I NEVER TOLD YOU [One-Shot]

106 1 3
                                    

Play the video on the right side, so that you can enjoy the music while reading :)

@TeenageBaynder

---

I miss those brown eyes.

 

Yang mga matang gusto-gusto kong tingnan. Malapit ka lang sakin, nakakausap ko pero alam ko sa sarili kong malayo ka pa rin. Kasama kita sa bawat araw, pero feeling ko yung presensya ko di mo pa rin ramdam. Nasasaktan ako, pero sa tuwing makikita ko ang mga matang iyan na parang perpektong inilagay ng diyos para sayo lamang... Lahat ng sakit na nararamdaman kong bigat sa aking dibdib ay naglalahong parang bula.

I miss the way we see.

 

Yung tipong tatawagin mo yung pangalan ko, na parang musika sa aking mga tenga na nagpapabilis ng sobra sa tibok ng puso ko. Yung mga panahong nagkakausap pa tayo at kung paano kita tingnan at kung saan at kalian tayo nagtatagpo. Hinding hindi ko pa rin makakalimutan yun hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano aaminin. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kahit pa na alam kong masasaktan pa rin ako sa huli.

I miss the way we breathe.

 

Yung sa simpleng paghinga mo, humihinto ang paligid ko dahil alam kong kahit papano, may iisang bagay pa rin tayong pagkakapareho. Iisang hangin lang ang hinihinga natin na siyang dumadaloy sa buong katawan natin na nakakarating hanggang sa puso natin. Oo, alam kong parang tanga tong naiisip ko pero masaya ako. Masaya ako sa mga bagay na alam kong walang saysay pero nagkakasaysay pag kasama ka. Sana lang, maari ko ring ibulong sa hangin ang nararamdaman ko at itangay niya ito palapit sayo para iyong mahinga at maramdaman ng puso mo. Sana...

But I never told you,

 

Hindi. Hindi ko nagawang sabihin sayo ang nararamdaman ko. Duwag na kung duwag pero hindi ko talaga kaya. Natatakot ako. Natatakot sa rejection mo, dahil sa una palang, alam kong Malabo... Malabong maramdaman mo rin tong nararamdaman ko sayo.

I never told you, what I should have say.

 

Alam kong dapat... Dapat kong sabihin sayo ang mga salitang ito na siyang nagbibigay ng ligaya sa napakaboring kong buhay. Na nagbibigay din ng sakit sa tuwing nakikita kong masaya ka sa iba. Sana lang talaga, sinabi ko sayo ito.

I just held it in.

 

Tinago ko lang ang pag-ibig kong ito na dapat ay ipinagsigawan at ipinagmalaki ko sa buong mundo pero hindi. Hindi ko nagawa. Hindi ko nakayanan. Kinimkim ko lang. Ako lang ang nakakaalam. Akala ko, sasaya ako at hindi masasaktan pag iyon ang ginawa ko...

Pero nagkamali ako. Nagkamali ako. At ngayon pinagsisisihan ko ng sobra.

Kung pwede lang ibalik ang panahon. Yung panahong andito ka pa sa tabi ko. Kahit kaibigan lang ang tingin mo sakin. Pagtabuyan mo man ako o layuan pero at least! Nasabi ko at hindi ako magsisisi ng ganito.

And now, I miss everything about you.

 

I NEVER TOLD YOU [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon