[a/n Yow!! Andito na naman ang isang tula na aking nagawa. Tagalog naman na kaka nose bleed mag english eh. hahaha! Nagawa ko to mga 12 midnight1 Wala lang gusto ko lang ibahagi]
Enjoy!!
Sana Ako’y Mahal Mo Rin
Mahal kita pero mas mahal mo siya
Kaya kong magitiis para ika’y mapasaya
Mahal kita yan ang aking alam
Sana sa tamang panahon maging akin ka lang
Wala akong nagawa minahal kita kaagad
Sana pulutin mo rin puso kong nalaglag
Anong kailangang gawin upang maging karapatdapat
Ginawa ko naman ang lahat pero bakit di pa sapat?
Pinapangarap ko na ako’y iyong mahalin
Sana mapakinggan mo ang aking dinggin
Sana pagmamahal ko’y iyong tanggapin
Sana pag ibig ko’y iyong mapansin
Pigilin man ang puso na ika’y ibigin
Ipilit man na sa iba ibalin
Ngunit di magawang sa kanya isalin
Ano bang meeron siya na wala sa akin?
Nakakalungkot mang isipin
Kailan ma’y hindi ka magiging akin
Pero sa puso’t isipan ika’y mahal pa rin
Tandaan mo habang buhay kitang iibigin.

BINABASA MO ANG
My collection of POems <3
De TodoCollection of poems about LOVE. pwede pang inlove na tao at pang broken hearted.