Chapter 1: GET OUT-CHIN

276 16 2
                                    

LUHAN'S POV

First day namin ngayon. Nandito kami ng mga kaklase ko sa loob ng room. Room ng 9-B Chiang Kai Shek to be exact. Ako naman, nakaupo lang habang yung mga babae kong kaklase, nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

"Shet gurl! Ampogi niya!"

"Gurl! Nalalaglag na panty ko sa kanya!"

"Emeged! Yung dream guy ko gurl!"

Sanay na ko! Ganito kasi ang buhay ng mga pogi. Simula pa nung butete pa lang ako, alam ko nang pogi ako dahil sa mga umaaligid na mga butete sa akin. Haha! #POGIPROBLEMS

They call me 'The Heart Stealer' of the campus. Kasi daw, mapalalaki daw o mapababae, naiinlove sa akin.

But actually, ayaw ko ng ganun. Gusto ko ng tahimik na buhay. Ayaw ko ng inaaabala ako. Pero pag naging suplado naman ako sa kanila, magagalit sila sa akin. Ayaw ko rin naman ng ganun. Ganyan na ang society ngayon. Kaya naman hinahayaan ko nalang sila.

"GOOD MORNING CLASS!"

Nagsitayuan kami.

"Good morning miss~" sabay-sabay naming bati. Hindi namin alam yung pangalan ng adviser kaya hindi natuloy yung pag bati namin.

"Ms. Endevois! En-De-Vuah..." sabi naman niya na pagkasungit-sungit.

Teka? Ms. Endevois? Yun ata yung masungit na teacher sa highschool department! Patay...

"Ms. En-de-adjsiebsndjs..." Nagkagulo kami sa huli. Ang arte kasi ng pangalan. Tss.

"Ok! You may now si-" naputol yung pagsalita ni Ms. Endevois dahil may student na pumasok bigla.

"S-ha-sorry ma'am. Na-ha-nalate po a-ha-ako." sabi niya habang hingal na hingal sa pagod. Tumakbo siguro papunta dito. Fifth floor pa naman tong classroom namin.

"GET OUT!" sabi ni ms ng pagkalakas-lakas kaya nagulat kaming lahat.

"B-but miss!"

"I said, GET-OUT-OF-THIS-F*CKING-ROOM!"

WOAH! Ngayon lang ako nakarinig ng teacher na nag-babad word. At sa tingin ko, ganun rin yung mga kaklase ko. Nagsi-ngangahan na sila ng mga bibig nila eh.

"Yes... Ma'am..." sabi naman nung student na nalate at lumabas na parang asong kawawa. Sorry ka bro! Strict adviser natin.

Btw, lalaki pala yung nalate na student. Blonde, maputi at medyo katangkaran kaya naiinggit ako. Pero ok lang! Mas gwapo naman ako. XD

"AND FOR ALL OF YOU, SIT DOWN!"

"Thank you Ms. Endevois." at lahat kami ay umupo. Kinuha ko na rin yung notebook ko para magdrawing. Ewan ko, nakasanayan ko na magdrawing sa notebook since gradeschool. Lahat naman siguro ng studyante ganun, diba?

"YAN ANG BAGAY SA MGA STUDYANTE NA HINDI MARUNONG RUMESPETO! KAYA KUNG SINO MAN ANG MGA BASTOS DIYAN, YOU DON'T HAVE A PLACE HERE INSIDE THE ROOM. SO GET OU... HEY! YOU!"

Oh? Ano nanamang ikinagagalit nitong advi... H-HALA!

"LUMABAS KA!" Nak ng! Patay! Mukhang nadali ako ni Ms. Endevois!

"KAKASIMULA PALANG NG KLASE NATIN! GANITO NA KABASTOS ANG MGA STUDYANTE?!" Sabi niya sabay punit ng mga papel sa notebook ko.

"S-sorry po ma'am!"

"NO! I WANT YOU TO GET OUT OF THIS ROOM! NOW!"

Dali-dali akong tumayo at lumabas ng room.

Pagkalabas ko, nakita ko yung kapwa ko kaklase na pinalabas ni Ms. Endevois na nakaupo sa sahig.

"Oh, Anong case mo at pinalabas ka." sabi niya habang nakaupo sa sahig.

"Napaka-babaw nga ng kaso ko eh!" sagot ko naman sabay tabi sa kanya.

"Takte! Nakakabwiset!" sabi niya sabay gulo ng buhok niya.

"I feel you bro..."

Maya maya pa, may kinuha siya sa pocket niya. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil...

"C-CELLPHONE YAN HA!"

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng phone?"

Sige, mangasar ka pa...

"Hindi! Bawal kasi sa school na magdala ng phone. Kaya kung ako sayo, itago mo na yan." sabi ko kaya agad naman niya akong sinunod.

"By the way, New student ka no? Ngayon lang kita nakita dito sa school eh."

Tumango naman siya.

"Ah. Ano pangalan mo?"

"Sehun. Oh Sehun." sabi niya habang nakatingin sa corridor.

"Ako naman si Luhan. Lu han to be exact. Nice to meet you!" sabi ko sabay abot ng kamay.

Kinuha naman niya ang kamay ko at nagshake-hands kami.

Mukhang madadagdagan nanaman ang friendlist ko ha? XD

***

So nandito kami ngayon sa canteen, break na kasi namin. Kasama ko tong new student.

And you know what? Yung mga babaeng umaaligid sa akin, Mas lalo pang nadagdagan!

"Oh Shit! My holy ovaries! ANG GWAPO NILANG DALAWA!"

"GURL! ANG SARAP IKAMA NI LUHAN! MAS LALO NA YUNG ISA!"

"OO NGA GURL! PERO HATI TAYO SA BAWAT ISA HA?"

Sige lang! Bulang pa mga haliparot! Tss.

"Luhannie~! Sino yang kasama mong gwapo~?"

"Ang gwapo niyo talaga!"

"Oy! Akin siya! Akin lang ang Luhannie ko!"

AISH! NAKAKARINDI NA! GUSTO KO NA UMALIS DITO!

Lumapit ako kay Sehun at bumulong sa kanya.

"Tara! Lipat tayo ng pwesto!"

Tumango naman siya as a sign of agreement. Tumayo kaming dalawa at umalis sa kinaupuan namin. Buti nga, walang sumunod sa amin eh.

"Grabe naman pala ikaw kasikat dito." Sehun.

"Kaya nga paminsan, ayaw ko na pumasok dahil sa kanila eh..." sabi ko na lang sa kanya.

"Teka! San tayo pupunta bro?" Tanong sa akin ni Sehun.

"Basta! Sundan mo lang ako!" sagot ko sa kanya habang nakalagay yung mga kamay ko sa pocket ko.

"Baka naman... Gusto mo ko rape-in no?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Tangina nito! Kadiri mag-isip...

"GAGO TOH! Hindi ako pumapatol sa mga lalaki no! Manly yata to!" sabay taas ng kamay at pinalaki ang muscles ko.

"Huh? Anong pinapakita mo? Yang buto't balat mong braso?" pangaasar niya sabay tawa ng malakas.

"GAGO KA TALAGA BRO!"

"Hi-haha-hindi! Joke lang... Haha!"

Napa-'Tss' nalang ako sa kanya. lakas ng trip netong blonde na to! Haba naman ng baba. XD

"ANONG SABI MO?!" sigaw niya.

Ba-bakit? Nasabi ko ba ng malakas yung huli kong sinasabi? P-patay.

"O-OY! J-JOKE LANG SEHUN!"

Lumapit lang siya sa akin ng lumapit. At dahil dun, Tumakbo na ako para hindi niya ako maabutan.

"HOY! BUMALIK KA DITO! SINO SINASABIHAN MONG 'BABA'!" sigaw niya habang hinahabol ako.

Ngayon, Naghahabulan kami sa buong campus. Bat ko pa kasi sinabi yung 'baba'.

~~~@~~~

Sorry medyo lame. Hayaan niyo! Sa susunod gagalingan ko na! :D

I am MANLY. Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon