d's pov
ano ba yan! ang bigat talaga nitong baliw na to! ano kayang kinakain niya at ganito siya kabigat? tsaka na pansin ko lang ha, ba't parang lahat ng bigat niya, ay parang nanggagaling sa alipotan niya. hindi naman ako manyak napansin ko lang talaga, at isa pa, bat ko naman to papatulan, eh baliw nga skl.
oo nga pala, kumakain siya ng panis na gravy, napasukan na talaga siguro ng hangin at alikabok sa utak. pinagtsitsismisan kasi siya ospital eh. unang-una, nagpupunta siya dito na wala namang siyang trabaho dito o di kaya naman ay binibisitang pasiyente. isa pa, lagi iyang may dala-dalang palanggana ng kung anong sauce na may parang lumot.
palagi din siyang pumapasok sa loob ng opisina ng ob kapag umaalis ito. hindi na namin ginulo, dahil baka ano pa yung gawin niya sa amin. wala naman siyang kinukuhang kung ano, iyon nga lang, palaging maasim ang amoy ng opisina sa tuwing bakante na ito. air freshener ba o bunganga niya char wag tayong judgmental nakakamatay yan! anyways,
minsan naaawa nga ako sa kanya eh. sumusobra na kasi minsan ang pagiging mapanghusga ng mga tao. kung ilalagay ko yung sarili ko sa posisyon niya, madedepress talaga ako kapag ganon. pero sigurado akong awa lang ang nararamdaman ko para sa kanya, walang sobra, walang kulang. promise di ako defensive. di ko siya type, di papasa sa taste ko, pwe.
"hay, ehehehe..." sabi ng baliw.
tiningnan ko siya sa mga mata niya at kahit tumatawa-tawa pa siya ay kitang-kita talaga ang sakit na nararamdaman niya. hindi ko maisip kung anong gagawin ko kapag ako naging katulad niya, walang magawa sa buhay, maraming problema, at higit sa lahat, baliw.
dahil sa mga iniisip ko, hindi ko napansin na tinititigan niya rin pala ako at ganoon rin ako sa kanya. halos umurong ang sikmura ko sa pandidiri sa ginagawa- ginawa ko. ako? papatol sa baliw? hindi no!
kahit may itsura siya... lahat naman ng tao may itsura, kaya di siya kawalan...
"ang gwapo mo bebe ko ehehehe..." sabi nito sa malandi na paraan sabay lip bite and lick. hinaplos niya yung mukha mo gamit ang kamay niyang puno ng dugo. may pagnanasa pala to sakin eh! kung pwede lang ilalaglag ko talaga to sa sahig na de tiles.
napunta na iyong kamay niya sa braso ko , sabay ungol na parang may ginagawa akong hindi mangyayari kahit kalian sa kanya. nandidiri na talaga ako, ngunit malapit na naman ako sa sasakyan lalayo na rin siya sakin.
hindi parin natigil ang pananyansing niya sa akin at tinangkaan pa akong halikan nito sa leeg. agad kong nilayo yung mukha niya sa leeg ko sa pamamagitan ng pagrotate ng ulo niya char, sinuntok ko lang siya ng very very light at dahil medyo napuno na ako ay minura ko siya.
"sumusobra ka na ha! tangina mo! akala mo kung sino kang maganda! hinding-hindi kita papatulan! gag! salot! alpot!" sigaw ko.
hindi parin siya natigil sa pagtitig at sa katunaya'y sumagot-sagot pa ito.
"i love you too, bebe boy que! hehe... acute cute mwa mwa baby baby baby oh!" sabi nito sa malanding paraan at tuluyan nang nawalan ng malay. napabuntong-hininga naman ako at napailing , ayoko ko na ulit makipagtapatan sa babaeng to. nakakadrain ng energy at pasensya. bwisit!
"dan! bilis na baka magising ulit yan, mahirap na!" sigaw ng kaibigan kong si ato, ang driver ng delivery truck ng mental. binilisan ko ang paglalakad upang makausad na kami at maibaba ko na rin tong babaeng to.
"mabuti nalang nakatulog iyan, kung hindi mahihirapan talaga tayo at mapipilitang kaladkarin iyan papasok sa mental. ano bang ginawa mo?" tanong niya habang nakakapit sa manibela at nagsimula ng magmaneho.