Happier

723 21 4
                                    


"At the end of the day, sarili mo lang ang tatanungin mo kung naging masaya ka ba o hindi. At sarili mo lang din naman ang makakasagot no'n." (From the book of "Move on. Walang Forever!" by Marcelo Santos III)

Madaming tanong ang bumabagabag sa aking isipan, at ilan na dun ay kung naging masaya nga ba ako? Masaya pa nga ba ako?

Binalikan ko yung mga memories namin together. This relationship, is this still worth fighting for? Naalala ko din kasi yung mga times na niloko niya ako, ilang beses ko na nga siyang napatawad? Isa, dalawa, tatlo, and more? I lost count, yeah, i lost count, ganun ko siya kamahal eh--- wait, minahal ko nga ba talaga siya? Nagpapakatanga lang ba talaga ako sa kanya?

Madami pang tanong ang pumasok sa isipan ko tulad ng did I really loved him? Or I loved him beacause i just wanted the idea of him being by my side when i was so down. The idea of him being there when i needed to move on from him, sabi nga niya he's willing to be that "panakip butas" para lang maipakita ko sa kanya na naka-move on na talaga ako.

He NEVER FAILS to amaze me everyday, he shows me how he loves me. But that actually change. The way he treated me, it didn't change though, I mean, mabait pa din naman siya sakin, hindi katulad nung ibang lalaki na kapag nagsawa na sa gf nila, eh parang basura na kung tatruhin nila, na parang wala silang pinagsamahan, but he's different. His feelings for me, still, it didn't change, he still say those 3 words to me. But guess what did change? His actions :)

Kung dati, palagi niya 'kong binibisita sa bahay namin, ngayon, parang ako na lang palagi yung dadalaw sa kanya, para magkita kami. Like me, going to his tapings para dalhan siya ng pagkain, etc or whatever. Kung dati, palagi niya kong binibigyan ng gifts at kung ano-ano, kahit wala namang okasyon, ngayon, kahit monthsary namin, di na siya nagbibigay ng gifts. Babatiin niya lang ako through text and hindi na nga kami minsan nagkikita kasi nga we're both busy.

The whole day, wala akong ginawa kung hindi tumambay sa kwarto ko, bumababa lang ako kapag kakain na. Wala akong sched na taping or guestings or whatever ngayon cause it's a free day for me. I'm sitting at my bed right now, nakapatong yung ulo ko sa headboard habang iniisip ang mga realizations na pumapasok sa isip ko. But you know what? All those realizations are coming through my head, yet di ako nag papanic. Hay, whatta life. Wala naman akong ma-isip na dapat kong gawin except one thing.

I looked at my phone and saw that it's only 4 in the afternoon. Sa buong maghapong nakatambay ako sa kwarto ko, I finally decided to do the right thing, na sa tingin ko ay dapat ginawa ko na noon pa lang.

"Can we meet? Same place. At 5" i texted him.

"Yeah sure." he replied.

Napahinga ako ng malalim, i'm wearing a sando and a sweatpants, pinatungan ko na lang ng jacket, ayos lang naman tong suot ko, kasi may sasabihin lang din naman ako sa kanya.

Bumaba na ako at pinuntahan si papa. Nakita ko siya sa may sala, nanonood ng tv.

"Pa?" lumapit ako kay papa at umupo sa tabi niya "Uhm, pwede po bang ihatid niyo ko sa Starbucks sa may ******?"

Tiningnan ako ng matagal ni papa sa mata. Nagulat ako ng ngumiti siya sa'kin.

"Sige anak. Magpaalam ka muna sa mama mo."

"Sige po pa." I smiled softly.

>•>•>•>•>•>•>•>•>>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>

Nandito na nga kami sa starbucks ni papa at baba na sana ako ng pigilan niya ako.

"Bakit po pa?"

JuliElmo One ShotsWhere stories live. Discover now