Crush

519 18 4
                                    


"Noon"
Nakalipas na panahon.

Mga pangyayaring naganap sa buhay mo,
Mga desisyong sa buhay mo'y bumago,
Masaya man o pagsisisi'y nagkaroon,
Hindi mo na maibabalik ang kahapon
(From the book of "Move on. Walang Forever!" by Marcelo Santos III)

Elmo's POV

Naalala ko yung mga panahong...

Kriiiiiinggg...

Hudyat na simula na ng klase. Naglalakad kami sa corridor ng mga kaibigan ko at papunta na kami sa classroom namin ng may nabangga ako.

"Oh, sorry!" sabi niya habang kumakain ng burger

Napangiti at napatitig ako sa kanya, ang ganda niya. Hindi pa ko nakakasagot ng tumalikod na siya. Napatalikod na din ako at dumeretso ng lakad habang napapangiti. Shet, nagmumukha kang tanga, Elmo!

Then one time, nakita ko siya sa canteen, nag aaral habang.. kumakain ng burger? Napangiti ako, paborito niya talaga siguro ang burger.

Kaya I decided na bigyan siya ng burger sa may locker niya na may nakalagay na note na "Good morning! :)"

I saw how she smiled, kaya napangiti na din ako, ang sarap sa pakiramdam, shet nakakabakla.

May time din na nakita ko siyang nakaupo sa bench habang nag aaral. Kaya may kinausap akong lalaki, si Steven, kaklase namin siya sa isang subject. Pinadaan ko siya sa harap ni Julie at magkunwaring nalaglag yung mga dala niyang gamit. And guess what? It worked. Tinulungan siya ni Julie na pulutin ang mga gamit niyang "nalaglag". Kaya habang tinutulungan niya si Steven, naglagay ako ng burger sa may bench na may note naman na "Smile naman diyan! :)" Ang sarap palang makita yung taong mahal mong nakangiti tas ikaw ang dahilan.

Nandito ako sa gym, nakaupo at patagong pinapanood ko siyang nag papractice, kasama kasi si Julie sa isa sa mga Cheerleader dito sa School at siya din ang captain nila. Kaya nagsulat ulit ako ng note sa may burger.

Nakangiti akong naglalakad papunta sa kanya ng makita kong masaya silang nag uusap ni James, campus crush siya sa school namin at siya din ang captain sa basketball. Napatalikod na lang ako, ano nga bang laban ng isang nerd sa isang campus crush? Napatingin ako sa note na nilagay ko sa burger "Cheering for you din! :)"

Months passed simula nung nakita ko silang nag uusap. Nabalitaan ko din na after a month naging sila na. Should I give up? Tulad nga ng sinabi ko, ano nga bang laban ko sa isang campus crush? Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko.

Andito kami ngayon napg mga kaibigan ko sa corridor at nag uusap tungkol sa mga random things ng may marinig kaming nag aaway. Nakita ko si Julie at James na nagsisigawan. Gusto ko sana siyang lapitan kaya lang ayaw ko namang makigulo sa kanilang dalawa. Nag walk out bigla si Julie at sinundan ko siya kaagad.

Saan na ba yun nagpunta? Ang bilis namang maglakad! Nandito ako sa harap ng canteen, since hindi ko pa naman siya nahahanap, bumili muna ako ng burger para sa kanya at hahanapin ko na lang ulit siya.

Naglalakad ako habang nag iisip ng note na isusulat. Naglakad-lakad pa ako habang hawak ko yung burger at marker ng makita ko siyang nakaupo sa may bench habang umiiyak, napatigil naman ako.

Nagtaas siya ng tingin at nakita niyang hawak ko ang burger na may note at tipid siyang napangiti. Lalapit na sana ako sa kanya ng umupo sa tabi niya si James at inakap siya patayo. Naglalakad na sila palayo sa akin ng lumapit din sa akin ang mga kaibigan ko at sinabing pumunta na kami ng room. Lumingon ako sa kanilang dalawa pero agad ding nag iwas ng tingin (not knowing na lumingon din si Julie) Siguro that will be the last time na lalapitan ko siya.

Present Time
Grand Alumni Homecoming
Mass Communication (S.Y. 2010)

Julie's POV

Nakaupo ako ngayon dito sa isang table habang kausap si James, napagod ako kanina, alam niyo na, nagkaka-edad na, ako din naman kasi ang nag-organize ng reunion namin.

"Naalala mo ba noon Julie? Sabihan lang kita ng tumataba ka na, napipikon ka na HAHAHA" hinampas ko naman siya

"Hoy grabe sino ba naman kasing hindi mapipikon kapag sasabihan ka ng 'tumataba ka na'? Saka ikaw, tumanda na tayo't lahat, napakabully mo pa din!"

"Ahaha sorry na." sabi niya habang nakapeace sign "Eh teka, nagugutom na 'ko. Kukuha lang ako ng pagkain, ikaw ba? May gusto ka ba, ikukuha na kita."

"Ah, wala wala" tipid kong ngiti sa kanya habang umiiling

Lumilingon ako habang napapangiti ng malungkot. Hindi na ata siya makakaabot.

Nagulat ako ng makita kong may naglalakad sa gilid ko. Lumingon ako sa kanya at nakangiti siyang lumalapit sa akin habang may hawak na burger at nakalagay na note.

Tumayo ako at lumapit sa kanya at kinuha ang burger sa kanya "Sorry, late ako. :)" Tumingin ako sa kanya at napatawa ako.

"Ang tagal kasing matulog ng mga apo natin love!" sabi ni Elmo habang inaakap ako palapit at hinalikan ako sa noo ko.

Yes, kami ang nagkatuluyan ni Elmo. Na-realize ko kasi ang mga efforts niya na mapasaya lang ako sa simpleng burger na may note noong bata pa kami, at nung mga times na kailangan ko ng taong masasandalan, palagi siyang nandiyan sa tabi ko at hindi niya ko iniiwan. Hindi ko naman namamalayan na, unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

>•>•>•>•>•>•>•>•>>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>

Late na, pero Happy JuliElmo Day! Ang os na to ay inspired from #KwentongJollibee HAHAHA Thank you sa mga nagbasa! Please follow us on twitter: @julielmoloveees

JuliElmo One ShotsWhere stories live. Discover now