaupo na lamang dahil sa lakas ng pagkakawasiwas nito. Mukhang wala talagang pakialam ang ama dahil umalis na lamang ito nang hindi man lang tinulungang itayo ang anak o humingi man lang ng paumanhin dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon