HANA's POV
"Liam bakit?bakit biglang nagkaganto?",naluluhang tanong ko sakanya,kitang kita ko ang walang emosyon nyang mukha kahit pa nakayuko sya.
Hindi ko na sakanya makita yung sigla sa mga mata nya dati na kahit anong problema ay parang ayos lang sya,pero ngayon,ni isang kagustuhang tingnan ako ay parang di na nya makakaya pa,ang mga ngiti nyang nakakadala ng pakiramdam,ang mga sinasabi nya na napakagaan,ang mga bawat kilos nya na sayo lang ipaparamdam,gagawin nyang espesyal ang bawat ordinaryong araw at ipaparamdam nya sayo na mahalaga ka araw araw.
'ngayon,wala na…'
"Liam please!sabihin mo sakin kung bakit ganto na?bakit nagbago na?…or I just say,nawala na?",nanghihinang tanong ko sakanya ngunit wala parin syang imik na nakayuko pa rin,kitang kita ko ang pagkurap kurap nya na para bang pinipigilan na tumulo ang luha.
'Nasasaktan ako!ang sakit sakit na makita syang ganyan!ang sakit na hindi ko man lang sya magawang icomfort dahil hindi ko naman alam kung sa anong paraan dahil nasasaktan din ako! '
"ayusin natin to,isang buwan na lang at mag aanniversary na tayo,diba magta travel pa tayo ng magkasama?diba gagawa pa tayo ng maraming memories?diba gusto mo ako mapangasawa?Liam yung mga pangako mo naman oh?please pakitupad naman!",hinang hina na ako kaya napa upo na ako sa sahig habang sya ay nakaupo parin sa kama nya.
Bumuntong hininga muna sya bago iniharap ang ulo saakin
"Hana,pwede bang tama na?kalimutan mo na yun,kalimutan mo na lang ako,hindi ko na din kasi kayang magmahal pa",nagmamakaawang tugon nya
"Bakit Liam?wala naman tayong problema ah?bakit parang biglaan naman ata?ni wala ka saking sinasabing problema,bigyan mo ako ng magandang dahilan bago mo ako hiwalayan!",takang sabi ko
"naalala mo ba nung 6th monthsary natin?nung time na bago mag pasko at umalis ako kasama sila mama?yun yung time na napagtanto ko na ang hirap hirap mong mahalin hana!bago magpasko ay sinuyo suyo kita pero nag iinarte ka parin!gulong gulo ako dahil kelangan ko pag bigyan ang mama ko dahil isang beses sa isang taon ko lng sya makita!pero anong ginawa mo?pinagselos mo ako sa kaibigan mo!pinakita mo na kaya mo!may sakit ako nung araw na nakikipaghiwalay ka sakin!nasa tagaytay kami at ikaw lang ang iniisip ko hana dahil ayokong mawala ka sakin!",galit na sigaw nya,napatulala ako at tuloy tuloy ang bagsak ng luha dahil sa matagal na pagsasama namin ay ngayon lang sya naging ganto,ngayon nya lang ako sinigawan at pinakitaan na parang ibang tao
"nagbyahe ako mag isa papunta sayo",umiiyak na sabi nya,pinunasan nya muna ang luha bago nagpatuloy,"tinakasan ko si mama noon dahil mas pinagpalit kita,habang nagbabyahe ako,yun yung time na nagpapaalam kana sakin,nanghina ang buong sistema ko at tinawagan kita pero di mo sinasagot,nung ika putang inang beses na tawag ko sayo saka mo sinagot!at sa sobrang kagustuhan kong makausap ka ay di ko na namalayan na may kasalubong pala akong sasakyan,nawalan ako ng malay at ang sunod na nalaman ko nalang ay nakaconfine na ako sa hospital,"
Sinimulan nyang hubarin ang pantalon nya…
"ikaw parin ang iniisip ko sa oras na yun!gustong gusto kitang puntahan pero…",nang ibaba nya ang pantalon nya ay nagulat ako ng makita kong putol ang binti nya at may bakal nalang na pamalit sa binti ang nakakabit,hindi ako nakapagsalita at doon na sya humagulhol ng iyak!"pero hindi na ako pina…pinayagan umalis dahil doon ko napagtanto na wala na akong paa!simula nung araw na yun ay kinalimutan ko na ang pagmamahal ko sayo dahil sobra na!sobra sobra na!",nakatulala parin ako habang gulat na gulat na nakatitig sa bakal na binti nya .
'kaya pala matagal syang hindi nagpakita,kaya pala matagal syang hindi nagparamdam,kaya pala ganun nalang ang galit sakin ng pamilya nya,kaya pala hindi na nya ako mahal'
BINABASA MO ANG
Kaya Pala
General Fiction"Hindi porke nagmamahalan ang dalwang tao ay sila na talaga,maaring pinagtagpo lang sila ngunit hindi itinadhana"