El amor y la razón no se me quedan

161 1 1
                                    

2: El amor y la razón no se me quedan.

Sa totoo lang, ang Ciudad Cuadrada na yata ang pinaka-weird na lungsod sa buong mundo dahil sa pagka-OC yata ang founders nito. Hanggang sa naaalala ko na lang na engineers at architects nga ang mga unang nanirahan dito at nag-usap-usap sila na gawing hugis parisukat ang buong siyudad nang maaayos nila ang problema sa sewerage system at ang transport system. Sa totoo lang, ang siyudad na ito ay ginawa para sa hinaharap, halos 200 taon na ang nakalilipas.

Paglampas mo sa mga pader ng squared city ay makikita mo naman ang isang daungan sa hilaga, ang mga talyer sa timog, ang lumang fortaleza sa kanluran, at ang mga amusement park ang napalawak na Parque Citadino sa silangan. Sa maniwala kayo o sa hindi, hanggang paglabas ay nakahugis parisukat pa rin. Nahahati naman sa apat na distrito ang buong siyudad at nahahati pa sa tiglabing-anim na parisukat. Ang malalaking abenida ng lungsod ay nakahugis na parang asterisk. May lugar para sa business district sa hilagang silangan, ang mga residential area naman ay nasa gawing timog kanluran at hilagang silangan. Ang mga paaralan naman ay nasa timog silangan.

Sa ganitong paraan, maayos din ang naging pagpapatakbo sa buong lungsod. Kaya sa tingin ko ay hindi ko lilisanin ang lugar na ito. Masaya na ako na narito ako kahit na mag-isa. Mahal na mahal ko ang siyudad at masaya na akong narito ang mga kaibigan ko.

Pero dahil sa ganitong ganap nito, parang nakakulong pa rin ako.

Totoo, parang nakakulong ako sa isang kahon ng ilusyon. At sa maraming dahilan din ay hindi ko maiwan ito dahil ang lungsod na ito na lang ang tahanan ko.

Punyetang buhay 'to.

Ang gulo!

...

Naglalakad na naman ako sa tabing-kalsada. Tinitingnan ko ang bawat hakbang ko. Naramdaman ko na lang ang pag-ihip ng hangin sa aking buhok na kanina'y nakahawi pakaliwa at ngayon ay pakanan na. Inayos ko na lang ito at naramdaman ko na lang ang paghawak ng kamay sa aking braso.

"Hoy," pagtawag ng pansin ng isang boses.

Pagkalingon ko, si Darcy lang pala!

"Siraulo ulo ka talagang Briton ka!" Bulyaw ko sa kaniya.

"O! Ang aga-aga, ang init na naman ng ulo mo."

"Ang hilig mo kasing manggulat! Damuho ka talaga!"

"Sorry naman! Hayaan mo, sa ibang paraan naman kita gugulatin," At tumawa pa siya nang malakas.

Nagtinginan ang mga tao sa labas ng mga café na nadadaanan namin ngayon. Nakakahiya!

"Ang lakas mong tumawa! Ano ka na?" Atungal ko.

"Ano ka ba naman? Huwag na kasing mainit ang ulo mo. Hayaan mo. Ihahatid kita ngayon sa room mo."

Iniakbay niya na lang ang kamay niya sa balikat ko. Gawain niya talaga ang ganito. Pero kapag siya, okay lang. Kapag iba 'yan, tatanggalin ko agad.

Sa kaniya lang kasi ako sanay sa mga ganitong eksena. Hindi kasi mahiyain si Darcy. Palibhasa liberated ay okay lang sa kaniya kahit alam niyang bading ako. Siya lang kasi talaga ang kaibigan ko. Best friend na nga kung tutuusin.

"Kumusta naman kayo ni Nerea?"

"Ayun, mag-jowa pa rin kaming dalawa."

Tatawa-tawa pa ang timang, pero alam kong nag-away na naman sila no'n.

"Nag-away na naman kayo, no?" Panghuhuli ko pa.

"Hindi, a!" Pagtanggi niya.

"Ulol! Wala ka nang matatago pa sa akin."

SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon