His Pov
From: Babylove 5:16 am
Good morning prinsipe ko! Rise and shine sweetiepie. Bumangon ka na at baka malate ka pa sa klase. May rehearsal kayo mamaya pagkatapos ng dismissal kaya wag mong kalimutan ang gitara at extra strings mo, okay? Have a nice day, Happy Monthsary! ILOVEYOU! :*
Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Bawat gising ko text niya lagi ang nasa inbox ko. At kanya lang ang gusto ko. Oo nga pala kami na. Matagal nang kami. At sa walong buwan ng relasyon namin eh hindi siya pumalya kakapadala ng text sakin umaga, tanghalian, hapon, gabi at hatinggabi.