"Do you have any experience about dating?" tanong sakin ng MC sa isang LIVE interview. Tumingin ako ng diretso sa camera na nasa tapat ko at ngumiti ...
Handa na sana akong magsalita nang maaninag ko ang aking manager na umiling saakin na parang sinasabing wag kong ituloy kung anong sasabihin ko.
I just closed my eyes and took a deep breathe before speaking ..
"Wala pa." tipid kong sabi at napatingin akong muli sa aking manager .. Nakita ko na parang nakahinga siya ng maluwag sa isinagot ko.
Napatingin ako kay Baekhyun na tinap ako sa likod matapos kong sagutin ang tanong na 'yon. Nginitian niya ako at pinilit kong itago kung anong nararamdaman ko.
Minsan naiisip kong para akong isang PUPPET
Kailangan kong kabisaduhin lahat ng sasabihin ko.
I-practice ang mga gagawin ko ..
Itago ang ugali ko ..
Kulang nalang pati paghinga ko ...
Pero naisip ko ...
Eto naman talaga ang pangarap ko matagal na diba?
Eto yung ipinalit ko ..
Bakit parang hindi na ko kuntento ...
"Once again .. We have EXO .." pagtatapos ng MC at nakita kong nakapatay na ang ilaw ng camera na nakatapat saakin.
Nagsilapitan naman samin ang aming mga make-up artist at inayusan kami dahil may susunod na schedule pa kami.
"Kyungsoo .." napatingin ako sa aming manager ng tawagin niya ako at hinila niya ako papunta sa isang sulok ng kwarto ..
"Nag-usap na tayo tungkol jan diba?" tanong niya sakin. Napangiti ako ng pilit at tiningnan ko siya ..
"Oo .. I did what you wanted me to do .. So what's the matter?" tanong ko sakanya .. Nakita ko na parang nabigla siya sa isinagot ko .. Sa dalawang taon na alaga niya kami, ngayon lang ako nakasagot ng ganyan sakanya.
"Tandaan mo .. Pinaghirapan mo kung nasaan ka ngayon." sabi niya at umalis na sa kwartong iyon. Naiwan ako dun na nakayuko at naaasar sa sarili ko.