MAICY'S POV
Nagising ako sa sikat ng araw na bumungad sa mukha ko.
Kahit na puro puti ang nakita ko hindi ko nasabi sa sarili ko na nasa langit na ako.
Tiningnan ko ang katawan ko at nakita kong may mga bakas pa rin ng sugat ang katawan ko ..
Pero hindi na ito masyadong masakit kaya umupo ako.
Pagkatingin ko sa calendar ay isang linggo na ang lumipas ..
Matagal na pala akong nandito.
"Gising ka na pala." napatingin ako sa pinto dahil kakapasok lang ni mama ng may dalany mga prutas at nginitian niya ako.
"Si Kyungsoo?" napatanong ako at nakita ko siyang napayuko pero agad niyang binago ang kanyang mukha ..
Lumapit siya sakin at tinalian ang buhok ko na medyo humaba na ..
"May concert sila ngayon." simpleng sagot sakin ni mama at sinimulan ng magbalat ng apple.
Tumingin lang ako sa bintana at naisip ko na parang wala lang nangyari.
Dumating naman si papa na may hawak na mga passport at visa.. Kaya napatingin ako sa paligid ko ..
Nakita ko ang lima o apat na maleta na nakahanda na sa tabi ko at nakita ko ang damit na nakasampay ..
"Anong meron?" tanong ko kay mama ..
Natigilan siya at umupo sa tabi ko si papa ..
"We're going back to the Philippines." sabi ni papa at niyakap ako.
Nanlaki ang mata ko at natulala sa narinig ko.
"Pero si Kyung---
"He acknowledge you as one of his sasaeng .." sagot ni papa na mas hinigpitan ang yakap sakin pero nagpumiglas ako..
"NO! KYUNGSOO TOLD ME THAT HE LOVES ME .." sigaw ko habang umiiyak ..
"Maicy wag kang malikot yung dugo .." saway sakin ni mama at si papa naman ay hinawakan ang dalawa kong braso.
Nakita ko na umakyat ang dugo ko sa nakaturok sakin at naramdaman ko ang pagkapal ng kamay ko na lalong nagpaiyak sakin.
"Makinig ka muna kay papa Maicy please anak.. " sabi sakin ni papa habang pinapatahan ako.
"No, you're just making some excuses just to make us apart .." sabi ko habang umiiyak