Kabanata 2

937 17 1
                                    

KINAGABIHAN naghanda na siya para pumasok sa part time niya. Dahil tuwing gabi until midnight ito ang pinagkakaabalahan niya.

Pagkagaling sa school umuwi muna siya sa apartment niya para magpahinga saglit at magpalit ng damit. Tutal mamayang alas-otso pa naman ng gabi ang oras ng pasok niya.

Pagsapit ng alas-siyete ng gabi bumagon na siya sa kama niya pagkatapos ay naligo muna siya saglit. Nang matapos ay sinuot niya na ang uniform niya sa trabaho. Isa siyang service crew sa Mcdo. Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na siya ng apartment.

Habang naglalakad papunta sa sakayan may naramdaman siyang nakamasid sakaniya kaya awtomatikong napalingon siya sa kung saan. Saktong pagkalingon niya may nakita siyang lalaki na nakasandal sa kotse at naka-hoodie na halos natatakpan na ang mukha nito. Pero napansin niyang nakagawi ang ulo nito sa direksiyon niya.

Tinitingnan niya ba ko?

Sinuri ko pa ng tingin ang lalaki, nahalata niya siguro na tinitingnan ko siya ng bigla siyang maglakad papunta sakin.

W-wait, WHAT?! Papunta sakin?!

Nang dahil sa ginawa niya umalis na ako roon at nagmamadaling sumakay ng jeep.

Putek, feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.

Pagkasakay ko sa jeep sumilip pa ako sa bintana at nakita ko yung lalaking naka-hoodie na kararating lang din sa may sakayan.

So, sinundan niya ako?

What a creep!

Nakarating agad ako sa trabaho dahil mabilis ang biyahe at walang traffic.

Pagkapasok ko pa lang ay bumungad agad ang boss ko saakin, "Aba't Miss MonteCarlos bakit ngayon ka lang?" mataray nitong tanong saakin. Yumuko naman ako at sumagot, "Ma'am, hindi pa naman ako late--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pero pinutol niya na ako. "Sumasagot kapa talaga ha!" Nagulat ako ng biglang sumigaw ito, napatingin tuloy ako sa paligid nakita kong nakatingin samin ang ibang kumakain. Lalo tuloy akong nahiya at yumuko pa lalo.

"Sorry po." Hingi ko na lang nang tawad dito. Titiisin ko na lang to kesa naman mawalan ako ng trabaho diba? "Bilisan mo, pumwesto ka na. Panira ka ng araw jusko." Sabi nito at umalis sa harapan ko.

Ako naman agad na dumeretso sa cashier area. Pagkalapit ko roon ay kinausap ako ng kasama ko, "Naku, Rain pinagalitan ka na naman ba?" tanong nito sakin. Tinanguan ko naman siya at bahagyang ngumiti. "Hayaan mo na." Sabi ko na lang rito. "Ang bait mo talaga prend. Alam mo kung di lang mahirap humanap ng trabaho wala nang naging tauhan yan dito." Sabi nito pagkatapos ay tinapik ang balikat ko. "Oh sige, dito ka na. Tapos na shift ko eh." Habol nito at umalis na.

Ako naman ay umayos na ng pwesto. Kaya kong lagpasan ang mga ganitong senaryo. Tutal nasanay naman na ako, kung hindi ko lang kailangan magtrabaho ay gagawin ko. Pero hindi pwede dahil alam kong hindi sasapat ang perang ipon ng mga magulang ko para mabuhay ako.

Mga bandang alas-onse na nang may biglang pumasok na lalaking nakagray hoodie. Napatingin tuloy ako rito. Hindi ko makita ng maayos ang itsura nito dahil sa hoodie nitong halos nakatakip na sa mukha nito. Pagkalapit na pagkalapit nito agad kong naamoy ang panglalaking pabango nito. So manly, I said in my mind. Dahil sa paglapit nito hindi ko napigilang suriin ang kabuuan nito. This man is about 6 feet tall. Nakafitted na black pants and the gray hoodie. He has this natural pouty red lips. Pointed nose-- "One burger and large fries." Biglang salita nito kaya napabalik ako sa huwisyo. Sobrang lalim ng boses nito! At nang marinig ko yon ay bigla atang nagtayuan ang balahibo ko.

"O-oh sorry, goodevening sir, so your order is one burger and large fries. Drinks sir?" Tanong ko rito. Sinusubukan kong silipin ang itsura nito pero di ko talaga makita.

"Anything you want, woman." Sagot nito sa malalim na boses.
Napatanga naman ako dahil bakit ako yung tinatanong niya? Magsasalita na sana ako pero di ko na tinuloy baka magalit pa eh. Ako na lang ang pumili ng iinumin niya. "You can now seat sir. Someone will serve it to you. Thank you." Sabi ko dito. Pero tinanguan niya lang ako at humanap na ng uupuan niya.

Weird. Bakit kailangan pang itago yung mukha?

Maya-maya biglang pumasok sa isip ko yung lalaking naka-hoodie na sumunod sakin. Parang biglang nanlamig ang katawan ko at unti-unti akong lumingon doon sa pwesto nito.
At halos manlambot ang tuhod ko dahil nakagawi rito ang ulo niya at halatang kanina pa dito nakatingin. Agad ko namang iniwas ang paningin ko rito. Nang may biglang tumawag sakin.

"Rain! Ikaw na lang maghatid nito sa table 14 may inuutos pa kasi sakin si boss. Sorry talaga, salamat!" Sabi ng isang kasama ko at umalis na sa harapan ko. Hinanap ko naman ang table 14 at bigla ata akong namutla dahil ang taong nakaupo doon ay ang lalaki kanina.

Pero no choice ako dahil baka pagalitan na naman ako ni boss kapag hindi ko to sinerve.

Lumapit ako sa lamesa nito, nakagawi ang ulo nito sa direksiyon ko at alam ko na nakatingin ito sakin ngayon.

Nang makalapit ako ay ibinaba ko na ang order niya agad pero dahil sa nginig ko ay natapon ko ang softdrinks sa damit nito. "O-oh my gosh, a-im s-sorry sir." Natatarantang sabi ko dito pagkatapos ay kumuha ng tissue sa lamesa at pinunasan ang basang parte sa damit nito. Bigla akong napapitlag ng marinig ko ang boses ng boss ko. "What have you done Miss MonteCarlos?!" sigaw nito sakin. Napaharap naman ako dito at yumuko agad. "I-im s-sorry.Ma'am hindi k-ko naman po sinasadya." Nauutal kong sagot dito. "Kahit kailan talaga wala ka ng ginawang tama!" sigaw nito sakin. Niyuko ko pa lalo ang mukha ko at naiiyak na ko sa sobrang kahihiyan. "Naku sir, Im sorry for the inconvinience. Papalitan na lang po namin ang order ninyo. Pasensya na po talaga kayo sa bobitang crew na to." Hinging paumanhin ng boss ko sa lalaki na may kasamang pang-iinsulto sa akin. Di ko na napigilan at tumulo ang luha ko sa isang mata pero agad ko rin namang pinunasan.

Humarap naman sakin si boss, "You're fired Miss MonteCarlos." Sabi nito sakin at akmang tatalikod pero pinigilan ko siya. "P-po? Ma'am, p-parang awa niyo na po w-wag niyo po akong tanggalin." Pagmamakaawa ko rito pero tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Umalis ka na Miss MonteCarlos. Humanap ka na lang sa iba." Sabi nito at tuluyan nang tumalikod. Ako naman walang nagawa kundi ang yumuko at dumeretso ng locker para kunin ang bag kong dala. Ni hindi ko na rin tinapunan ng tingin ang lalaki kanina. Nang makuha ko ang bag ko ay lumabas agad ako doon.

Habang naglalakad hindi ko na naiwasan ang umiyak. Saan na ako pupulutin nito? Ayokong galawin ang pera ko sa banko dahil sigurado akong mauubos agad yon sa pang-matrikula ko.
Yung pang-renta ko? Bat ba kasi ang malas ko? Napakahirap ng buhay ngayon, hindi naman ako katulad ng iba na mayroon pang magulang na sakanila'y mag-gagabay, mag-aaruga. Samantalang ako wala na. Napaiyak ako lalo dahil naalala ko sila mama at papa. Di sana kung nandito pa sila, hindi sana ganito ang buhay ko. Sana masaya ako at buo ang pamilya ko dahil kasama ko sila. Minsan di ko maiwasang hilingin na sana bumalik ang dating araw na buo pa kami pero malabong mangyari yon. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana may makasama na ako, yung paglalaanan ako ng pagmamahal gaya ng ginawa sakin nila mama at papa.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko hindi dapat ako magdrama ng ganito. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.

THIRD PERSON POV'

Habang naglalakad ang dalaga mag-isa lingid sa kaniyang kaalaman na may nagmamasid sa kaniya. Binabantayan siya, pinanonood ang bawa't galaw nito. Hanggang sa makarating ang dalaga sa apartment nito ay nakasunod pa rin ang isang lalaki sakaniya.

***
©cleiamariella

The Psycho: Ali SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon