Chapter 5

7 1 0
                                    

            -BALOT'S POV

Wala naman siyang dalang sasakyan kanina ah? Panong ngayon meron na? Amazing. Pft.


"Saan mo nanaman ba ako dadalhin, ah zico? Alam mo, magkaalaman nga tayo. Hindi ka naman ganito dati ah? Ni sulyap wala kang binibigay sa'kin pero biglang buong atensyon mo nasa pangiinis na sa'kin?" Diretsahan kong tanong sa kanya at tinagilid ko pa talaga yung katawan ko para maharap siya.


"Hayaan mo nalang akong makasama ka, iparamdam sayo na mahal kita at pasayahin ka. Don't worry, hindi naman to magtatagal." Seryoso niyang sabi.


Ako naman napatitig lang sa mukha niyang seryoso habang nag d-drive. Bigla akong napatulala sa sinabi niya.


----


Hinatid niya lang pala ako sa bahay. Nung nakalabas na ako sa sasakyan niya bigla nalang siyang pumaharurot paalis, walang sabi sabi, ni hindi nga nagpaalam eh.


'Hindi naman to magtatagal.'


Katagang tumatak sa isip ko. Sabi na eh, lahat ng 'to ay di magtatagal at may kataposan rin. So, hmm. Hayaan ko nalang siya manggulo sa buhay ko? Hayaan ko nalang siya na hatakin ako bigla? Pero, ang tanong...


Hanggang kailan?


Hanggang mahulog na rin ako sa kanya tapos iiwan na pala niya ako? Wtf. Hindi pwede yun! Tsaka never akong mahuhulog sa lalaking yun! Over my beautiful body!


"I will never ever let that happen to me."


Nagulat ako ng bigla may lumutang na mukha sa giliran ko. Napatingin ako sa mukhang yun at nakita ko ang nag aalala at nagugulohang mukha ni dada.


"Dada?"


"Baby, are- are you okay?" Tanong ni dada sa'kin.


Bakit ganito yung pamilya ko? Makulit, maingay, pacold at may saltik, sorry dada. Hahaha.  Ako lang yata ang matino?


"I'm always okay, da." Sagot ko nalang. Naglakad nalang ako papasok ng bahay at ramdam ko naman yung mga titig ni dada na nakasunod sa'kin.

"Baby, how was your date?" Nakangiting tanong ni moma sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

"What date, ma?" Pagmamaang-maangan ko.

"Kunwari pa~ yieeeeeeee" tukso naman ni ayeng.

"Stop it, okay? Hindi yun date." Sabi ko nalang at tumabi kay moma sa pagkakaupo.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 16, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

AYUE & ZICO Love Story Donde viven las historias. Descúbrelo ahora