SIMULA

41 4 1
                                    

SIMULA

“BRO! Kanina ka pa nakatingin dyan sa bintana. Sino pa yung tinitignan mo jan?” Rinig kong tanong ni Jaren pero wala parin akong imik. Nakatingin lang ako dun sa babaeng nakatalikod habang may hawak na libro? Ata yun. Alas-sais na ng gabi kaya nakakapagtaka, bakit wala siya sa klase niya.

“La! Sige walang pansinan bro ha?” Dagdag pa nito pero wala parin akong imik. Imbis na pansinin sila, ay sinukbit ko na agad ang bag ko't lumabas ng klase, uwian na naman mamaya-maya lang kaya okay lang na mauuna ako.

Nahihiwagaan ako sa babaeng yun. May pagkamisteryoso kasi siya also nacucurious ako sa itsura niya, sa ugali niya. Wala naman talaga akong interes sa mga babae pero kasi—basta! Di ko maexplain yung nararamdaman ko.

Nagtungo ako sa pinanggagalingan niya. Pagdating ko roon ay wala na siya. Napakunot ang noo ko habang inililibot ang buong paligid. Anong klaseng lugar to? Ang dilim ng paligid at napakahamog. Hindi naman to ganito kanina?

“Looking for me?” Napatalon ako sa gulat habang nakatingin dun sa babaeng nakatingin saakin, she's wearing a plain black dress with white strands at the waist line and at the shoulder.

“Pfft. Funny.” Sabi nito habang papalapit ng papalapit saakin. Sa paglapit niyang yun agad kong nasilayan ang mukha niya. Damn! She is beautiful and cute at the same time. She really is.

“A-h ah! So-so-sorry miss.” Sabi ko. Nagbow ako sa harapan niya bilang paghingi ng pasensya. Pero agad na napaayos ako ng tayo ng marinig ko ang tawa niya. Ang angelic, ang sarap sa pandinig.

“Okay lang, Galaine nga pala ang pangalan ko.” Sabi nito't inilahad ang kamay niya. Tinignan ko muna ito bago ako makipagkamay. Ang lambot ng kamay niya at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya ng mahawakan ko ito.

“LJ na lang. Galaine.” Sabi ko't bumitaw na sa pagkakamayan.

“Hmm.. LJ, bakit mo pala naisipang pumunta dito?” Tanong niya't umupo ulit sa inuupuan niya kanina, tinap niya ang tabi niyang bakante, kaya hindi na rin ako nag-atobiling tumanggi, umupo ako't tumikhim bago ako magsalita.

“Wala lang.” Pagsisinungaling ko. Ang balak ko lang naman ay tignan ang itsura niya.

“Hmm..” Yun lang ang nasabi niya. Nakatingin na siya ngayon sa librong binabasa niya. “Anong klaseng libro naman ang binabasa mo?” Tanong ko.

“Kung iniisip mo na Love story to ay nagkakamali ka ang librong ito ay about sa prof-ed. Kasi, hanggang basa na lang ako nito. Di ko na rin naman ito matutupad.” Nasilayan ko ang mukha niyang nilalamon na ng kalungkutan.

“Bakit naman?” Saad ko. Hindi ba nila kaya ang tuition fee? Masyado bang malayo ang papasukan niya?

“Isa yun sa mga sikretong itinatago ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa iba.” Napabuntong hininga siya't liningon ako. Agad akong napayuko at napahimas ng batok.

“Wag ka nang mahiya, simula ngayon magkaibigan na tayo. So anong course ang kukunin mo sa kolehiyo?” Interesadong tanong nito habang nakadikit ang dalawa niyang palad. Napangiti ako ng palihim. Cute.

“Hmm. Civil Engineering? Hindi ako sigurado kasi lito pa ako ngayon.” Sabi ko. Nahihirapan kasi akong mamili dahil sa tuition fee at kung kakayanin ko ba.

“I go mo na lang what you want. Malay mo maging successful ka.” Sabi niya ng nakangiti. Napangiti rin ako, tinignan ko ang oras sa relo ko. Mag aalas-syete na pala kailangan ko nang umalis.

“Ah, Gelaine. Mauna na ako. Kailangan kong makahabol sa Dinner Date ng family namin.” Pagpapaalam ko sa kanya. “Nice meeting you today. See you tomorrow. ”

“Yeah, sure. See you.” Sabi nito habang nagwa-wave ng kamay niya sa hangin. Ngumiti ako bago maglakad papalayo sa kanya. She's really interesting.

~♥♥♥~

Time For The Moon NightWhere stories live. Discover now