The Day You Broke My Heart (One Shot)

2.8K 33 6
                                    

2014 © AfraidToFallinLOVE16

All rights reserved.

"The Day You Broke My Heart"

Ako nga pala si Princess, may isang tao akong minamahal. Si Michael, ang problema nga lang ay hindi niya makalimutan ang bestfriend niyang si Lauren.

Ako yung taong laging nandiyan sa tabi niya kapag umiiyak siya. Ako yung kasama niya kapag naaalala niya si Lauren. Ako yung taong lagi niyang karamay. Hindi ako nagrereklamo o nagagalit, hindi ko kasi siya matiis eh. Isang text niya lang, andun na agad ako sa tabi niya. Ako yung tipong, nagiging nanay niya, bestfriend, at yaya.

Pero isang araw, tila nag bago ang ikot ng mundo ko. Nung araw na nag confess siya sa'kin na gusto niya ako. Sobrang saya ko nung sinabi niya sa'kin yun.

Pero parang may mali, alam kong hindi ganun kadali na makalimutan niya agad si Lauren. Alam ko kung paano siya nagdusa ng dahil sakanya. Alam ko lahat, dahil ako yung tao na laging nasa tabi niya nung wala si Lauren.

Nalaman lahat ng kaklase niya na gusto niya ako. Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero, nagulat ako sa nalaman ko nang naka-usap ko si Lauren.

Nagkwento siya saakin tungkol sa dalawang mag bestfriend, si lalaki ay mahal na mahal si babae. Si babae rin naman ay mahal niya si lalaki, hindi niya lang daw maamin o masabi man lang dahil ayaw daw ng mga magulang niya kay lalaki. Pero, ang alam ko ay sila yun ni Michael. Kwento nilang dalawa.

Tinanong ko siya kung mahal niya ba talaga si Michael, "Oo" yan ang lumabas sa bibig niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung nalaman ko yun. Parang ginagawa lang naman ako ni Michael na panakip bukas para lang kay Lauren.

Niyaya ko si Michael na makipag kita sa'kin, gusto ko lang malaman kung totoo ba yung nararamdaman ko na mahal niya parin si Lauren.

Nandito kami ngayon sa labas ng school, naka-upo. Nag request ako sakanya kung pwede ba siya kumanta para sa'kin, um-oo siya at nagsimulang kumanta.

Nararamdaman kong mamaya maya ay babagsak na ang mga luha ko habang kumakanta siya, pinilit kong 'wag umiyak.

Pagkatapos niyang kumanta ay tinanong ko siya kung mahal niya parin si Lauren, hindi siya sumagot. Alam kong pabagsak na ang mga luha kaya tinanong ko siya ulit kung mahal niya pa ba si Lauren, "Oo" yan ang sinabi niya. Nakita namin ni Michael na nakatingin samin si Lauren, nag katinginan kami ni Michael at sinabi ko sakanya na puntahan si Lauren. Kahit sobrang hirap na gawin ito, lahat gagawin ko maging masaya lang si Michael.

Parang pinapatay ako kapag umuulit yung sinabi niya na mahal niya parin si Lauren. Bakit ganoon? Hindi ba talaga pwede maging ako? Hindi pa pwedeng maging ako si Lauren? Ako naman yung taong nasa tabi niya nung wala si Lauren diba? Hindi pa ba sapat yung mga panahon na kasama at hindi ko siya iniwan para mahalin niya rin ako ng tulad nang pagmamahal niya kay Lauren? Paulit-ulit na tinatanong ko ang sarili ko. Bakit? Na kahit anong gawin ko ay hinding hindi ako magawang mahalin ni Michael?

Nginitian ko siya at nag goodluck ako para sa kanila, naglakad ako palayo. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, ang bait ng ulan noh? Buti pa siya, nakikiramay siya sa pinagdadaan ko. Ang galing lang diba? Parang ako lang si ulan, dumadamay at nakakasama kapag may pinagdadaanan. Wala naman talaga akong magawa kundi maging masaya para sa kanila, kahit alam kong masakit. Dun sasaya si Michael eh, edi dun din ako. Tanga na kung tanga, pero wala eh! Ganyan ang pag-ibig. Kung saan ka masaya, dun ka pa nagmumukang tanga at nasasaktan.

Habang naglalakad ako pauwi ay umiiyak parin ako, nakakainis, bakit wala akong magawa? Naging panakip butas lang naman talaga ako eh. Noon pa lang alam ko na si Lauren lang naman talaga. Sadyang tanga lang talaga ako na pinag pilitan ang sarili ko kay Michael ganun pa man na alam ko naman talaga na hinding hindi ako magiging Lauren sa buhay niya ay pinilit ko pa rin.

Hindi ko ito makakalimutan, ang araw na pinalaya ko ang taong pinaka mamahal ko.

The Day You Broke My Heart (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon