lorene's point of view
paglabas ko pa lang ng sasakyan humagulgol na agad ako. inilabas ko na agad yung luha na pinipigilan ko kanina sa loob ng sasakyan. kasi pilit kong sinasabi na sarili ko na hindi totoo ang mga nabasa at narinig ko. na hanggang hindi nakikita ng dalawang mata ko.. hindi yon totoo. pilit kong sinasabi sa sarili ko na baka kasama lang 'to sa surpresa at kasabwat sila mama. pero nang nakita ko yung itim na tarpaulin na may pangalan niya.. hindi ko na kinaya. gumuho bigla ang mundo ko. kasi hindi ko inaasahang malamig na sehun na ang makikita ko.
nakatayo lang ako doon sa harap ng tarpaulin na may pangalan niya at hindi parin makapaniwala. gusto kong burahin yung pangalan niya don kasi ayokong nakasulat ang pangalan niya sa ganong bagay. dati ang gusto ko lang naman ay ang makita ang pangalan niya sa balita or sa mga magazine kasi successful na siya at naabot na niya yung matagal niyang pinapangarap.. hindi ko naman gustong makita ang pangalan niya sa itim na tarpaulin na 'to dahil wala na siya. tangina hindi ko na pala mararamdaman ang yakap na hinihintay ko mula sa kanya.
hinawakan ako ni mama at sabay kaming naglakad na papasok sa kanila pero tumigil ako. hindi pa ako handang makita si sehun na nakahiga don at hindi na humihinga. hindi naman kasi ganito ang naiimagine kong pagkikita namin. akala ko nakangiti pa siyang sasalubong sakin.. hindi pala, kasi nakangiting walang buhay na sehun ang bubungad sa akin.
kung bangungot lang 'to please.. gisingin niyo na ako.
kung prank lang 'to please sehun bumangon ka na jan sa hinihigaan mo. o kung wax lang yung nasa loob non please lumabas ka na sa pinagtataguan mo. ayoko ng ganito.
nanginginig na ako ng sobra dahil sa pag-iyak ko. totoo na ba 'to? hindi na ba pwedeng ibalik ang mga araw tapos pipigilan ko ulit siyang umuwi kahit na nangunguli na ako sa mga yakap niya.
"anak!"huling salitang narinig ko bago magdilim ang mga paningin ko.
//
"i'm sorry,"napadilat ako dahil may malamig na humaplos sa may pisngi ko.
"ma,"nanghihina kong tawag kay mama. "ma, wala na si sehun."iyak ko na naman. lumapit sa akin si mama at niyakap ako ng mahigpit.
"anak, hindi matutuwa si sehun kung iiyak ka ng iiyak."sabi ni mama sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"ma, hindi rin ako natutuwa."iyak ko. "ma, hindi ganito ang ineexpect ko."
"anak, kumalma ka."sabi niya. lumapit si tita sa amin at inabutan ako ng tubig. pagkatapos ko inumin yon ay niyakap din ako ng mahigpit ni tita.
medyo kumalma naman ako pero ramdam ko parin ang mga luha ko. nakatulala na lang ako kung na saan si sehun.
kanina pa may tanong na gumugulo sa isip ko.. bakit yung eroplanong sinasakyan niya pa? bakit si oh sehun pa? bakit yung taong mahal na mahal ko pa? bakit kailangang siya pa? bakit hindi na lang yung iba? ang selfish ko para itanong yan pero masisisi niyo ba ako? taong mahal ko ang kinuha sa akin.. sa amin.
tumayo ako at lumapit sa kanya, "dapat pala pinauwi na kita nung nagpipilit kang pauwiin kita edi sana kasama pa kita ngayon.. sana nayakap pa kita.. sana."bulong ko habang hinahaplos ang salamin na nakapagitan sa aming dalawa.
lagi na lang bang may nakapagitan sa atin? yung dagat na napalitan ng salamin. pero yung dagat na napakalawak at napakalalim ay walang binatbat sa sakit ng isang salamin.
hanggang sana na lang.. pero huli na para sabihin ang lahat nang sana.. kasi wala ka na.
bakit ganito? pinili ko na ngang pakawalan siya dati para sa pangarap niya. tiniis ko yung sakit pero bakit naman ganito ang kapalit?
lumabas ako kasi hindi ko na kaya yung pakiramdam lalo na kapag nakikita ko siyang nakahiga doon at hindi ba humihinga. umakyat ako sa terrace nila. tumingala ako sa langit. eto yung paborito mong date diba? tayo magkasama habang pinapanood ang mga magagandang bituin. pero ngayon.. ako na lang...
paano na ako ngayon na wala ka?
—
BINABASA MO ANG
11:11 Mahal Kita | o.sh
Fanfiction"you're still my 11:11 wish." ---- exo epistolary #2 | ©baekhyunahs