Masaya at tahimik naman ang buhay ng dalagang si Naomi bago mangyari ang sunod sunod na kamalasan sa buhay niya. Kulit na kulit na siya sa manliligaw niyang si Christopher, naririrndi na siya sa kanyang trabaho at ang masakit ay niloko siya ng fiancée niyang si Christian. Gulong-gulo na ang dalaga at ang huling natatandaan na lamang niya ay nagmamaneho siya pauwi sa bahay ng tita niya.
Puting-puti ang paligid at ang akala ng dalagang si Naomi ay patay na siya. Yan ang unang unang nakita ng dalaga nang muli siyang magkaroon ng ulirat. “nasaan ako?” mahinang tanong ng dalaga. Nilapitan siya ng kanyang tita at sinabing “nandito ka sa ospital at tatlong araw ka nang tulog pagkatapos ng aksidenteng. Hindi mo ba naaalala yun hija?” “aksidente? Hindi ko po maalala.” Tinawag nang tita niya ang doctor para tanungin kung anong nangyayari sa dalaga. “Partial Amnesia? How?” tanong na tita niya. Nang dumating ang matalik na kaibigan ni Naomi ay sinabi ng tita niya ang nangyari. “pero tita pansamantala lang naman ho ito diba?” tanong ni Janelle. “ang sabi ng doctor may mga bagay siyang madaling matandaan pero may iba na mahihirapan siya”saad ni tita Nelly. “tulad po ng ano tita?” usisa pa ni Janelle. “yung maaaring mga bagay na pilit niyang kinakalimutan. Super stress daw si Naomi kaya yung mga bagay na nakapagpastresss sa kanya this past few months ang mga bagay na mahihirapan niyang marecognize”dagdag pa ng tita nelly niya. “alam na po ba ng mommy niya ang nangyari” tanong ni Janelle. “sabi ni Naomi kanina wag na daw ipapaalam sa mommy niya. Ayaw din niya kasi itong mag-alala. Isa pa baka umuwi ng di oras yun buti sana kung malapit lang ang Korea.”
Ilang araw pa ang tinagal ng dalaga sa ospital bago sila nakauwi. Maayus na rin ang kanyang pakiramdam. She dresses like nothing happen but his boss told her that she has to take a break. “Pumasok nalang daw ako pag ok na ok na talaga ako “saad ng dalaga. “buti nalang talaga at may gusto sayo yang boss mo. Imagine he allow you to take a rest and come back anytime.” biro ni Janelle. ” So anong balak natin? Where do we go?”tanong ni Naomi kay Janelle. “iuntog kaya kita ulit, baka sakaling bumalik ang memory mo. Nakalimutan mo bang may trabaho ako. Bakit ikaw lang ba ang may trabaho? Sige ikaw na. magagalit ang boss ko kaya pass muna ako ngayon. Kung gusto mo ihahanap nalang kita ng kasama.”paliwanag ni Janelle. “never mind, wag na. ako nalang I can manage.”sagot ni Naomi.
Bumyahe si Naomi nang mag-isa at dinala siya ng kanyang sariling paa sa Villa Venus. Walang masabi si Naomi sa lugar. Maganda ang ambiance, soothing, at relaxing pa. iniwan ng dalaga ang business phone niya at dala lamang ang private phone niya para makasiguradong makakapagrelaxe siya talaga. Sa pangalawang araw ng dalaga sa Villa naisipan naman nitong mamasyal.
“Naomi!” mahinang ani nang binata na nakatayo malapit sa reception table. Anong ginagawa niya dito? Sinong kasama niya? Maraming tanong sa isip ng binata. Natulala siya at nagulat nalang ng magtanong ang dalaga. “Excuse me; I just want to ask if there is something that we can do here aside from swimming?” nagulat ang binata sa inasal ng dalaga ang eneexpect kasi niyang gagawin sa kanya nito ay susungitan,sasampalin at kung anu- ano pa. “Is there something wrong?”tanong ng dalaga. “wa…wal…wala ano na nga pala yung tinatanong mo”utal na sabi ng binata. “ang sabi ko may mga pwede pa bang gawin dito maliban sa swimming?”ulit ng dalaga. “Ah, you can also do mountain climbing gusto mo samahan kita?” “Ah, no thanks”sabay tumalikod na ang dalaga. “teka miss, hindi mo ba ako naaalala?”tanong ng binata. “Nope, bakit magkakilala ba tayo?”ani ng dalaga. “naku hindi, natanong ko lang you look familiar kasi parang I meet you na before” Sagot naman ng binata. Binabagabag si Christian sa usapan nila ni Naomi. “anong nangyari? Paanong hindi na niya ako makilala.”sabi sa isip isip niya.
Kinaumagahan hinahanap ni Christian si Naomi at nagbabakasakaling nananaginip lang siya. Nakita niyang mag-isang nakaupo sa may dalampasigan ang dalaga. Hindi niya maiwasang mapatulala sa dalaga. “mas maganda siya ngayon,”bulong niya sa sarili. Nilapitan niya si Naomi at bawat hakbang na gagawin niya ay katumbas ay bilis ng pagtibok ng puso niya. “pwedeng tumabi?”tanong ni Christian. “pero hindi ako nagpapatabi sa di ko kilala eh.hehe biro lang.” doon lamang muling nakita ni Christian ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Dahil ng huling magkita ang dalawa ay umiiyak ito. “natigilan ka, mr…..?”ani ng dalaga. “Christian Velasco.”mabilis na sagot niya. ”it sounds familiar, kunsabagay hindi lang naman ikaw ang Velasco dito sa mundo ”ani ni Naomi. “marami kaming Velasco dito sa mundo pero hindi naman sa pagmamayabang ako ang pinakagwapo sa lahat ng Velasco. ”pagmamayabang niya. “Actually di ka na naman nagyayabang ei,hehe nagsisinungaling ka na. maganda ditto no, nakakarelax it’s like I’ve been here before. Pero napansin ko lang na parang kulang lang yung treatment nila ”saad ng dalaga. “What do you mean?”usisa ni Christian. “Actually, I like here compare to other Villa na napuntahan ko this must be the best pero parang may kulang”ani ng dalaga. “anong kulang?”usisa ng binata. “yung tipong hindi ka man lang nila I check kung ok ka lang sa room mo. Room service mga ganun”pagpipilit ng dalaga. “Don’t worry makakarating yan sa owner ng Villa na ito”nakangising sagot ng binata.”oh bakit nakangisi ka dyan, isusumbong mo ako sa owner. Siguro malakas ang kapit mo no o baka naman wife mo ang owner nito?”pabirong ani ng dalaga. “mali, ako kayang may ari nito” napatingin ang dalaga kay Christian. “J O K E” pahabol ng binata.Tumawa lang ang dalaga. Napahaba na ang usapan ng dalawa. “See you tonight Naomi.”paalam ni Christian. Nagtataka si Naomi kung paano nalaman ng binata ang pangalan niya. Nang gabing iyon ay may handaan sa Villa lobby. Despidida daw ng kapatid ng may ari sa Villa. Lahat ng guest ng Villa ay invited nagpunta si Naomi sa venue. At nagulat siya ng sabihin ng mc ang owner ng Villa. Nahihiya ang dalaga sa lahat ng sinabi niya kay Christian. Nagmamadali itong bumalik sa room niya ng may tumawag sa kanya. “Miss Naomi Castro, saan ka pupunta? Ang alam ko kararating mo lang aalis ka na. hindi mo ba nagustuhan yung speech ng owner ng Villa?”nanunuksong sabi ng binata. “No, actually bigla lang kasing sumakit ang ulo ko. Maybe side effects nung accident”paglilinaw naman ng dalaga. “Accident? When? ”usisa ng binata. “kailangan ko na talagang magpahinga e, sabay pasok sa kanyang room. nakatulog ng mahimbing ang dalaga after taking up her medicine. Late na nga siya nagising noong umaga, hindi pa nga sana siya magigising sa ingay ng katok sa pinto niya. “Room service po” paulit ulit na sinasabi ng binata sa kanyang pinto.”Room service? Ei wala naming ganun ditto ah” pagtataka niya. Nang buksan ng dalaga ang pintuan niya. Nagulat siya kay Christian. “room service po ma’am special breakfast” sabi ni Christian. Pero wala naman akong inorder na breakfast ah, tsaka…..putol na saad ng dalaga. “Ganun talaga may mga special talaga kaming treatment sa mga bisita namin ditto sa Villa” paliwanag niya. “ah, ok salamat sa breakfast” ani ng dalaga. Nakatayo pa rin ang binata sa loob ng kwarto ni Naomi at nakamasid sa mga gamit niya. “ahm Mr. Velasco, can I have my privacy now?” tanong ng dalaga. “oh sure, gawin mo lang gusto mong gawin. Just don’t mind me” sagot naman ng binata. I mean, wala ka bang balak na umalis? Pag uulit ng dalaga. “ai oo nga pala, pasensya na ah” sagot ni Christian. Lumabas ang binata at unti unting nilapitan ng dalaga ang pagkain na dala niya. May kunting alaala na bumalik sa kanya. Nagulat lang siya ng biglang may kumatok. “Come in” ani ng dalaga. “ikaw na naman? May nakalimutann ka ba?” tanong ng dalaga. “Nothing just wanna check if you already eat your breakfast and before I forget the van is waiting for us. Kaya kung pwede pakibilisan” ani ng binata. “Van? Anong meron” pagtataka niya. After an hour lumabas si Naomi sa kwarto niya. “sabi ko bilisan mo ei inabot na ata ako ng isang taon dito. Nananadya ka ba talaga? At bakit ganyan ang suot mo?” galit na saad ng binata. “Bat nagagalit ka? Sino ba kasing nagsabi sayong mag antay ka dyan sa labas. At tsaka anong problema sa suot ko, maayos naman itong damit ko ah.” Depensa ng dalaga. “sabi mo gusto mong magmountain climbing. Nakalimutan mo ba?” giit ng binata. “pero hindi ko sinabing ngayon” pagmamatigas ng dalaga. Umalis ang binata ng di kinakausap ang dalaga. Halatang galit na galit siya. Na guiguilty man siya, pero hindi niya alam ang gagawin niya. May kung anong kirot sa puso niya at kasabay nito ang pagsakit ng ulo niya. May mga kaunting alaala na pumasok sa utak niya. Mga alaalang Malabo pa. Napapadalas na nga ang pagsakit ng ulo niya at hindi niya alam kong may kinalaman si Christian Velasco dito. Nagpunta siya sa may dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin. Nag-iisip siya kong paano siya makakabawi sa mukong na yun hindi siya mapakali kaya napagpasiyahan niyang pumunta sa opisina ni Chris. “Excuse me, is mr. Christian Velasco in?” tanong ng dalaga. “I’m sorry Ma’am kaninang umaga pa po wala si sir. Pinacancel po niya lahat ng meeting niya, I to tour daw niya yung isang guess.” Ani ng sekretarya niya. “ah ganun ba, sige salamat na lang” mahinang tugon ng dalaga. Dumiretso siya sa kanyang room at nagpahinga. Boung maghapon niyang hindi nakikita si Chris, nahihiya na rin siyang magpakita pa ditto. “ako na nga itong nanghihingi ng pabor, inaway ko pa siya. Magsosorry na talaga ako sa kanya.”
Kinaumagahan nagdala si Naomi ng breakfast sa office ni Chris maagang pumapasok sa office niya ang binata at doon na nagbreabreakfast sa office niya lalo na at wala na ang ate niya ngayon. “goodmorning” bati ni Naomi. “goodmorning mam. Is there any problem?”.sagot naman ng binata. “ah, wala naman may dala akong breakfast. Peace offering. Sorry for my act yesterday.” Paliwanag ng dalaga. “wala yun mam. Salamat sa breakfast pero kumain na ako.” Pumasok ang binata sa loob ng office niya. Nagulat si Naomi sa inasal niya pero after a minute pumasok ang secretary niya sa loob ng office niya. At paglabas nito ay tinanong ni Naomi kung anong sabi ng boss niya. “excuse me, bat ka pinatawag ng boss mu?” usisa niya. “nagpapakuha po ng breakfast niya ei.” Sagot ng secretary. “ah miss kanina pa ba niya inaantay yung breakfast niya kasi kanina pa niya ako inutusan ei. Pasensya ka na ah.” Naku ok lang po naguguluhan nga po ako dyan sa amo ko ulyanin na ata. Ei sino naman po kayo?” tanong niya. “I am his friend.” Dinala ni Naomi ang food na hinanda niya sa loob ng office niya. Busyng nakaharap sa laptop niya si Chris kaya di niya napansin si Naomi. Nagkulong ulet ang dalaga sa kwarto niya. Naglunch siya mag isa at binalak niyang mamasyal after ng lunch. Malayo na din ang inabot ng paglalakad ng dalaga. Mukhang uulan kaya naisipan niyang makisilong sa malamansyong bahay na nakita niya. Si aling Iska ang caretaker ng bahay. Ewan ko bat pagkakita niya palang sa akin ay pinagbuksan niya ako agad ng pinto at agad pinapasok sa loob. Parang may kakaiba o sadyang mababait lang ang mga tao sa lugar na ito. Bumuhos na ang malakas na ulan. Wala na ata akong magagawa kundi ang magpalipas ng gabi ditto sa mansion na ito. Nakipagkwentuhan ako kay aling Iska at nasabi niya sa akin na ang bahay daw na iyon ang magiging tirahan ng boss niya at mapapangasawa nito. Nasa sala lang kami nakaupo habang nagkakape. Iginala ko ang mga mata ko sa maluwang na paligid ng bahay pero mas interesado akong Makita ang taas ng bahay. Nangangamusta si aling iska at nagtatanong ng mga bagay na parang matagl na kaming magkakilala. “dito ka na magpalipas ng gabi anak at malakas ang ulan. Saad nia. “hindi po ba magagalit ang may ari nito. Di bap o mas maganda kung magpapaalam po muna tayo sa kanya.” Ani ni Naomi. Sa resort pala ay alalang alala na si Chris sa akin after pala ng lunch hinahanap na niya ako. Iniwan ako ni aling iskang nagmamasid sa loob ng bahay at tiwalang tiwala na parang wala akong gagawing masama. Tinawagan niya ang may ari ng bahay. Nang bumalik siya ay nagkentuhan ulet kami. Bigla niyang sinabi na gumanda daw ako ganun daw ba ang nagagawa pag ikakasal na. nagtaka na ako at magtatanong ng may nagdoorbell. “ako na po.” Ani ko sa kanya. Nagulat ako sa nakita ko si Chris at basing basa sa ulan. “teka, anong ginagawa mu ditto?” gulat kong tanong. “anak sino bay an?” tanong ni aling Iska na papalapit sa akin. “naku anak basing basa ka. Pumasok ka nga ditto sa loob at magpalit ka ng damit. Matnda ka na pero bakit naliligo ka pa rin ng ulan. Tanong niya. “teka at kukuha ako ng twalya sa kwarto mo ha.” Dagdag pa niya. “kanina pa kita hinahanap akala ko kung napano ka na, ni dika man lang nagpaalam.” “ei di mo rin naman ako pinapansin para san pa tsaka matanda na ako kayak o na ang sarili ko. Panu mo ba nalaman na nandito ako?” usisa ko, “ako ang nagsabi anak. Siya ang may ari ng bahay na ito” ani ni aling iska.