Sakit ng Nakaraan
Pagkagising ko tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na at nakita kong 4am palang.Pinilit kong matulog ulit kasi ang aga pa pero kahit na feeling ko inaantok pa ko eh hinde ko na magawang matulog kaya lumabas na lang ako ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto di ko alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko na lang ang mga paa ko na maglakad. Di ko alam kung anong gagawin ko dahil tulog pa ang aking mga kuya. Bigla ko na lang napansin na nandito na ako sa ika-apat na palapag ng aming tahanan. Nakatayo ako nga yon sa isa sa mga kwarto dito. Di ko alam pero iba ang pakiramdam ko dahil nakakaramdam ako ng sakit na di ko malaman kung saan ng gagaling.
Pumasok ako dito at nakita ko na ang kwartong pinasukan ko ay ang music room ng bahay namin. Umupo ako dito sa tapat ng piano at naramdaman kong naiiyak nanaman ako. Tinutugtog ko tong piano habang umiiyak ako. Biglang bumabalik lahat ng sakit na matagal ko ng pilit kinalilimutan. Habang nakikita kong pumapatak ang mga luha di ko mapigilang balikan ang nakaraan. Tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto habang patuloy na bumubuhaos ang mga luha ko T.T....
Pagkadating ko sa kwarto hinayaan ko na lang bumuhos ang mga luha ko at muling balikan ang pait ng nakaraan................................
[ Ang sakit na ipagpalit ka sa ibang babae, ang sakit na lokohin at paglaruan ng taong pinaka pinagkakatiwalaan mo. Ang taong pinahahalagahan mo at minahal mo ng buong buo. Ang taong inakala mong iyo magpakailanman. Ang taong pinaglaanan mo mo ng oras at panahon ay siya rin palang wawsak sa puso mo at magpapaiyak sayo. Iyan ang sakit ng taong nagmahal ng sobra sa iisang lalake na sa huli ay paiiyakin ka di pala. Dahil sa sakit na ito hinde ko alam kung papaano ibabangon ang sarili ko lalo na ang alam ng lahat ay isang laro lang ang pagmamahal na ipinakita ko sa kanya. Minsan palang akong nagmahal ng ganito na kahit sarili kong buhay handa kong ibagay alang alang sa kanya. At ngayon iiwan din pala niya akong sugatan na parang walang nangyari. Sana panaginip na lang ang lahat para pagkamulat ko ng mata ko wala na ang lahat ng sakit na iniwan niya sakin]
'ang aga aga nagdradrama ako ' bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang mga luha ko. Tinignan ko kung anong oras na kasi pakiramdam ko ang bagal ng oras sa paligid ko.
OMG!!!! O.O 6:45am na lagot ako nito kasi siguradong makakarinig nanaman ako ng sermon kina kuya. Nagpunta agad ako sa cr at inayos ung pagmumukha ko di nila dapat mahalata na umiiyak nanaman ako.
Pagkabihis ko pumunta na agad ako sa dinning room at nakita kong nandun na lahat ng kuya ko at kumakain T.T...
"oh Jam!! BAT NGAUN KA LANG AH!!???" galit na tanong nila sa akin kasi pinakaayaw niya ang nalalate. Oh dba bongga ng mga kuya ko? away nagpapalate hahaha
"sorry kuya medyo nalate lang ng gising eh" syempre di nila pwede malaman kung anu ung totoo kundi ako nanaman ang lalabas na masama. Kaya kumain na lang ako ng mabilis para makaalis na.
"dahan dahan lang sa pagkain, di ka na man mauubusan eh tsaka tignan mo nga katawan mo tumataba kana ;)" eto nanaman si kuya Gian nakakinis lang talaga sya kasi ako lagi pinagtrtripan niya porket alam niyang madali akong mapikon. Nageenjoy kasi siyang tignan ako pag inis na inis na ako eh.
After ko kumain kinuha ko ung gamit ko sa kwarto at dumeretso sa garahe namin. pinayagan naman nila ako magdrive para hinde na rin mabuko ung tinatago kong sekreto na magkakapatid kaming tatlo.
please vote, comment and be a fan ^_^
BINABASA MO ANG
SAVING YOU
Novela JuvenilLove can define happiness but also defines sadness. Pano kung yung taong pinagkatiwalaan mo ay siya ring wawasak sa puso mo? Bibigyan mo ba siya ng pagkakataong ayusin ang winasak niya o pipiliin mo ang taong lubos na nagmamahal sayo?