Her Pov
"Hey, girl. Diba sya yung babaeng hinampas ng chocolate box kanina?" -Girl1
"Oo nga siya nga yun. I heard stalker siya nung nanghampas sa kanya. Kawawa naman yung ini-istalk niya." -Girl2
Rinig kong bulong-bulongan ng dalawang payasong tsismosa sa tabi ng hallway. Hindi pala yun bulong-bulongan, sinadya talaga nilang iparinig sakin ang pagkatsismosa nila.
Susugurin ko sana kaso masakit pa pisngi ko dahil sa pagkakahampas sakin ng box. Mamula-mula pa nga eh. Langyang lalaking yun, pero kahit na ganun sya mahal ko parin sya. Bakit ako nahampas? Ganito kasi yun.
February 14. Valentine's day. So supposedly, magbibigay ng chocolates o kung ano-anong sweets ang mga girls sa taong gusto nila. At dahil mahal na mahal ko si Note-thebabylove of my life, shining bright, so hot and perfect. Eh magbibigay ako ng chocolate sa kanya.
And take note, sariling gawa ko pa ha. So kailangang tanggapin niya, pero okay lang kung hindi. Mahal ko parin siya. hart hart.
So yeah, earlier that morning. Bago pa ako pumasok ng school ay tinext ko muna sya ng "Hi babylove Note. Happy Valentine's Day! ^^. Ingat ka palagi ha? Nasa tabi mo lang ako. Labyu. :* " at saka tinignan ang wallpaper ko (not to mention na mukha niya) at hinalikan ko ito.
Pagkarating ko ng school ay agad akong dumiretso sa classroom nila. Pagdating ko dun ay naabotan kong may babaeng nagbibigay ng sweets sa kanya.
Ang sakit sa heart. Makita mong may nagbibigay ng presents sa taong mahal mo bukod sayo? Masakit dre. Lalo na at nginitian nya yung babae at mukhang ang saya-saya niya kasi binigyan siya ng sweets.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanila at agad na hinila ang buhok ng malanding babaeng yun. "Ang kapal ng mukha mong bigyan ng sweets ang boyfriend ko. Haliparot ka. Lintaaaa!" At isinubsob ang mukha niya sa sahig. Pero syempre, joke lang yun.
Mas nangibabaw ang kaba ko kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pagkaalis ng babae ay naglakad ako papalapit kay Note. I don't know why pero biglang nagkasalubong ang kilay niya nung nakita niya ako. Grabe, hindi naman siguro ako ganun kapangit dba?
"Happy Valentine's Day." sabay lahad ko ng isang box ng chocolate.
"Aanhin ko naman yan?" tanong niya sakin. Medyo tanga pala 'tong mahal ko. Pero kahit na ganun mahal ko parin siya. :3
"Uhh. Kakainin mo." sinubukan kong hindi maging tunog sarcastic sa harap niya.
"Ayoko." atsaka niya hinawa yung box.
"Sige na. Try mo lang tikman. Masarap yan." pinanliitan niya ako ng mata at marahas na hinablot ang box mula sa kamay ko. Kumuha sya ng isang pirasong chocolate na nakawrap sa pulang water cellophane at kinain ito.
Bigla akong nakaramdam ng konting pag-asa para sa aming dalawa. Opo. Konting pag-asa.
Kasi nga dba? Anong binatbat ko sa isang gwapong vocalist. Samantalang ako isang Invisible girl. Na walang pumapansin at walang nagmamahal.
"Di masarap." napanganga ako sa sinabi niya. Paano naging di masarap? Masyado bang matamis? o medyo matabang? "Bakit?"
"Basta hindi masarap." atsaka niya ako tinalikuran. Pero bago pa sya tuluyang makaalis ay hinigit ko ang pulso niya "Please accept my gift."
"Ayoko sabi." hindi sya galit pero calm and cold ang boses niya. Tinalikuran niya ako. Pero hindi parin ako susuko. Tumakbo ako papunta sa harap nya at hinarangan ang dinadaanan niya.
"Tumabi ka dyan." Umiling lang ako with my spreading arms. "Accept my gift first." At inilahad ko uli sa kanya ang chocolate box.
His two eyebrows met. Kinuha niya ang box at next thing I knew may nahampas sa mukha ko at nagkalat na ang mga piraso ng tsokolate sa sahig.
Nang makarecover ako sa sakit ay hinanap ko si Note. Nakita ko syang naglalakad sa hallway. Naglalakad palayo sakin....
At ito ako ngayon. Naglalakad sa kawalan habang iniisip kung ano ang naging mali ko. Am I too much? Is my love too much?
Napaupo ako sa sahig nang wala sa oras. Hindi na kinaya ng tuhod at paa ko, kanina pa kasi ako palakad-lakad.
Should I stop? Should I give up? O magpapatuloy ako? Should I pursue my dream? Charaught. Ang OA ko.
Ok. Here's the deal. Pag may sasakyang dumaan I'll give up. Then wala pang limang segundo may jeep na dumaan. Grabe si Lord ah. Pinapagive-up mo na talaga ako. Okie. I will give up.
But I have to say sorry to him first. Tama. I'll say everything. From the start til now. And I'll tell him that I won't bother him anymore. Pero bago yan, tatanongin ko muna siya kung bakit ayaw na ayaw niya sakin. Why he hate me so much.
So ito na. Naglalakad na ako papuntang band room, dun kasi sila nagpapractice after dismissal.
"Note." Tawag ko sa kanya pagdating ko dun.
"Anong kailangan mo?" I can't imagine na pwede pala maging ganito kataray ang lalaki.
"Gusto lang kitang makausap." tatalikuran niya sana ako. "Please?" he let out a heavy sigh. Atsaka ako hinigit palayo sa room na yun.
Dinala niya ako sa likod ng building. "Ano na?" panimula niya.
"Gusto ko lang magsorry...... Dun sa chocolate kanina." nahihiyanb sabi ko. Nahagip naman ng mga mata ko ang kamay niya. Nandun yung loomband na ginawa para sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng saya. Then it hit me, siguro sinusoot niya yun kasi di niya alam na sakin galing.
"Wag na nating pag-usapan. Yan lang ba?" tanong niya.
"M-meron pa. Gusto ko ring magsorry sa pagiging stalker ko. Sa pagtetext ko sayo ng umaga, tanghalian, hapon, gabi at madaling-araw. Sa pangungulit ko sayo. Dahil sa akin, nasisira na ang image mo---"
"Sabing wag na nating pag-usapan eh." Naputol ang speech ko nang um-interrupt siya. Medyo mataas ang boses niya kaya natakot ako ng onti.
"Alam kong nakukulitan ka na sakin. Kaya gusto kong sabihin sa'yo na titigil na ako sa pagiging stalker mo. Na mag-gigive-up na akk sa nararamdaman ko sayo---"
"Alam mo. Yan ang ayaw ko sayo eh. Kapag sinabi kong wag nating pag-usapan, hindi natin pag-uusapan." Putol nya ulit sakin.
"Alam mo kung bakit ayaw na ayaw ko sayo? Why I hate you so much?" Langya. Inunahan niya ako sa tanong ko. "Kung bakit ayaw na ayaw kitang makita?"
"Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka sa susunod na makita kita...." tumigil sya sandali at lumunok ng laway. "Ay tuluyan na akonh mainlove sayo." At nag walk-out sya palayo.
Teka. What?!
Did he just confessed? Lol. Feleengera ko naman. Pero srsly, I never saw that coming.
[fin.]