Chapter 2: Part 2 Sakit ng Nakaraan

54 2 3
                                    

Pag dating ko sa school......

Dumiretso na lang ako sa room at pinagmasdan na lang ang kalangitan.

'anu ba yan pati panahon nakikidrama' kasi naman po ang itim ng langit siguradong maghapon na uulan ngayon. Nagsimula na ng ang malakas na ulan na nagpaparamdam sa akin kung ano ang tunay na nangyari dati...

Eto na naman ako tahimik at nasa sarili kong mundo at nakatingin sa kawalan. Mababaliw na ata ako kasi hinde ko na alam kung anong dapat na maramdaman ko at pakiramdam ko ako lang magisa....

Walang makapitan...

Walang mahawakan...

Walang maiyakan...

at higit sa lahat pakiramdam ko......

Walang nagmamahal sa akin at kayang umintindi kung gaano ka hirap ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil sa isang lalake nagunaw ang mundong pilit kong bunubuo ng mahabang panahon..

Dahil ito sa lalaking yun kaya nagkakaganito na naman ang buhay ko.

Kailangan ko na syang kalimutan kasi ako matagal na niyang

Ibinaon sa limot.. 

masaya na siya sa iba kaya ako dapat na ring lumigaya at ihinto na ang panaginip na babalik pa siya at iaayos ang problemang siya naman talga ang may kagagawan.

AYOKO KO NA SAWA NA AKO MAGHINTAY NA

BALIKAN AT MAHALIN NIYA AKO.

Ang kailang kong gawin ngayon ay buksan muli ang puso ko at imulat ang mga mata ko sa mga taong totoong nagmamahal, magmamahal at mamahalin ako.

Kailangan kong magtiwala muli sa iba ang pusong matagal kong binubuo. 

Kailangan lang ay maging tama ang taong pagkakatiwalaan ko upang di na ako muling masaktan pa.

Sa sobrang drama ko di ko na pansin na ilang subject na pala namin ang natapos na kasi the whole time nakatulala lang ako sa kawalan buti na lang at di ako masyadong pinapansin ng mga prof ko.

Narinig ko na ang bell at Lunch break na pala. Di ako nakakain kaninang recess kasi nga wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid ko msyadong sarado ulo ko. Nagreklamo lang ang tiyan ko kaya narinig ko ung bell. Acidic ako kaya di pwedeng nagpapagutom.

"sasabay ka?" tanong sa akin ni Chi mukhang napansin niyang nagkabuhay na ako kaya tumango lang ako kasi nagwawala na ang tiyan ko gutom na talaga ako.

"sige tara na" at nagpunta kami sa barkada at sabay sabay na nagpunta sa canteen.

Pagkadating sa canteen.....

"Ano kaya masarap kainin"  mukhang gutom na gutom na sya pero ang cute pa rin nya ^_^

" Anong kakainin mo?" Tanong sa akin ni Gino sabay smile kung cute si Troy ang gwapo naman ni Gino grabe matutunaw ata ako sa smile nya.

" diko alam eh kung ano na lang siguro makita kong mukhang masarap ^_^ hehehe" buti na lang at nakasagot ako nakatitig kasi sa akin si Gino. Pwede na nga siya isama sa grupo nina kuya eh.

After bumili ng pagkain humanap kami ng table at tsaka sabay sabay na kumain.

Ria: "Bat parang ang tahimik mo Liana?"

Gino: " May problema ka ba?" 

" wala naman masama bang tumahimik" at nagsmile ako ayaw ko malaman nila kung ano iniisip ko mabubuko ako pag nangyari yun.

SAVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon