Chapter 1

9 1 0
                                    

-----

"BWISIT NA MANSANAS TALAGA!" pasigaw kong sabi sabay sipa ng upoang nasa harapan ko.

"Sheesh, baby kalma!" sabi sa'kin ni Ashee.

"How, when that bastard insults me in front of everyone?" Nanggigilaiti kong tanong.

Kakalma ka pa kung napahiya ka sa maraming tao? ako pa na medyo maikli ang pasensya-- I mean maikli talaga.

"Ang funny niya naman eh" natatawang sabi ni Azee.

"Tuwang tuwa ka?" nawala yung pagngisi niya dahil sa tanong kong may halong pagbabanta.

"Sorry sorry! ito naman masyadong highblood eh." sabi niya nalang at inatupag na yung cellphone niya.

Bigla namang bumukas yung pinto ng tambayan namin at iniluwa nito si Ayleen. Napatingin siya sa'min. Yung tingin niya ay may halong excitement.

Tinaasan ko siya ng isang kilay pero kahit salitang-salita na siya ay hindi niya magawa dahil naghahabol pa siya ng hininga niya.

"Sige, ihinga mo muna Ay."

"Wait..." sabi niya at huminga ng malalim.

"ANG GWAPO NI ZICOOO-- WAIT!!" sigaw niya sabay harang ng dalawa n'yang palad nung akmang babatohin ko siya ng notebook na napulot ko lang sa upoang nasa harap ko.

"Eto na nga! Napaka-ikli talaga ng pasensya eh..." pagmamaktol niya. "So ayon! you know Kiana? yung kaklase nating medyo mahina sa english? May kasabunotan siya from 2nd section, di ko alam name eh."

"Then?" taas kilay kong tanong.

Kailan pa kaya kami nagkaron ng pake don? hays, akala ko naman kung anong magandang balita ang tinakbo niya dito, hingal na hingal pa siya.

Napatingin siya kena azee at hinintay yung reaksyon nila.

"Jusko, Ay! Kailan pa tayo nagkaron ng pake sa kanya at sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya?" tanong naman ni Azee.

"Hindi niyo ba tatanongin yung reason ng pag aaway nila?"

Napaupo ako sa upoang sinipa ko kanina, buti di nasira.

"okay, why?" parang napilitang tanong ni ash.

"Because of zico!"

Napatingin ako sa kanya.

"What?" magkasabay na sabi ni ash at az.

"Nagsabunotan yung dalawa because of zico! Pareho silang may gusto kay zico kaya nung nakita ni kiana yung babae from other section na clingy kay zico nilapitan niya at sinaway, etong babae from other section may pagkamaldita itinulak si kiana sa balikat then boogsh! nagsabunotan sila!"

Pft.

"lah?"

Napatingin ako sa kanila nung napansin nila ang pagtawa ko ng mahina.

"Ano? It's funny kaya, two bobo fighting over one man? pft"

"Manood kaya tayo? Curious ako sa kung sino mananalo sa dalawa" sabi ni az.

"Sure." sabi ko.

Syempre, curious din ako sa kung sino ang mananalo o magmukhang kawawa sa dalawa.

Nagsimula na kaming maglakad papunta don sa may nagsasabunotan. Ibang klase din 'tong mga 'to eh, ang lakas ng loob mag away. Sa dinami-daming pwede maging rason ng away lalaki pa at si zico pa talaga? nagsayang sila ng lakas dahil lang sa lalaking yun?

Bakit? Anong meron sa lalaking yun at pinag-aawayan nila? maliban sa may saltik yun, may pagkababaero pa sa itsura palang nun halata mo na eh.

"Nandito na sila." Rinig kong bulong ng mga studyante.

Pati ibang istudyante dito may saltik eh, manonood lang naman kami kung makabulong naman rinig pa!

Nakita ko yung dalawang nag aaway at si Zico na nanonood lang din sa dalawang babaeng nag aaway. Ayan pinag-aaksayahan nila? ni wala ngang pake sa kanila oh!

Napatawa ako ng mahina nung makita si kiana na paiyak na. Pathetic.

Napatingin sila sa'kin.

"Kita mong nag aaway na tinatawanan mo pa." sabi nung isang istudyante na di ko kilala. nakatingin parin sila sa'kin.

tinignan ko siya.

"Kasalanan ko?" tanong ko sa kanya. binaling ko ulit yung tingin ko sa dalawang natigil sa pagsasabunotan "What? Oh, nakaisturbo ba'ko sa away niyo? Sorry ah, di ko mapigilang matawa sainyo eh."

Galit na lumapit sa'kin yung babaeng kaaway ni kiana from other section. Halatang galit yung titig niya sa'kin.

"Kung ikaw kaya isunod ko sa kanya? tignan na'tin kung matatawa ka pa." pagbabanta niya sa'kin.

"Oh no! I'm scared!"

"Pft" mahinang tawa nung tatlong kasama ko.

"Try me. Pero bago yun siguradohin mo munang di ka maiiyak ah? kasi sa away niyo palang ni kiana ngayon na pang grade 2 paiyak kana eh, tapos gugustohin mo pang kalabanin ako?" mas lalo pang natawa yung tatlo sa sinabi ko at yung ibang istudyante na kadahilanang pagkainis niya lalo.

"Girl, ayoko ng kaaway na nagsusumbong sa parents pag di na kinaya. Pero may tanong ako, nag aaway ba kayo dahil kay zico?"

Di siya nakasagot sa tanong ko pero di nagbabago yung galit sa mukha niya.

"Why? I mean bakit kayo nag aaway sa taong wala namang pake sainyo?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"You don't know that." patigas n'yang sagot.

"Pinapatawa mo naman ako beh. bobo ka ba o tanga? wag mong ipagsabay yung dalawa ah, masyado kanang talented nyan."

nagiging si angry na siya dahil sa mga sinasabi ko, dagdag mo pa mga tawanan ng ibang istudyante.

"nakikita mo ba si zico ngayon? di ka naman siguro bulag noh? pinapanood lang kayo ni zico tapos sasabihan mo akong di ko alam yun?  ganyan ba ang may pake? Stupid."

Napatingin siya kay zico. paawa effect. iw.

"Sorry girls, di ko naman sinabing mag away kayo eh. masyado kayong selosa eh di niyo naman ako pagmamayari, isa lang naman nagmamayari sa'kin eh." Sabi niya.

"WHOOOO?!" sigaw nung dalawa.

Naparoll ako ng mata dahil sa sinabi niya. Boring na, nagsalita na siya. tumalikod na ako at akmang maglalakad na palayo pero natigilan ako nung binanggit niya ang pangalan ko.

"Si Aiyue Xeng." I glared at him and he just smiled.

Wtf. Just wtf.

Siya lang talaga ang nakaka-trigger ng 100% inis ko. siya na yung gusto kong sabunotan ng walang tigil.

AYUE & ZICO Love Story Where stories live. Discover now