Bakit hindi nalang naging permanente ang pagiging MASAYA?Bakit laging may HADLANG?
Bakit lagi nalang may KUMOKONTRA?
Bakit lagi nalang may nakikitang MALI?
Bakit hindi nalang TANGGAPIN?
Bakit? BAKIT?
B A K I T ?
Bakit hindi nalang HAYAAN?
Bakit may NANINIRA?
Bakit laging ganon?
BAKIT HANGGANG DITO NALANG?
...
BAKIT? Limang letra tila ba napakasakit
Pag naririnig mula sa mahal o minsan puno nang lait
Pero bakit? Bakit lahat saakin ipinagkakait
Magandang buhay,matinong tao walang hinangad kundi ang maging mabait
Lahat sila nagtatanong tila ba na ang pait pait
Pero bagkus aking ipinagpalit ang pait sa tamis
Kung saan lahat nang hapdi magiging sarapTamis nang tagumpay aking nilasap
Tingin sa sarili aking ay aking iniangat
Dahil sa akin ito' nararapat
Bakit? Limang letrang aking iniulat
Ginawang inspirasyon upang buhay ay umangat
Sarili ko man maliit sa iba? Wala akong pake basta marangal ang tingin ko sakanilaBakit nga ba ito'y pinauulit ulit pa?
Simple lang kapatid para buhay mo'y guminhawa
Sa liwanag at kalinangan halika na
Kumawala sa maskarang pagpapalit mukha