CHAPTER 2: The Silent Noise

66 3 0
                                    

Noise’s POV

 “Pre, may gig kame mamaya, sama ka?”

Yun ang kauna-unahang tunog na bumasag sa katahimikan ng aking mundo. Hindi ko kasi maalis sa isip ko yung mga nangyari na, nangyayari at mga mangyayari pa. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko. May halong lungkot at poot, pero masaya ako. Masaya ako sa paniniwala ko. At yun lamang ang dapat kung paniwalaan ngayon. Oo. Yun lang dapat. Dapat lang.

“Sige p’re pass muna ako. May aasikasuhin lang ako sa bahay mamaya eh.”, yun lamang ang naitugon ko sa mga tropa ko matapos ang ilang minuto ng katahimikan na dumagundong sa atmospera ng lugar na kinalalagyan namin ngayon.

“Ano ba yan p’re inaraw-araw mo na yang mga inaasikaso mo ah? Gaano ba yan kahalaga at naipagpapalit mo na kame dyan?” –si Trip.

 “Hindi ko kayo ipinagpapalit. Masyado lang magulo yung isip ko ngayon.”

Haha. Joke lang naman yun p’re. Of course we understand you. Nasa kalagitnaan ka ng pagmo-move-on kay----“ –si Sev naman yung nagsalita.

  “Don’t you dare mention that name.”, pinanlisikan ko sila ng mata.

   “Sige, alis na ako”, at iniwan ko na sila na tila naguguluhan.

 Yun ang isa sa mga pinoproblema ko ngayon. Yung tungkol kay *don’tmentionhername*. Masyado akong nasaktan sa mga naganap. Oo nakaraan na yun. Pero bago pa yun saken. It was 4 long years ago. I was 14 then.

*FLASHBACK

“I have to go Blare. I’m so sorry. I promise you I’ll be back.”, sya lang ang tanging tao na tumatawag sakin sa second given name ko. Karamihan sa barkada ko o sa mga magulang ko yung first given name ang tawag sakin.

“But you don’t have to go. Marami namang magagandang school dito? I know Mom can help wait I'll call her. Please don’t leave me.”, maluha-luha kong tugon sa kanya.

I’m sorry Blare. I’ll be back naman eh, can’t you just wait for me?”, nagpuppy eyes pa siya.

 “But……………”, marami pa kong gustong sabihin sa kanya para hindi na siya umalis, lumayo.

Hindi ko na nagawa kase she kissed me goodbye on the cheeks. She waved goodbye on her way out. That same wave she did on our first meeting. I didn’t expect to see it in our probably last.

.

.

.

.

.

.

.

We were childhood friends, childhood lovers. We used to play together. We grow up together and I know someday we’ll grow old together. We promised not to leave each other. Or maybe I promised that? Hindi ako galit sa kanya. Galit ako sa sarili ko na umasa ako na hanggang sa huli magkasama kami. Hindi pala. Hindi ako handa sa paghihiwalay namin. Hindi talaga.

Andrama ko na. Tama na to. Sakto naman na napatingin ako sa wrist watch ko. Oras na ng next class ko. Siguradong pakilalanan na naman to. So I hesitantly go to my classroom. At nagulat ako sa narinig ko on the way. Grabe ang lakas.

When MUSIC meets NOISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon