Sky point of view
"Hayy...ang ganda talaga sa mundo nang mga tao,kahit madaming problema...natututo parin sila ngumiti at magkasiya" bulong ko habang nakatingin sa baba
"Oi Sky...naka tingin ka nanaman jan" saad nang kaibigan kong si Nathalie
"Haysst...pero teka...ano ba yung mga taong may kulay pulang ilaw dun sa itaas nila?" tanong ko
"Ahh...yun ba?sila yung mga taong kailangan nating tulungan sa huling mission natin" sabi nya
May isang lalaki akong nakita,sobrang pula nang ilaw nya "At sya naman si Zack Reimirez...Zack ang pangalan nya,ang mga taong tulad nya.ay ang agad kailangang iligtas...bago pa sya mapunta sa impiyerno" sabi ni Nathalie
"Pano mo sya nakilala?" tanong ko,tinuro nya ang cloud bulletin board
"Una sya sa listahan" sabi nya sabay turo sa isang picture
Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang biglang pag labas nang mga pangalan nang anghel na tatanggap nang huling mission
"Omg!nathalie!!!" sigaw ko sabay turo sa pangatlong pangalan
"Pero pangalawa si Sabrina...omg yung malditang yun?!" busangot na sabi nya,pero bigla nalang nanlaki ang mata nya
"D-Dude!!!ikaw yung mag aalaga kay Zack!!!omg!!!" sigaw nya habang nakaturo pa dun sa bulletin
"Omg!!!baba na ako!!!makakapunta na ako sa lupa!!!" excited na sabi ko
"Sky...isang malaking karangalan na ialay namin sayo ang huling mission mo...alagaan at baguhin mo ang makina nya...bago ka pumasok sa Happy Island...dapat maging isang napakagandang pamamaalam ang gawin mo kay Zack pag nagawa mo na ang mission mo"
"S-Sir Gabriel" sabi ko at humarap sakanya
"Wag mong ipapaalam sa lahat na anghel ka...sabihin mo ang totoo kapag aalis ka na" nakangiting sabi nya
Ngumiti ako pabalik at tumango "Masusunod po" nakangiting saad ko
"At ibigay mo toh sakanya,sa huling araw...bago sumikat ang araw" nakangiting saad nya at binigay sakin ang isang bulaklak...nakulay pink "Pero bago mawala ito,isuot mo nalang muna" sabi nya
Ang ganda nun,sinuot ko yun "Mag iingat ka!!!kita kits sa Happy Island!!!" nakangiting sabi ni Nathalie
Sumakay na ako sa isang ulap na nag dadala samin kung nasan ang taong kailangan naming alagaan at baguhin
***
Ang daming malalaking gusali...mga bagay na umaandar!ang ganda!!!
Bumaba na ako sa ulap at nasa isang madilim na eskinita ako "Hoy!!!ikaw ba si Zack the Devil?!" napatingin ako sa kanan ko nang may narinig akong sumigaw
"Oo ako nga!!!baket?!" sigaw nang lalaking aalagaan ko
"Hinahamon kita,kapag nanalo ako!!!sakin mapupunta ang trono mo" sabi nya
"Sorry...pero ano kamo?ikaw?magiging hari?" tanong ni Zack
"Oo...ako ang magiging hari...at hindi ikaw!" sigaw nung lalaki,nanlaki ang mga mata ko at tumakbo nang mabilis sabay suntok sa lalaking yun
Tumilapon sya sa napakalayong lugar at tumagos pa sa pader "Hoy lalaki ka!!!wag na wag mo nga syang sasaktan!!!kagigil ka!!!" sigaw ko sakanya
Humarap naman ako sa likod ko at nakita ko syang natigilan sa ginawa ko,pinag pag ko muna ang puting pulang palda ko at yung puting damit ko "Ako nga pala si Sky" sabi ko sabay lahad nang kamay,pero tinignan nya lang yun
"I don't talk to stranger" sabi nya
"Ano kamo?hindi naman ako stranger ah?" sabi ko
"Lumayo ka nga!di kita kilala ok?!at hindi mo ako kailangang iligtas sa lalaking yun dahil kayang kaya ko sya" sabi nya at tinalikuran ako
"Tss...talaga palang sobrang sama nang ugali mo!Zack Reimirez"
Napahinto sya sa sinabi ko "Kilala kita ok?hindi ka nga stranger sakin tapos stranger ako sayo?!hindi patas yun!" utas ko,humarap sya sakin
"How do you know my name?" tanong nya sakin,pero nagkibit balikat ako.bawal sabihin eh
"Wala kang pake" sabi ko sabay belat.mukang nainis naman sya sa ginawa ko kaya sumugod sya sakin at aktong sasakalin ako,pero hinawakan ko ang kamay nya at pinigilan yun
Dahil sa normal na tao lang sya,hindi nya ako kayang pigilan,at dun sya lalong nag taka "Haysst...mukang ang dami kong kailangang ayusin sayo" nakangiting sabi ko at binitiwan sya
Ngumiti ako sakanya at tumingin sakanya,medyo gulat na nagtataka ang itsura nya sa inasta ko sa harap nya
Sana maging memorable ang bawat araw ko na kasama ka Zack,kahit na alam kong masama ka
BINABASA MO ANG
Angels Last Mission
Fantasy"Isa kaming Final Angel,mga anghel na tumatanggap nang isang huling mission.missiong mag pasaya at magpa bago nang tao... At kapag nag tagumpay na kami sa missiong toh...mawawala na kami at hindi na makikita kailan man,Zack...mahal kita Wag kang bab...