KTM 2

374 10 1
                                    

SHARLENE's POV

Guys! Hi. Hahaha, di pa ako tulog. Nakatambay pa ako dito sa twitter ko eh, di ako makatulog gawa bukas. Kinakabahan ako kahit hindi naman dapat, ala pa.

Sharlene San Pedro @sharsanpedro
6,958 tweets / 429 following / 767 followers

New Tweet:

"Kinakabahan ako :o"

Tweet sent!

Tiningnan ko ang interactions ko, may nagmention sa akin tapos may picture. List of names, LS 410. Nakita ko yung name ko dun, pati ni brad! Classmates kame ni Brad. Grade 9 kame eh.

Nagthank you na lang ako dun sa nagmention sa aken, mukhang kaklase ko siguro. Pero, itinext ko si Brad.

To: Brad Jairus :")

Brad! Gising fa u? Alam ko na section natin, LS 410. Sabay tayo bukas ha! (:

SENT!

---

*bzzt bzzt*

From: Brad

Yep, i know i know. Sige, brad. Tulog na ren u. Goodnight ((:

Di na ako nagreply at natulog na ako. LS 410 ((:

***

GOOD MORNING PHILIPPINES! GOOD MORNING WORLD! Hayy, kinakabahan ako sa first day. Ala, hayaan ko na lang kasama ko naman si Brad eh.

Ginawa ko na ang morning routine ko then maya maya, dumating na rin si Brad. Iyerrn, bagay pala sa kanya ang nakapolo shirt.

"Oh brad! Aga mo ah!" sabi ko.

"Uy, Jairus! Kain ka muna dito. Gwapo mo ngayon ah!" sabi ni Mama, echosera naman ni Mader.

"Tita, sadya naman akong gwapo eh! Hahaha. Tapos na po ako kumain, hinihintay ko na lang po si Brad." sabi ni Jairus.

"Oh eto na nga! Tara na, bye ma!!" sabi ko.

"Bye! Uwi ng maaga ha! Ingat kayo ha!" then nagwave na lang kami.

Nagcommute na kami ni Jairus papuntang sch na 10 minutes away sa bahay. Maya maya nakarating na kami dun.

"Grabe, ang laki ng school. Mahahanap ba natin dito yung classroom natin?" tanong ko. Eh pagpasok na pagpasok pa lang namin, ang lawak lawak.

"Sus, mas malaki lang 'to sa CALC ng mga 2 times eh." sabi ni Jai

"Baka 3 times?" sabi ko.

"2 lang"

"3 nga"

"2"

"3 times nga"

"Sige, since maaga pa naman. Libutin muna natin yung school. Alam na rin naman natin yung section natin." sabi ni Jairus

"Eh paano kung maligaw tayo? Pati di pa kaya natin alam kung nasaan ang classroom natin, duh brad." sabi ko.

"Sus, uso naman po kaya yung magtanong. Diba?" sabi ni Jairus.

"Oo na. Oo na. Ikaw na. Tara na nga!!" sabi ko at hinila ko na siya.

Napag-alaman namin na LS Building na yung pinasukan namin. Tapos kung anong nasa section mo, yun ang building mo. Meron pang BM, MM at BB Building para sa grade school at high school students. BB ay para sa grade school, sa BM at MM naman ang classroom ng Grade 7. Maliit lang kasi yun. LS Building ang pinakamalaki with 4 floors. Since LS410 daw kami, 4th floor yung room namin. Juskopo! Nababatay daw sa first number ng section ang floor. So ibig sabihin, merong 310, 210 at 110 and so on. May dalawang canteen. Yung una sa may BB area at ang main canteen ay nasa baba ng LS Building na katabi ng Old Gym. Ang Sentrum naman ay malapit sa may Capilla/Chapel at sa may College Building. Masasabi mong malaki talaga itong La Salle. Kakapagod, haist. 7:15 na kami natapos sa paggagala ni Jai sa school.

"Oh ano? 3 times diba? Ang kulit kasi eh." sabi ko, ayaw maniwala eh.

"Weh? Mali ka. 4-5 times po kaya." sabi naman ni Jairus.

"Argh!! Tara na nga sa room." sabi ko sabay hila sa kanya.

Nung naggala kami, nawala yung kaba ko pero pag-akyat namin ng 4th floor at nalaman kong malapit na kami sa room namin, kinabahan na naman ako.

"Huy! Eto na. Wag ka nga kabahan dyan. Andito ako oh." sabi ni Jairus.

"Okay, okay." pagka-first step na pagka-first step namin sa room, nakatingin na lahat ng nasa classroom kong kaklase sa amin. OMG.

"Tara, dun tayo sa likod." sabi ni Jairus at umupo na kami. May mga halong babae't lalaki ang hindi pa rin nawala yung tingin sa amin.

Maya maya, nawala na yung tingin nila sa amin kasi nabaling yung atensyon nila sa lalaking pumasok ng room. Karamihan, girls. Woooow, gwapo O.O Pati ata ako napatitig sa kanya. Pogi talaga. Pero dere-derecho lang siya sa isang upuan dito sa may bandang likod pero malayo sa amin. Mga 4-5 sits away sa amin.

"OMG, Brad. Ang pogi." sabi ko.

"Pogi? Mas pogi pa ako dyan brad eh." sabi ni Jairus.

"Eeeh, pogi talaga siya." sabi ko naman. Di na ako pinansin ni brad tapos sabay dating na nung teacher namin. Adviser namin siguro.

"Good morning everyone!"

"Good morning, ms..."

"Take your seat, my name is Edna Serrano. I'll be your adviser for the whole year." sabi ni Ms. Edna. Nagsimula na rin yung morning routine: prayer, national anthem, panata at alma mater.

-------------------------------------------------

Kill to Marry (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon