CHAPTER 1: Meet Musica!

75 5 0
                                    

Musica’s POV

“You shoot me down but I won’t fall

I am Titanium

You shoot me down but I won’t fall

I am Titaaaaaaniiiiiiuuuummmm!!!!!”

                Whooooooooh! Grabe  para akong nagcoconcert sa Araneta Coliseum habang naliligo sa CR ng kwarto ko. Maaga pa naman kaya eto concert diva lang ang peg.

“Tonight I always got by on my own

I never really cared until I met you

And now it chills me to the bone

How do I get you alone?

How do I get you alone?

ALLLLOOOOONNNEEEE!!!”

                “Hoy Musica Melody Beltran! Nakakabulahaw ka ng kapitbahay ke aga aga! Tumigil ka na nga.”, sigaw ni Mama sa harapan ng pintuan ng banyo.

                “Ma naman sinisira niyo ang maganda kong concert! Pwede ba Ma ipaghanda nyo na lang po ako ng breakfast?”

                “Sige pero itigiltigil mo na yang pagkanta dyan.”

                “Maganda naman boses ko di ba Ma?”

“------------------------------------------------“

                Ayyt. Di na sumagot. -.-“

                Oo kaya maganda ang boses ko. Nagmana ako kina Mama at Papa. Ang ganda kaya ng love story nila. Pati yung boses ko. May angal kayo?

                Nakilala ni Papa si Mama sa isang event ng school nila. Isa itong musical fest at since pareho silang into music nagclique agad sila. Halos lahat ata kikiligin pag si Papa na ang nangharana pero nahirapan siya kay Mama. Strict kase sina Lolo at lola that time.

.

.

.

“Susungkitin mga bituin para lang makahiling

Na sana’y maging akin puso mo at damdamin

Kung pwede lang kung kaya lang kung akin ang mundo

Ang lahat ng ito,……………….”

*Whoooooosssssshhhhh*

Yun yung kinanta ni Papa nung haranahin niya si Mama. Sa kasamaang palad nabuhusan siya ng galing sa arinola! Pero syempre di nya sinukuan si Mama kahit ilang beses siya buhusan ni Lolo at Lola ng kung anu-anong uri ng tubig. For example, one time nabuhusan siya ng tubig-kanal. Nung sumunod, yung pinagpaliguan ng aso nina Mama, nung sumunod pa yung pinaghawhawan ng mga pinggan. Etc Etc Etc Etc Etc. Pero sa huli nagwagi pa rin si Papa sa pagsungkit ng puso ni Mama. Grabe ang bongga ng wedding nila. Sooooobrang musical and romantic… J

So ayun ako ang first born nila at since love nila ang music, hindi obvious na yun din ipinangalan nila sakin.

“Musica! Bumaba ka na. handa na breakfast!”, sigaw ni Mama downstairs.

“Yes Ma. Andyan na po!”

Pagbaba ko tumambad sa harap ko ang napakasarap na breakfast namin. Yung kapatid ko mabubulunan na nga sa pagkain. Oo dalawa kaming magkapatid. Nagfamily planning kaya sina Mama. xDD

Umupo na rin ako at nagsimulang kumain.

.

.

After 20 mins ng pagkain nagsimula na akong mag-ayos ulit ng sarili. First day ko sa college kaya exciting. So excited! 

“Hatid na kita bilisan mo.”, sabi ni Mama habang nilalagay sa lababo ang mga pinagkainan naming.

“Sige Ma.”

Mga 15 mins past 7 na kami dumating sa school. Wow ang cool ng college. Nagpaalam na ako kay Mama at nagkiss.

Naglalakad na ako sa may pathway ng maalala kong nasa bag ko pa yung ID ko so tumigil muna ako para kunin yun.

“Aray!”, may biglang bumangga sakin habang hindi ako nakatingin. Natumba tuloy ako. Ouch ang sakit.

“Sorry Miss. Pahara-hara ka kasi sa daan.”, mariing sabi nung lalaking nakabangga sakin. In all fairness cute siya, medyo matangkad, maputi……….. teka nagpapantasya ba ako? No no no. erase erase erase.

“Ikaw na nga yung nakabangga ikaw pa naninisi?!”, tinaasan ko siya ng kilay. Nag-aantay ako na iabot nya yung kamay nya pero nganga. Wala.

“Sorry miss, pero nagmamadali ako sige.”, at ayun nga umalis na ang loko.

“GRRRRRRRR!!!!!!. Antipatiko!”, sigaw ko sa kanya habang tumatayo ako.

Nagmadali na akong hanapin yung room naming. Nako patay late na ako!

“Miss Beltran? Miss Beltran its your turn?.”, yung first professor namin.

“Yes Ma’am!”, humahangos na tugon ko. Nasa tapat pa ako ng pinto. Nakakahiya! >.<

“You’re nearly absent miss? Ok Miss Beltran, introduce yourself to the class.”

“Ok Ma’am right away. Hi I’m Musi--------“, natameme ako nang may masilayang pamilyar na mukha narumehistro sa aking paningin habang inililibot ko ang aking mga mata sa loob ng silid.

Kablockmate ko ang antipatikong bastos!!! >.<

 -----------------------------------------------

Author’s Note

Haha. First time ko po gumawa ng romantic na ganito. Nakakasuka nga! Joke. Pakiread na lang po at comment-comment din pag may time kung may kailangan iimprove. Thanks!!! (:

When MUSIC meets NOISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon