end

336 12 7
                                    

Lorene's point of view.

sumalubong na agad sa akin ang mga bata pagpasok ko pa lang ng bahay. isa-isa itong nagmano sa akin at ang ilan ay humalik pa sa pisngi ko. nawawala ang pagod ko sa mga bitbit ko dahil sa mga batang ito.

tinulungan naman nila akong bitbitin ang mga dala kong hapunan para sa kanila.

"nay, huwag ka na po magbibitbitnng ganito karami."sabi ni red, yung batang nakita kong nilalamig sa isang eskinita noong pasko. tumakas siya sa kanila dahil sinasaktan niya ng tatay niya.

"kami na po ang bahalang magluluto ng hapunan namin!"sabi niya pa.

inalalayan naman ako ng ilang bata papunta sa paborito nilang tambayan kapag kasama nila ako.

sabi ko dati kay sehun gusto ko ng maraming anak. hindi naman siya umangal noon paano ko matutupad mag-isa yon ngayon? kaya eto araw-araw na lang ako pumupunta dito sa may malapit na day care na tinitirhan na din ng mga batang walang pamilya.

sabi pa nga ni sehun mag-iipon siya para makapagdonate sa mga ganito. ako na ang nagtupad para sa kanya. yung kalahati ng sweldo ko dati iniipon ko at nang mahanap ko 'to dito ko itinulong.

"nay, nagbitbit ka na naman ng napakadami."sermon sa akin ni teacher ann. "salamat, nay. pero simula bukas huwag na ha? kami na bahala sa hapunan nating lahat."

napagalitan pa ako.

"si nanay may suot na singsing."pang-aasar ng isang bata sa akin. "uyyy~"

"nay, sabi mo wala kang asawa."dagdag pa ng isang bata.

sehun oh.. ilang taon na ang lumipas at ngayon ko lang naisipang isuot ang singsing na hindi mo nasuot sa daliri ko.

"nay, kwentuhan mo naman kami tungkol dyan sa nagbigay ng singsing sayo."sabi pa ng isa at sabay-sabay silang umupo sa may damuhan para makinig kung magkekwento ako.

"gusto namin ng panibagong kwento, nay!"sabi nung pilyong bata. "sawang-sawa na kami sa alamat ng bayabas."

"ilang ulit na naikwento sayo ang alamat ng bayabas pero ganyan ka parin."sabi ni teacher ann dito at pagkatapos bumalik na sa loob para asikasuhin ang hapunan namin.

"ayokong ikwento simula sa simula sa tingin ko hindi sapat ang oras lalo na't gabi na."sabi ko.

"yung lalaking nagbigay nito,"turo ko sa singsing. "hindi niya nabigay ng personal sa akin 'to kasi nasa ibang bansa siya."

"ldr."sabat ng isang bata.

"at hindi niya na rin personal na naisuot 'to sa daliri ko dahil nagcrash ang eroplanong sinasakyan niya pauwi."kwento ko pa.

naalala ko pa yung surprise kuno mo. yung sinabi mo na next week pa ang uwi mo pero ang totoo pauwi ka na non. simula noon ayoko na ng surpresa gusto ko yung alam ko para mapaghahandaan ko.

"totga."sabat ulit nung bata.

the one that got away. jusko bakit ang daming alam ng batang 'to?

"hindi ko na ulit nasubukang umibig ulit. ewan ko ba, kahit gaano pa kapogi ang mga nakakasalubong ko.. siya parin ang nandito."turo ko sa puso ko.

"true love."sabat niya ulit. ano ba bata?

"hindi ba nakakalungkot ang mag-isa, nay?"tanong ng isang bata.

nakakalungkot..

"hindi, kasi nandyan naman kayo para kay nanay diba?"tanong ko at agad naman nagsagutan ng "oo" ang mga bata.

nakakalungkot pero once na natanggap mo na naman wala na. hindi na ganon kalungkot tulad nung una. hindi na ganon kasakit isipin tulad nung simula. hindi ko lang talaga matigil ang mahalin siya kahit wala na siya. hinihintay ko na lang na dumating yung araw na mayayakap ko na ulit siya.

hindi ko alam kung positive ba itong iniisip ko na, matanda na ako at alam kong mapipili na lang ng diyos na pagsamahin kami ni sehun kasi hanggang ngayon ldr parin kami. nakakasawa panoorin yun araw-araw diba?

"gusto ko lang sabihin na kapag nagmahal kayo... hindi masamang maging maramot lalo na kung ayaw mo lang naman mawala sayo yung tao."

next time, lorene.

"ang lamig."bulong nila ng biglang humangin.

oh sehun..

masaya kaming nagkekwentuhan sa may hapag habang nagkekwento ang mga bata tungkol sa araw nila. ewan ko ba pero yung saya ngayon ibang-iba. anong meron ngayon? alam kong espesyal ang lahat ng araw pero anong meron ngayon?

"nay, may dadating na mga bagong bata bukas."pagkekwento ni teacher ann.

"madadagdagan na naman sila ng kalaro."sabi ko. "hindi na din ako makapaghintay na makita sila."

tumahimik na ang paligid. masyadong seryoso sa pagkain. masarap siguro ang dala kong kare-kare. nakita ko rin na mas madaming nakakain ang mga bata ngayon. sige, bukas kapag naubos nila ang gulay na ihahain pagbibigyan ko silang kumain ng fried chicken.

habang kumakain kami ay biglang nanikip ang dibdib ko. kanina rin ganto pero nawala rin naman agad. napapikit ako saglit. hindi na naman ako nagulat kasi ilang beses nang nangyari 'to pero.. bakit mas mahirap at matagal yung ngayon?

"red, k-kuhanan mo naman ng tubig si n-nanay."hirap kong sabi sa bata. agad naman siyang tumakbo para magdala ng tubig.

nagsilapitan na ang lahat sa akin. nakita kong nagsisimula nang mataranta ang lahat. umalis agad si teacher ann at tumawag ng masasakyan.

ano ba kayo, baka nahirinan lang ako.

pagkatapos niya lagyan ng tubig ang baso ay hirap ko nang maabot iyon dahil sa nanginginig na ang kamay ko.

"nay!"

ang alam ko ay sandali lang akong napapikit pero pagdilat ng mga mata ko tunog ng ambulansiya ang bumungad sa akin.

"nay, wag mo kaming iiwan ha nay.."rinig kong iyak ng mga bata habang ipinapasok ako sa ambulansya.

"magpapahinga lang si nanay."

pagod lang siguro ito. pagod sa kakahintay na makasama na ulit siya. pagod sa kakahintay na baka posible pang mabuhay si sehun. pero hindi matatalo ng pagod yung pagmamahal ko sa kanya.

11:11 na ba? gusto ko nang matulog at gusto ko bukas paggising ko kasama na ulit kita. sehun, mahal na mahal kita.

sehun, payakap naman.

"good morning, wifey."

pagdilat ng mga mata ko ay ang nakatayong sehun ang nakita ko. nginitian niya ako at saka niya ibinuka ang mga braso niya para iwelcome ang yakap ko.

"sehun.."tumakbo ako para yakapin siya.

isang yakap na sobrang higpit. yakap na ilang taon kong hinintay maramdaman ulit. yakap ng isang oh sehun.

eto na.. kasama ko na ulit siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:11 Mahal Kita | o.shTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon