Plot. Two

40 0 0
                                    

~Seige: Mark my word.

Ang sinabi ni Seige na dadaan sa bahay ay hindi nangyari. Hindi ko na nga ginambala pa dahil alam ko namang may date yun sa hot girl he bumped into sa parking kanina. Taong yun talaga. ^^ Hindi na ata magbabago. Kung magpalit ng syota e parang nagpapalit lang ng briefs, walang side A or side B. Sabagay mas matatanggap ko pa na makipag-date agad siya sa kung sino-sinong babae. Wag lang siyang makipagbalikan sa Natasha Zobel na yun.

“Miss Diamond, pinapatawag po kayo ng daddy mo.”

Naman. Ano na naman kaya ang sadya saken ng daddy? Pumunta ako sa lanai kung saan nagbabarbecue ang buong family ko. Nakita ko na bisita namin sa gabing iyon sina Balsy Acosta at Jose Gregorio Quintano Sr., ang magulang lang naman ni Seige.

Ako: Hi Tito, Tita. Good evening po.

Tita Balsy: Hello, hija. Kumusta ang school?

Nakipagbeso saken si Tita Balsy na ngapala ay ninang ko. Ang mommy ko naman na matalik niyang kaibigan ay ninang ni Seige sa kumpil. So more or less ay alam nyo na kung bakit malapit kaming dalawa ni Seige? Family relations.

Ako: Okay naman po. Still on top.

Napapangiting sabi ko, not thinking about my academic status. Now that Seige is no longer connected to Natasha ay pihadong ako na naman ang nasa tuktok ng social pyramid.

HAHA! Masaya lungs.

Tita Balsy: Yan ang gusto ko sayo, Dia. Maganda na, matalino pa. Sinasabi ko nga dyan kay Seige na imbes pambababae ang atupagin e ligawan ka na lang. Saan pa siya makakakuha ng katulad mong beauty and brains?

Ako: You’re absolutely right, Tita. Nag-iisa lang ako sa mundong ito. Pero gosh Tita, sa dami ba naman ng naging girlfriends ng anak nyo e ayoko na hong sumali sa haba ng listahan niya.

Sumimangot pa ako.

Tito Greg: (tinapik ako sa ulo) Haha don’t worry, Dia. You still got our votes for our son. 

Ngumiti na lang ako. Noon pa man e lantarang nirereto na nila saken ang anak nilang playboy. Pati nga sina mommy ay todo boto kay Seige para saken. Pero hello! Ano pa ang pagiging matalino ko kung hindi ko alam ang ligaw ng bituka ng isang Seige Quintano? Thanks but no thanks pero wala kaming interes ni Seige sa isa’t-isa.

Tito Greg: Kumpare, nasabi mo na ba kay Diamond yung proposal ko sayo?

Dad: Hindi pa. Ididiscuss pa lang natin ngayon, kumpare.

Tito Greg: (baling saken) Nasabi ko kasi dito sa daddy mo na magpapatayo kami ng hotel sa Sagada. Maganda doon dahil malamig ang lugar. Tourist destination kumbaga.

Ako: Really? Maganda nga yun, tito.

Tito Greg: At naisip ko din na kayo na ni Seige ang sabay na mag-asikaso nun. Para naman may magawang matino ang batang yun sa buhay niya.

Ako: Ah sigurado ho ba kayo na si Seige ang mamamahala sa negosyo nyo? I mean--

Hindi ko na tinuloy ang nasa isip ko. Knowing Seige ay siguradong hindi hotel ang gagawin nun sa binabalak ng daddy niya. Baka more on MOTEL.

Dad: Kaya nga sinabi saken ng Tito mo na ikaw ang magiging co-associate ni Seige. Kayong dalawa ang bahala sa lahat. Nasa likod nyo lang kami para alalayan kayo. Practice nyo na rin ito para sa nalalapit nyong paghandle ng mga family businesses natin after nyo grumaduate.

Ako: Ah okay. I’ll talk to Seige about that.

Nag-excuse ako saglit para tawagan si Seige sa celphone. Nakalimang ring muna bago sinagot ng damuho ang telepono niya.

Siege: Yo!

Ganun talaga ang sagot!?

Ako: Asan ka? Sabi mo pupunta ka dito! Where are you? I’m stuck here!

Siege: Are you home? Nandyan ba sina Mom and Dad?

Ako: Obvious ba! Siguro kaya hindi ka pumunta dito dahil alam mo na ang bagay na to no? Omygad Seige, they are planning to make us one of them. Business maniacs!

Siege: (tawa nang malakas) Relax, relax, babe. Hayaan mo muna sila magdiscuss ng mga plano nila saten. Um-oo ka lang ng um-oo. Mapapagod din mga yan.

Ako: Sigurado ka ha?

I started to relax. Buti pa tong taong to. Hindi man lang apektado.

Ako: Teka, nasaan ka ba? 

Narinig kong maingay sa background niya. Palagay ko nagpaparty na naman ang lalakeng to!

Siege: Nasa pub.

Sabi na!

Ako: With whom?

Siege: None of your business, babe. (muling tumawa) Okay I gotta go. Nawala na yung sinusundan ko. Basta chill ka lang dyan. Ako na bahala kumausap sa kanila.

Ako: Sure ka ha? Alam mo namang ayokong mastuck sa business na to. I have plans of travelling the world, etcetera etcetera. Not to manage some old, freak!n family business boo boos!

Siege: No worries. Mark my word. You will do that, babe.

Nagsimula na siyang magpaalam nang muli kong tinawag.

Ako: Seige!!! 

Siege: Hey what!? (his voice already exasperated)

 Ako: Kanina mo pa ko tinatawag na ‘babe’ e. Ano ka, sinuswerte!?

THE LESSER OF TWO EVILS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon