Chapter 4

7 1 0
                                    


"BALOOOOT!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay. Pagkabangon ko, nakita ko siyang tumatawa pagkatapos ng ginawa niyang ingay.

Gusto ko siyang murahin ng mga malulutong na mura, gusto ko siyang pagsisigawan sa tapat mismo ng tenga niya at gusto ko siyang sabunotan dahil sa inis.

Grabe? Sabihin na nating grabe yung naisip ko, pero kung kayo kaya nasa posisyon ko tapos SISIGAW NG GANON KALAKAS ANG KAPATID MO MALAPIT SA TENGA MO HABANG SARAP NA SARAP KA SA PAGTULOG?! Dibs nakakaput*ngina?!

Binato ko siya ng unan kaya natagilan siya sa pagtawa at pinipigilan nalang ito.

"Problema mong hayop ka at binubolabog mo ang beauty rest ko?" Tanong ko sa kanya at bumalik nalang sa pagkakahiga.

Matutulog na sana ako ulit pero bigla akong natigilan dahil sa kasunod niyang sinabi.

"Yung admirer mong si zico gwapo nasa baba, hinahanap ka may date daw kayo. Ikaw ah~ di ka nag sh-share sakin ng blessings! Hahahahaha" sabi niya at tumawa ulit.

Mabilis akong napabangon at nag ayos.

"Share? Huh, kahit sayo na ng buong-buo." Inirapan ko siya at lumabas na ng kwarto ko.

Naabotan ko si zico sa living room namin, kumakain ng caramel cup cake na binili ko para kay moma. Ang sarap niyang patirin, at home na at home siya tapos kausap pa niya parents ko.

"Problema mo? Bakit pati dito sa bahay nanggugulo ka?" Agad kong tanong sa kanya kaya napatingin sila sakin.

"Baby, ganda naman ng bati mo sa bisita mo." Sabi ni dada sakin.

"May lakad tayo diba?" Tanong niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng isa kong kilay.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nagpaalam sa pamilya ko. Hindi ko alam pero hinihila niya ako palabas ng bahay namin at papalayo na kami ng papalayo.

Hindi ko alam kung saan nanaman ako hahatakin ng lalaking to pero ang mas nakakainis, NAKA TSHIRT NA BLACK LANG AKO AT NAKA SHORT NA MAONG! Walang pulbo o liptint! Hilamos lang ginawa ko kanina at toothbrush!

"Argh! Bwisit ka talaga!" Sabi ko at sinapak siya sa balikat niya kaya nabitawan niya yung kamay ko.

"Amazona! Ano nanaman bang pumasok sa isip mo't sinapak moko sa balikat?" Tanong niya at napahimas sa balikat niya.

"Kasalanan mo! Bwisit ka eh!" Inis kong sabi ulit sa kanya.

"Magpapasama lang naman ako sa park kung makabwisit ka dyan." Sabi nalang niya.

"Bakit mo ba ako hinatak bigla?! Ipapahiya mo ba ako sa maraming tao ah?! Tignan mo nga 'tong suot ko! Shirt at simpleng short lang!"

"Ano? Bagay naman eh. Pero nagsisisi parin ako na hinatak kita bigla at di pinagbibihis, pinagtitinginan ka ng ibang lalaki eh." Sabi niya.

Tsk. Pinagtitinginan kasi maiksi short ko at kita legs ko. Tusokin kong mga nata nilang manyak. Bwisit sila.

"Bakit ba sa dami mong kilala at babae ako pa ang naisipan mong hatakin dito?! Di naman tayo close ah? Feeling close ka lang sakin."

Nauna na akong maglakad sa kanya. Why would i even walk with him?! Tss, no way.

Napatingin ako sa likoran ko...

"Wait.. Where is he?" Hindi ko siya nakita sa likoran ko kaya nilingo-lingo ko ang paningin ko at ayun siya naglalaro ng basketball.

"Just what the hell?! Hinatak ako dito para iwan?!" He's unbelievable.

AYUE & ZICO Love Story Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora