simula

28 4 0
                                    


third person's pov

nakatitig lamang siya sa kawalan, sabay patik ng kanyang mga daliri sa mesang pag-aari niya, well, akala lang niya iyon.

bakas sa mga mata niya ang dalamhati at paghihirap. kahit halos mag-iisang taon na ang lumipas, hindi parin niya maalis sa kanyang isipan ang sinapit ng kanyang pamilya. hindi niya lubos masisip na ang kaisa-isang taong kinaibigan niya, ang siyang magdadala sa kaniya ng matinding galit sa kanyang puso.

isinawsaw niya ang kanyang daliri sa palangganang nasa kaniyang harapan. dahan-dahan niya itong inilapit sa kanyang bibig, sabay ng pag-ihip ng hangin mula sa electric fan na humahawi sa kanyang buhok, wala lang, side effect lang.

nag-iba ang ekspresiyon sa kanyang mukha nang matikman niya ang mala sweet and sour na lasa ng gravy na inorder niya, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas. 

charap charap daw.

nagulantang siya nang marinig ang ingay na nagmumula sa labas ng opisinang akala niyang kanya. oo, sa isip niya nababaliw na siya, pero ang totoo humanap lang siya ng lugar na mapagkakainan ng gravy. ang tingin sa kanya ng ibang tao ay nasiraan na daw siya ng ulo, kaya nga kahit sa pagkain hindi makapili ng matino.

agad-agad siyang tumayo at dahan-dahang binuksan ang pinto ng opisina, maliit lang ang pagkakabukas niya para hindi siya mahuling kumakain ng panis na gravy. parang naging kiti-kiti siya nang malaman kung ano ang nangyari o, kung sino ang napagmasdan niya.


  —  


b's pov

"AAAAH! shitness naman oh, manganganak na talaga ako ferdie!" sigaw ng babaeng may malanding boses habang siya ay buhat buhat ng isang lalaking pamilyar.

tila nagslow-mo lahat sa paligid ko nang makita ko ang lalaking iyon. ang soulmate ko! si ferdie! ito na ba talaga ang panahon para sa amin? hay, hindi ako makag-isip ng maayos, shet nemen ferdie keshe eh hihihi! 

isa lang naman siya sa daan-daang lalaking nilandi ko hihi, pero kahit ganon, nararamdaman ke ne she telege eh!

hay ano ba yan! ang landi ko talaga! pinagkakamalan na nga akong baliw dito tapos maglalandi pa ako! anong masama sa pagkain ng gravy? ang yummerz pa nga eh! na seasoned with minced mushroom, cauliflower and gingko biloba! ang judgy ng mga tao, ah? di pa ba nauuso ang wording na vegan sauce? duh

"manuela, honey, you got this, okay! you can do it! a-one! a-two! a-one two three push it push it push the baby yes yeehaw mom! relax and inhale the baby!" sabi ni ferdie. hay, gusto ko talagang... teka, what? wh-what? m-manuela? MANUELA?

sa isang iglap bumalik lahat ng masasamang alaala ko sa kanya. siya ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko. binigay ko naman ang lahat ah? naging mabuting kaibigan ako sa kanya pero sa kabila noon ay namatay naman ang pamilya ko.

"sige... patayin mo siya... kagaya ng pagpatay ng pamilya niya sa pamilya mo..." napasayaw ako ng bboom bboom dahil may boses barakong bumulong sa akin. 

napatingin ako sa left and right, up and down, wala namang peoplets o kahit anong speaker dito jusq mga friendsies what is this? ano na? ito na ba ang hudyat na isa na akong official housemate ng bahay ni kuya? o naimbitahan ako sa the voice? ano?

"ituloy mo na..." may bumulong sa ikalawang pagkakataon.

nababaliw na ba ako? or signs of aging ito? tangina im just 22 and im not prone to errors unlike machine languages huh-

kfc #2: b & dTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon