Entry #2: CHUBBY ME

51 3 0
                                    

Description :

Hindi porket mataba .. hindi na magkakaroon Love Life .. grabe kayo ah .. judgemental?

~Chrissta Sandoval (Chrishta po ang read dyan ^__^)

START READING >>>>

(CHUBBY ME)

Chrissta’s POV

HAAyyy~

“Good Morning Lord! Thanks for another day!” kakagising ko lang …

Unat-unat ~

“ate Taba! .. gising na!” sabi nong kapatid kong si Chrisstian .. habang nakatok sa pinto ng room ko

“Eto na! Ang aga aga nambibuwisit ka! Shaadup”

“Eh kanina ka pa kaya pinapagising .. Lock kasi ng lock ng pinto”

“Hoy wala kang galang .. ano bang pake mo! bumaba ka na nga! Susunod na ko”

At narinig ko nangbumaba na siya ng hagdan …

“Pshh.. panira talaga ng umaga >_<”

Bumangon ako sa kama at kumuha ng pagkain sa drawer ko .. palagi akong may pagkain sa drawer .. wag ka na magtaka .. I’m Chrissta, 17 years old, 1st yr college, chubby daw ako .. well tanggap ko pa yun pero yung iba kasi sobra na .. mataba, baboy, matakaw daw ako .. I don’t really care .. medyo pikon lang ako .. pero wala na kong paki sa sasabihin nila .. I need to be calm, always .. choz

~~~

“So Chriss .. nakagawa ka na ba ng paraan dyan sa crush mo?” tanong ng chismosa kong friend na si Lilia

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop …

“Shhh .. alam mo namang may gf pa diba? Kailangan ko pa maghintay ng pagkakataon” sagot ko naman

“Bat kasi hindi na lang si Kenii? Gwapo yun ..”

“Alam mo .. yan ang hirap sayo eh .. alam mo namang malabo yun .. tsaka ang sama kaya ng ugali nun!”

“Kasi inaasar ka niya?”

“Oo .. tsaka wala namang permanenteng babae sa buhay nun noh! .. kung magpalit yun ng babae akala mo nagpapalit ng damit”

“Meron kaya .... ikaw”

“Ano? Kasi ako lang yung hindi napalitan … palagi niya kong niloloko at inaasar .. pinagtitripan ..tapos pinapahiya”

Ang malas ko kasi .. simula HS palagi kong classmate yung buwisit na yun…

WAAAR's One Shot Making ContestWhere stories live. Discover now